TAYO Kabayani Bolunterismo

TAYO Kabayani Bolunterismo Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from TAYO Kabayani Bolunterismo, Political organisation, Sto. Rosario, Hagonoy.

Kaisa ang Buong TAYO Kabayani Bolunterismo sa pakikibahagi at pagbati sa isang Masaya at Makulay na Pista ng Mahal na Bi...
26/11/2023

Kaisa ang Buong TAYO Kabayani Bolunterismo sa pakikibahagi at pagbati sa isang Masaya at Makulay na Pista ng Mahal na Birheng Milagrosa!

Nawa ang pagmamahal sa atin ng mahal na Birheng Ina, ang Birheng Milagrosa ay magdulot ng pagpapala, paggabay, at kaayusan sa ating barangay.

Maligayang Pista! at Mabuhay ang Mahal na Birheng Maria, Ang Birheng Milagrosa!

GOODLUCK.. JJ Crisostomo From Sto. Rosario Hagonoy, BulacanMr. Planet King International 2023👑Official candidateHost cou...
24/11/2023

GOODLUCK.. JJ Crisostomo
From Sto. Rosario Hagonoy, Bulacan
Mr. Planet King International 2023👑
Official candidate
Host country Vietnam
Representing PHILIPPINES🇵🇭




17/11/2023

PANUORIN: The Feast Malolos | Sabay-sabay po TAYO na magpuri at magpasalamat sa Diyos!

29/10/2023

Panalangin para sa Sto.Rosario.

Sa ngalan ng Ama ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen.

Panginoon, sa amin po ang pasasalamat sa Iyong dakilang pag iingat at pagmamahal, salamat sa pagkakataon ma mairaos namin ang panahon ng Kampanya nang ligtas, mapayapa at wala anumang aberya sa pagitan ng mga kandidato.
Salamat Ama sa iyong pagtitiwala na maging karapat dapat kami sa iyong mga plano para sa Barangay Sto.Rosario.
Sama sama po kami, nananalangin sa iyong pagkupkop sa pmamagitan ng Santissimo Rosario na aming patron.
Salamat po Ama sa
Team Sibol, Team Angat, Team Buklod, Team Tayo, mga SK at mga independiyente na sama sama nagnanais na makasama sa isang Bagong Pamunuan ng Barangay Sto.Rosario...
Ang lahat ng ito ay aming hinihiling at ipinagpapasalamat sa pangalan ng iyong anak na si Jesus, Amen.

Aba ginoong maria
Napupuno ka ng grasya
Ang panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang 'yong anak na si Hesus

Santa Maria ina ng Diyos
ipanalangin mo
kaming makasalanan
ngayon at kung kami mamamatay
Amen

Luwalhati sa Ama,
Sa Anak,
At sa Diyos Espiritu Santo.
kapara noong unang-una,
ngayon at magpakailanman
magpasawalang hanggan,
Amen.

Ang panalangin sa isang Ligtas, Maayos at patas na election 2023.

Sama sama Tayo para sa Sto.Rosario.

TINGNAN: Ipinakita ng mga kandidato mula sa iba't ibang partido ang pagkaka-isa nila sa adhikain at ang pagkakapare-pare...
28/10/2023

TINGNAN: Ipinakita ng mga kandidato mula sa iba't ibang partido ang pagkaka-isa nila sa adhikain at ang pagkakapare-parehas na sa pagnanais na pagsilbihan ang Baranggay Sto. Rosario na ipanakita sa pamamagitan ng isang Unity Walk na may temang "Iisa Tayo para sa Sto. Rosario".

Ito ay isang tradisyunal na sa ating barangay na tuwing barangay election ay sama-sama ang mga kandidato para sa isang unity walk.

Maraming salamat po sa ating Pangalawang Punong Bayan Ate Charo Sy-Alvarado para sa kanyang pangunguna sa nasabing gawain.

