28/05/2026
Doktor Elchor Paulite Caralian π§‘π
God Bless Gumaca
HYDRATION AND HEALTH PROMOTION POLICY, Aprubado na sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon.
β
βSa bisa ng SP Resolution 2026-361 ay ganap na pong napagtibay ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang Ordinansang nagtatatag ng Hydration and Health Promotion Policy sa Bayan ng Gumaca.
β
βAng panukalang ordinansang ito ay nakaangkla sa ating Saligang Batas at pinagtitibay ng mga pambansang batas tulad ng Republic Act No. 11223 o Universal Health Care Act, at ng Republic Act No. 7160 o Local Government Code of 1991, na parehong nagbibigay-diin sa tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan at itaguyod ang karapatan ng mamamayan sa kalusugan.
β
βLayunin ng ordinansang ito na itaas ang kamalayan ng ating mga opisyal, kawani, at mamamayan sa kahalagahan ng regular na hydration at malusog na pamumuhay; tiyakin ang pagkakaroon ng malinis at ligtas na inuming tubig sa mga tanggapan ng pamahalaan, paaralan, at pampublikong pasilidad; at hikayatin ang pagbawas sa labis na pagkonsumo ng matatamis, may caffeine, at inuming may alkohol.
β
βSa pamamagitan ng paglikha ng Hydration and Health Promotion Committee, pinatitibay natin ang koordinasyon ng ibaβt ibang tanggapanβmula sa Municipal Health Office, HRMO, MENRO, MDRRMO, hanggang sa Public Information Office at mga kinatawan ng Department of Educationβupang matiyak na ang programang ito ay hindi lamang panukala sa papel, kundi isang buhay na patakarang ramdam sa araw-araw na serbisyo at pamumuhay sa ating bayan.
β
βKasama sa mga konkretong hakbang ang paglalagay ng water stations sa mga pasilidad ng munisipyo, regular na health awareness campaigns sa mga barangay at paaralan, pagbibigay-daan sa hydration breaks lalo na sa ating mga field personnel at utility workers, at ang aktibong pagsusulong ng mas malusog na pagpili ng inumin.
β
βBilang isang manggagamot at lingkod-bayan, naniniwala po ako na ang isang well-hydrated na mamamayan ay mas malusog, mas produktibo, at mas handang maglingkod at makilahok sa kaunlaran ng ating bayan.
β
βMaraming salamat po sa Sangguniang Panlalawigan at sa patuloy ng suporta ng nagkakaisang Sangguniang Bayan ng Gumaca, Quezon.
β
βπππππ'π ππππ-ππππ, ππππππ ππππ!
β
β
β
β
β
β