22/07/2026
π¨ BABALA | HUWAG GAWING BIRO ANG MGA BANTA SA PAARALAN π¨
Ang Mercado Elementary School ay mahigpit na nagpapaalala sa lahat ng mag-aaral, magulang, at miyembro ng komunidad na ang anumang pagbibiro o pagpapadala ng mensaheng may banta tungkol sa bomba, baril, o pananakit ay hindi katatawanan.
Ang ganitong gawain ay maaaring magdulot ng takot, trauma, pagkaantala ng klase, at maaari ring humantong sa imbestigasyon at legal na pananagutan ayon sa umiiral na batas.
π Tandaan:
β
Mag-isip bago mag-post o magpadala ng mensahe.
β
Walang biro pagdating sa pagbabanta.
β
Maging responsable at mapanuring digital citizen.
β
I-report agad sa g**o o kinauukulan ang anumang kahina-hinalang mensahe o post.
Bawat salita ay may bigat, may epekto, at may pananagutan.
Sama-sama nating pangalagaan ang isang ligtas, mapayapa, at maayos na Mercado Elementary School.