Narito ang angkop, napapanahon, konkreto at masusing pinagaral na Agenda/Plataporma ng Team Tayo para sa Sto. Rosario. W...
28/10/2023

Narito ang angkop, napapanahon, konkreto at masusing pinagaral na Agenda/Plataporma ng Team Tayo para sa Sto. Rosario. Walong lupon ang mangunguna upang isulong ang walong agenda na magbibigay ng Serbisyo at Kaunlaran sa ating mahal na barangay.

Lupon sa Pagawain at Kaunlaran ng Pamayanan
-Talaan ng mga pathway upang maisaalang alang mga kinakailangang pagawain para dito
-Bibigyang tutok ang kalalagayan ng ating sementeryo
-Makalapit mula sa ibat-ibang ahensya upang makadagdag pondo sa mga iba't ibang pagawain sa ating baryo.

Lupon sa Kalusugan at Tulong sa Mamamayan
-Maayos na talaan ng mga Senior Citizen upang tukoy ang mga higit na nangangailangan
-Malinaw na talaan ng mga pangangailangan ng ating mga PWD
-Talaan ng mga Dialysis Patient upang mabigyan ng tulong sa gamot at supply ng dugo
-Ambulansya pambarangay
-Maayos na supply ng gamot sa health center
-Guaranted letters mula sa mga kaibigan mula sa ibang ahensya upang makatulong sa pagpapahospital ng ating mga kabarangay.
-Health desk para sa mga tulong medikal

Lupon sa Pangangalagang Pangkalikasan
-Mula sa paghahakot - dagdag taga hakot
-Paglalagyan at Truck ng Basura
-Pagbalangkas ng batas sa pagbabasura
-Project kalinisan katuwang ang mga SK

Lupon sa Kapayapaan, Kaayusan at Kaligtasan
-Pagkakaroon ng Community Outpost
-Malinaw at maasahan na CCTV
-Maliwanag at maayos na street light sa eskinita at kalsada
-Regular na patrolya ng mga tanod
-Training para sa mga tanod kasama ang mga kabataang volunteers
-Katarungang pambarangay para maging maalam sa batas ang mga tagapagpatupad

Lupon sa Kapayapaan, Kaayusan at Kaligtasan
Lupon sa Pananalapi
- Mapanagutang pamahalaang pinansyal, alamin ang kailangan at hatiin ang pondo ayons sa tamang prayoridad.
*Pondo sa pagawain
*Pondo sa pang Edukasyon
*Pondo ng Sangguniang Kabataan
*Pondo sa Senior, PWDs at iba pang sector
*Pondo sa Benepisyo ng Volunteers
*At iba pang paglalaanan ayon sa Pangangailangan ng barangay at mamamayan.
-Quarterly Financial Report
*Ipaskil sa paskilang barangay o sa mga itatayong community outpost.

Lupon sa Edukasyon, Sining, Kultura, Turismo at Isports
-Regular na ugnayan sa mga paaralan sa ating barangay
-Kaligtasan ng bawat estudyante
-Linangin ng talento ng kabataan
-Summer sports clinic
-Masayang pagdiriwang ng mga kapistahan sa bawat purok at ating parokya

Lupon sa Negosyo, Hanap-buhay at pamumuhunan
-Maayos na talipapa at maluwag na trapiko
-Tulong pamumuhunan sa mga magsisimula ng negosyo
-Tulong promosyon ng produkto ng pangisdaan

Lupon sa Kababaihan, mga bata at Pamilya at LGBTQ+
-Pagbibigay training mula sa TESDA upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa hanap-buhay o isang negosyo
-Bigyang pagkakataon mamuhunan
-Women's Help Desk
-Nutrisyon sa bawat isang bata at senior citizen
-Pagpapatatag ng Pamilya
-Tuklas talino, karapatan at kaligtasan ng ating mga LGBTQ+

Kaya naman hanapin ang check! Iboto ang tama!

Otso diretso TAYO PARA SA STO. ROSARIO!

