Sangguniang Kabataan ng Brgy Sto. Niño

Sangguniang Kabataan ng Brgy Sto. Niño New official page of Sangguniang Kabataan ng Barangay Sto. Niño. Kindly follow our new page.

Get ready for an exciting showdown this summer as we bring you the KABATAAN SPIKE FEST ONE DAY LEAGUE!💥🏐🏆 ONE DAY LEAGUE...
27/04/2026

Get ready for an exciting showdown this summer as we bring you the KABATAAN SPIKE FEST ONE DAY LEAGUE!💥🏐

🏆 ONE DAY LEAGUE: May 03, 2026 (Sunday)

📝REGISTRATION DETAILS
— Start of Registration: April 27, 2026
— Registration Fee: ₱1,500 per team
— How to Register:
Through Messenger of
Sangguniang Kabataan ng Brgy Sto. Nino FB page,
Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Jose FB Page,
Sibol Kabataan FB page
or Contact SNYA Pres. Vee Jay Viri

📍EVENT DETAILS
— Date: May 03, 2026 (Sunday)
— Venue: Hagonoy, Grandstand
— Time: 8:00 AM
— Category: Men's & Women's Division

📌 RULES
— Open Age (kahit anong edad pwede sumali)
— Hagonoy Residence Only
— Only 7 to 8 players per team

💛
💛
#𝐒ɪʙᴏʟ𝐊ᴀʙᴀᴛᴀᴀɴ 💚

Abril 2, 2026 —Isang simpleng pamamahagi ng tray ng itlog bilang pagpapakita ng suporta at taos-pusong pasasalamat sa at...
11/04/2026

Abril 2, 2026 —

Isang simpleng pamamahagi ng tray ng itlog bilang pagpapakita ng suporta at taos-pusong pasasalamat sa ating mga PABASA. 🙏🏻

Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagpapanatili at pagpapahalaga sa ganitong mahalagang tradisyon.

Marso 23–24, 2026 —Isang munting handog para sa malalaking pangarap. 🎓✨Malugod namahagi ang SK Sto. Niño ng simpleng reg...
11/04/2026

Marso 23–24, 2026 —

Isang munting handog para sa malalaking pangarap. 🎓✨
Malugod namahagi ang SK Sto. Niño ng simpleng regalo para sa mga batang nagsipagtapos sa Daycare Sto. Niño bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap at tagumpay.

Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa patuloy ninyong pag-abot sa inyong mga pangarap. 💛
Congratulations, mga munting graduates! Patuloy kayong mangarap at magsikap. 🌟

Marso 19, 2026 —Buong pusong ipinapahayag ng ating barangay ang taos-pusong suporta para kay Shane De Vera sa kanyang pa...
11/04/2026

Marso 19, 2026 —

Buong pusong ipinapahayag ng ating barangay ang taos-pusong suporta para kay Shane De Vera sa kanyang paglahok sa Hari’t Reyna ng Hagonoy. 👑✨
Nawa’y maging matagumpay ang iyong paglalakbay at patuloy mong ipagmalaki ang ating komunidad.

Marso 14, 2026 —Buong suporta sa ating Makata Basketball Cup players! 🏀
11/04/2026

Marso 14, 2026 —

Buong suporta sa ating Makata Basketball Cup players! 🏀

Pebrero 16, 2026 —Sa simpleng paraan, nagbahagi muli ang SK Sto. Niño ngayong Araw ng mga Puso. 💐 100 bulaklak, 100 ngit...
11/04/2026

Pebrero 16, 2026 —

Sa simpleng paraan, nagbahagi muli ang SK Sto. Niño ngayong Araw ng mga Puso. 💐 100 bulaklak, 100 ngiti mula sa simpleng handog na nakapagpapangiti ng puso.

