SK Chairman Darenn Aaron "Daa" Calvelo

SK Chairman Darenn Aaron "Daa" Calvelo Official page of SK Chairman of Brgy. Rizal Gumaca,Quezon

27/01/2026

𝗧𝗨𝗠𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗥𝗘𝗦𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗠𝗜𝗠𝗜𝗡𝗔!

Ipinahayag ni Liberal Youth National Vice Chairperson for Internal Affairs Darenn Aaron Calvelo ang mariin na paninindigan ng kabataan laban sa agresibong pagmimina na patuloy na naglalagay sa panganib sa kabuhayan, tahanan, at kinabukasan ng mga taga Dupax del Norte hanggang sa Isla ng Sibuyan.

“Mula Dupax del Norte hanggang Isla ng Sibuyan, matagal nang naninindigan ang mga magsasaka, kabataan, at mga katutubo laban sa agresibong pagmimina na naglalagay sa kanilang kabuhayan at tahanan sa panganib, isang laban na sinasalubong ng karahasan, pag-aresto, at militarisasyon dahil sa pagtatanggol sa kanilang bayan.

Ang kalikasan ay isang pamana na dapat hindi ipinapamina basta-basta para sa pansariling interes at tubo lamang ng iilan kapalit ng pagkawasak ng kagubatan, kabundukan, at iba pang likas na yaman ng Pilipinas na nagdadala sa atin ng masaganang agrikultura at masiglang turismo. Ang panawagan natin ay malinaw: igalang ang karapatan ng mga komunidad, pangalagaan ang kalikasan, at itaguyod ang matatag at inklusibong kaunlaran.”

Sa gitna ng patuloy na banta sa kalikasan at karapatan ng mamamayan, naniniwala ang Liberal Youth na ang kalikasan ay hindi lamang yaman kundi buhay: pinagmumulan ng pagkain, kabuhayan, at kinabukasan ng susunod na henerasyon, kaya’t nararapat itong ipagtanggol, pangalagaan, at ipamana nang buo at buhay sa sambayanang Pilipino.






_______

⏩ Tara na sa LY: bit.ly/JoinLYPH

29/07/2025

SONA 2025: YOUTH LENS

Habang tinutukan ang SONA 2025 ni Pangulong Bongbong Marcos ang malalaking flood control projects bilang sagot sa paulit-ulit na pagbaha, nananatiling palaisipan sa marami kung kailan mararamdaman ang tunay na pagbabago. Sa kabila ng bilyong pisong pondo para sa d**e, pumping stations, at drainage systems, libu-libong pamilya pa rin ang nababaha tuwing may bagyo o malakas na pag-ulan. Ayon sa ilang eksperto at grupong pangkalikasan, hindi sapat ang puro infrastructure kung hindi tutugunan ang mga ugat ng problema gaya ng deforestation, kawalan ng urban planning, at kakulangan sa partisipasyon ng mga mismong komunidad na apektado. Ang hamon sa administrasyon: Kailan magiging mas mahalaga ang kalikasan at kapakanan ng tao kaysa sa photo-op ng proyekto?

Dobleng tagumpay, taos-pusong pasasalamat!Ikatlong pwesto sa Pinakamasarap na Yubak at Modern Contemporary Dance Contest...
23/05/2025

Dobleng tagumpay, taos-pusong pasasalamat!

Ikatlong pwesto sa Pinakamasarap na Yubak at Modern Contemporary Dance Contest sa pagdiriwang ng Arañat Baluarte Festival 2025 ,isang karangalang inialay namin sa buong Barangay Rizal!

Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta, tumulong, at naniwala sa kakayahan ng Kabataang Rizaleño. Ang tagumpay po na ito ay hindi para sa amin lang, kundi para sa buong komunidad na patuloy na nagsusulong ng kultura, talento, at pagkakaisa.

Mabuhay ang Kabataang Rizaleño!




🏐 SIMULA NA ANG LABAN! 🔥Ngayong Marso 15, 2025, opisyal nang nagbukas ang Mayor’s Cup 2025 Volleyball League, at ramdam ...
15/03/2025

🏐 SIMULA NA ANG LABAN! 🔥

Ngayong Marso 15, 2025, opisyal nang nagbukas ang Mayor’s Cup 2025 Volleyball League, at ramdam na ramdam ang excitement sa bawat sigaw, bawat palakpak, at bawat spike! 💥

Kasama natin sa makasaysayang araw na ito si Mayor Webster Letargo, Former MENRO Designate Ronald Aldwin Cortes, mga SK Officials, Volleyball Officials, at syempre, ang ating pinakamamahal na Rizaleño Spikers, handa nang ipakita ang husay, tapang, at puso sa loob ng court! 💪💙💛

Ito ay higit pa sa isang palaro, ito ay isang selebrasyon ng pagkakaisa, disiplina, at pagmamalasakit sa sports. Kaya’t tara, suportahan natin ang ating mga atleta at patuloy na ipagmalaki ang talento ng ating bayan!





11/03/2025

STATEMENT OF THE LIBERAL YOUTH ON THE ARREST OF FORMER PRESIDENT RODRIGO DUTERTE BY THE INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

Liberal Youth is pleased with the arrest of Former President Rodrigo Duterte by the International Criminal Court (ICC) as a crucial progress of justice being served to those victims of the Duterte administration. This serves as a reminder that no one is above the law.