KAPITAN ELMER SK SANTOS

KAGAWAD JOEL BALATBAT
KAGAWAD AVIE BLANCO
KAGAWAD MANNY CRUZ
KAGAWAD WEWE DELA CRUZ
KAGAWAD KUYA JHAO DELA CRUZ
KAGAWAD IKONG NICODEMUS
KAGAWAD ATE V VALEROSO

28/10/2023

Sa nakalipas na sampung (10) araw ay inilaan natin ito upang mailahad ang mga agenda at plataporma sa ating mga kabaranggay sa Sto. Rosario. Mabunga ang bawat talakayan dahil kongkreto ang mga binitawang salita. Hindi lang tanong na "Ano?" ang sinagot, pati na din kung "Paano?" ipapatupad o maisasagawa ang bawat programa.

Malinis ang hangarin, kaya't sa ganitong paraan namin dinaan ang pangangampanya. Tao sa tao, puso sa puso, mamamayan para sa mamayan.

Pauna na po ang aming taos pusong pasasalamat sa inyong lahat mga minamahal naming taga- Sto. Rosario. Nawa ay positibo nyo pong tugunan ang aming panawagan na ipagkatiwala ang inyong sagradong boto. Maraming salamat po!

Hanapin ang CHECK! Iboto ang TAMA!

Otso Diretcho TAYO PARA SA STO. ROSARIO!

Kapitan Elmer SK Santos
Kag. Avie Blanco
Kag. Joel Balatbat
Kag. Manny Cruz
Kag. Kuya Jhao Dela Cruz
Kag. Wewe Dela Cruz
Kag. Ikong Nicodemus
Kag. Ate V Valeroso

ANG BETTER OPTION MO BARANGAY STO. ROSARIO ay TAYO PARA SA STO. ROSARIOAting bibigyang prayoridad na bigyang ginhawa ang...
27/10/2023

ANG BETTER OPTION MO BARANGAY STO. ROSARIO ay TAYO PARA SA STO. ROSARIO

Ating bibigyang prayoridad na bigyang ginhawa ang bawat mamamayan at kilusan agad ang mga suliraning kinakaharap ng ating barangay. Itaas ang antas ng paglilingkod, Serbisyo para sa lahat at Kaunlarang ramdam ng lahat. Regular na pagpupulong sa mga kasangguni at madalas na konsultasyon sa ating nasasakupan.

Bukas na pamamahala at mapanagutang paglilingkod ng Pamahalaang Barangay. Mainam na alam ng ating mga kabarangay ang pagkakagustusan ng mahigit 7,000,000 milyung pondo, kaya naman nararapat lang maiulat kung saan ginagasta ang ganitong kalaking halaga.

Pantay-pantay na paglilingkod at pagkalinga sa bawat isang nangangailangan. Patas at makataong pagpapatupad ng mga alituntunin at mga batas.

Walong LUPON ang bubuuin upang pangunahan ang walong AGENDA na ating isusulong sa barangay STO. ROSARIO;

-LUPON SA PANGANGALAGANG PANGKALIKASAN
-LUPON SA KALUSUGAN AT TULONG SA MAMAMAYAN
-LUPON SA EDUKASYON, SINING, KULTURA, TURISMO AT ISPORTS
-LUPON SA KAPAYAPAAN, KAAYUSAN AT KALIGTASAN
-LUPON SA PANANALAPI
-LUPON SA PAGAWAIN AT KAUNLARAN NG PAMAYANAN
-LUPON SA NEGOSYO AT HANAP BUHAY AT PAMUMUHUNAN
-LUPON SA KABABAIHAN MGA BATA AT PAMILYA AT LGBTQ+

Eto na Sto. Rosario! Sigurado at Kwalipikado para sa Epektibong Serbisyo at Kaunlaran! Kapitan ELMER SK SANTOS!

Hanapin ang Check! Iboto ang Tama!

IBOTO!
ELMER SK SANTOS para KAPITAN


OTSO-DIRETSO TAYO para sa STO. ROSARIO!

AVIE BLANCO para KAGAWAD
JOEL BALATBAT para KAGAWAD
MANNY CRUZ para KAGAWAD
IKONG NICODEMUS para KAGAWAD
KUYA JHAO DELA CRUZ para KAGAWAD
WEWE DELA CRUZ para KAGAWAD
ATE V VALEROSO para KAGAWAD

Address

Sto. Rosario
Hagonoy
3002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TAYO Kabayani Bolunterismo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share