Enero 17–18, 2026 —Isang makulay at masiglang gabi ng sayawan, tawanan, at pagkakaisa! Maraming salamat sa lahat ng naki...
11/04/2026

Enero 17–18, 2026 —

Isang makulay at masiglang gabi ng sayawan, tawanan, at pagkakaisa! Maraming salamat sa lahat ng nakiindak at nakisaya sa ating Zumba para kay Niño. Hindi lamang ito tungkol sa pagpapawis at pagsasayaw, kundi sa pagtutulungan at pagbibigay ng saya para sa ating komunidad. 💛

Taos-pusong pasasalamat po sa ating Hermano’t Hermana na sina William Dionisio at Teresita Dionisio. Gayundin kina Kons. Sir Juan Martin at RD Dillena sa kanilang suporta at tulong upang maging matagumpay ang programang ito.

Maraming salamat din sa Hiyas ng Hagonoy Folkloric Group sa pagbibigay-saya at papuri sa ating Mahal na Sto. Niño sa araw mismo ng pista. 🙏

📢 ANUNSYO ❗️Para sa mga hindi pa nakakatanggap ng SKolar na kabilang sa opisyal na listahan, ang pamamahagi ay ipagpapat...
09/04/2026

📢 ANUNSYO ❗️

Para sa mga hindi pa nakakatanggap ng SKolar na kabilang sa opisyal na listahan, ang pamamahagi ay ipagpapatuloy sa Abril 11, 2026 (Sabado) sa ganap na 10:00 ng umaga sa Barangay Hall.

Mangyaring magdala ng student ID patunay para sa beripikasyon.

Maraming salamat po!

29/03/2026

📣 Para po sa mga hindi pa nakakakuha ng student assistance na kabilang sa listahan‼️, makikiusap po kami na hintayin ang aming opisyal na anunsyo kung kailan ang iskedyul ng pamamahagi.

Paalala rin po na sarado ang ating opisina tuwing Linggo. Patuloy naman po kaming nagbigay ng real-time updates kahapon sa pamamagitan ng My Day at naghintay ng mga kukuha at nagpa-intay hanggang 6:00 PM.

Humihingi rin po kami ng paumanhin kung hindi agad naipamahagi ang student assistance. Nais po naming ipabatid na limitado lamang ang pondo ng SK Sto. Niño at mayroon din po tayong iba pang mga proyektong isinasagawa. Sa orihinal po sanang plano, Batch 1 lamang ang aming mabibigyan. Gayunpaman, sinikap po naming pag-ipunan at paghandaan ang programang ito upang mapalawig ang saklaw at mabigyan din ang iba pang mga estudyanteng nakapagsumite ng kanilang requirements, upang hindi rin po masayang ang kanilang effort at paghahanda sa pag-aapply. Dahil dito, umabot po ang pamamahagi hanggang Batch 3.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta. 🙏🏻✨

Isang taos-pusong pasasalamat muli sa lahat ng nakiisa sa Zumba Indakan para kay Niño nitong nagdaang pista. Sa ikalawan...
28/03/2026

Isang taos-pusong pasasalamat muli sa lahat ng nakiisa sa Zumba Indakan para kay Niño nitong nagdaang pista. Sa ikalawang pagkakataon, muli tayong nakalikom ng donasyon para sa ating kapilya.

Noong nakaraang taon (2025), tayo ay nakapagbigay ng walong (8) industrial fans, isang (1) trompa, at apatnapu’t walong (48) bumbilya.

Samantala, ngayong taon naman (2026), nakapagbigay tayo ng dalawang (2) conference microphones, isang (1) choir microphone, apat (4) na speaker, pitong (7) chandelier, at pitong (7) bumbilya.

Sa patuloy ninyong suporta, matagumpay nating naipagkaloob ang mga donasyong ito para sa Sto. Niño Chapel. Maraming salamat din sa SPPC Sto Nino Hagonoy Bulacan para sa kanilang kooperasyon. Patunay ito na sa sama-samang pagkilos at malasakit, marami tayong magagawa. 🙏✨

28/03/2026

‼️Mangyaring dalhin po ang inyong Student ID bilang beripikasyon o patunay na kayo ang kabilang sa listahan. Maraming salamat po.‼️

Address

Purok 8 Brgy. Sto. Niño
Hagonoy
3002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Brgy Sto. Niño posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share