The past administration failed to protect human rights as thousands of lives were unfairly taken due to the Extra Judicial Killings (EJK) where its sole purpose was to kill alleged users and pushers of drugs. If the goal was to eliminate drugs in the country, then this was not met as the EJK only brought bloodshed within our streets and unrelenting pain and fear to the families left behind. There could have been an alternate way to do this that included due process while upholding the values of democracy. Still, Duterte chose the path where due process was ignored, degraded human rights, and enacted a system of senseless bloodshed.

Liberal Youth acknowledges that the fight for justice will be long and difficult, but we must not stop here. The community continues to strive to fight for the victims of the injustices the former administration caused. We stand firm in holding the leaders who contributed to the injustices accountable, no matter who they are.

Liberal Youth joins in the protection of the law and human rights by remembering the people who lost their lives in this unjust drug war knowing that they and their families deserve justice.

Liberal Youth is one with the community in keeping the memories of the victims alive, and will continue to call out the injustices and violence caused by the Dutertes and other members of the administration until justice prevails.

11/03/2025
PLEASE REACT AND SHARE!!!🗳️ BOTO MO, KINABUKASAN MO! 🗳️Ang 2025 Elections ay higit pa sa simpleng pagboto—ito ay tungkol...
02/03/2025

PLEASE REACT AND SHARE!!!

🗳️ BOTO MO, KINABUKASAN MO! 🗳️

Ang 2025 Elections ay higit pa sa simpleng pagboto—ito ay tungkol sa kinabukasan ng ating bayan! 🤝 Kaya naman, handog namin sa inyo ang isang makabuluhang Voters’ Education Campaign upang gabayan kayo sa tamang pagpili ng mga pinuno!

✨ ANO’NG GANAP? ✨

📄 Pamamahagi ng Leaflets – Para sa isang informed at responsible voting! (March 09, 2025 Every Weekend)

🎤 Voters’ Education Seminar – Alamin ang karapatan at tungkulin ng isang botante! (April)

🎬 Libreng Film Showing: BALOTA – Isang pelikulang magpapakita ng halaga ng bawat boto! (1st Week of April)

💡 Huwag hayaang iba ang pumili para sa’yo! Maging matalino, mapanuri, at responsable sa pagboto! ✔️

📍 Sumali at makibahagi! Para sa detalye, makipag-ugnayan sa:
📞 0927-400-4219
🌐 Sangguniang Kabataan ng Brgy Rizal













https://www.facebook.com/share/p/1PXv2pHHsZ/?mibextid=wwXIfr

BABAE KA AT HINDI BABAE LANG!“Sa patuloy na pagkilos at pagbabago, kinikilala natin ang di matatawarang ambag ng kababai...
01/03/2025

BABAE KA AT HINDI BABAE LANG!

“Sa patuloy na pagkilos at pagbabago, kinikilala natin ang di matatawarang ambag ng kababaihan sa bawat aspeto ng lipunan. Ngayong 2025 National Women’s Month, ipagpatuloy natin ang pagsusulong ng pagkakapantay-pantay, karapatan, at kakayahan ng bawat babae tungo sa mas inklusibo at progresibong hinaharap. Sama-sama tayong bumuo ng isang mas makatarungan at pantay na mundo!

Sa bawat hakbang ng kababaihan, may pag-usbong ng pag-asa. Sa bawat tinig na ipinaglalaban, may pagbabagong nagaganap. Patuloy nating suportahan at ipagdiwang ang mga kababaihang nagsisilbing inspirasyon at haligi ng pagbabago. Isang maalab na pagpupugay sa lahat ng kababaihan—hindi lamang ngayong buwan kundi sa bawat araw ng taon!”

Opisyal na Pahayag ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Rizal ukol sa Ika-39 na Anibersaryo ng EDSA People Power Revoluti...
25/02/2025

Opisyal na Pahayag ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Rizal ukol sa Ika-39 na Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution

Ngayong ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, ginugunita ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Rizal kasama ang bawat isang Kabataang Rizaleño ang isang pambihirang sandali sa ating kasaysayan, isang rebolusyong nagpatunay na ang tunay na lakas ng isang bansa ay nasa kamay ng kanyang mamamayan.

Ang EDSA ay hindi lamang isang kuwento ng tagumpay laban sa diktadura; ito ay kuwento ng mga ordinaryong Pilipino,mga estudyanteng lumiban sa klase, mga manggagawang naglakad sa kalsada, mga madre at pari na nag-alay ng dasal, at mga pamilyang nagbigay ng bulaklak at pagkain sa mga sundalo. Ipinakita ng EDSA na sa harap ng pang-aabuso at kawalang-katarungan, kaya nating manindigan nang may tapang at malasakit.

Para sa aming mga kabataan, ang EDSA ay paalala na ang demokrasya at kalayaan na tinatamasa natin ngayon ay bunga ng sakripisyo ng mga nauna sa atin. Bagaman iba na ang mga hamon ng panahon ngayon, ang diwa ng EDSA, ang pagiging mulat, matapang, at mapagmalasakit, ay mananatiling inspirasyon sa aming mga puso.

Patuloy naming dadalhin ang mga aral ng EDSA sa aming mga pang-araw-araw na gawain. Hangad namin na sa bawat munting aksyon at desisyon, maipakita ang pagmamahal at responsibilidad namin sa bayan.

Mabuhay ang diwa ng EDSA!
Mabuhay ang bawat Pilipinong may malasakit at pagmamahal sa bayan!





Address

61 Apolinario Mabini Street
Gumaca
4307

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Telephone

+639274004219

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK Chairman Darenn Aaron "Daa" Calvelo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to SK Chairman Darenn Aaron "Daa" Calvelo:

Share