02/06/2026
PABATID
Matagal na pong naireport sa MERALCO ang mga POSTE na may problema sa Peralta at Sukol Bukid, subalit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin pong dumarating na personnel upang magsagawa ng inspeksyon at pagkukumpuni.
Dahil dito, muli po nating hinihikayat ang lahat ng mga residente na magpadala rin ng report sa Meralco upang maiparating ang agarang pangangailangan ng aksyon para sa kaligtasan ng ating komunidad.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon.