Sangguniang Kabataan ng Arbismen

Sangguniang Kabataan ng Arbismen Welcome to the Official page of Sangguniang Kabataan ng Brgy. Arbismen!

OCTOBER 17-19, 2025SK Congress and Convention 2025  Balai Isabel in Talisay, Batangas.TEMA: “Strengthening Fiscal Accoun...
20/10/2025

OCTOBER 17-19, 2025

SK Congress and Convention 2025 Balai Isabel in Talisay, Batangas.

TEMA: “Strengthening Fiscal Accountability and Empowering Youth Leaders.”

In Photos: SK Chairpeson Mark Julius Villafuerte
SK Secretary Gracesel Palma
SK Federation- Guinayangan

Sa nasabing pagtitipon, ibinahagi at tinalakay ang mga mahahalagang paksa na nagbibigay-gabay sa mas responsableng pamumuno ng mga kabataang lider, gaya ng:
• Local Governance for Youth Development
• DILG Orientation
• SK Budgeting at Full Disclosure Policy
• Drug Abuse Prevention
• Peace and Order
• Anti-Trafficking and VAWC
• COA Compliance and Audit Preparation

Layunin ng kongresong ito na higit pang palakasin ang kaalaman ng mga SK officials sa tamang pamamahala, tamang paggamit ng pondo, at pagsusulong ng mga programang tunay na makikinabang ang kabataan at komunidad.


Isang pagbati ng Maligayang Pagtatapos SK Kagawad, Ma'am Apryl Soliveres Cerilla  !🥳Lubos kaming nagpapasalamat at humah...
20/07/2025

Isang pagbati ng Maligayang Pagtatapos SK Kagawad, Ma'am Apryl Soliveres Cerilla !🥳

Lubos kaming nagpapasalamat at humahanga sa iyong sipag, tiyaga, at dedikasyon.Ang iyong pagtatapos ay hindi katapusan, kundi isang bagong simula ng mas maraming oportunidad.

Nawa’y magsilbi kang inspirasyon sa kapwa kabataan — na ang tunay na lider ay patuloy na natututo, nagsusumikap, at naglilingkod nang may puso at dangal.

Sobrang proud kami sa'yo.
Mabuhay ka, at muli, maligayang pagtatapos!🙌

JUNE 16, 2025SCHOOL SUPPLIES DISTRIBUTION (Day Care- College)Matagumpay na naisagawa ang pamimigay ng mga school supplie...
22/06/2025

JUNE 16, 2025

SCHOOL SUPPLIES DISTRIBUTION (Day Care- College)

Matagumpay na naisagawa ang pamimigay ng mga school supplies para sa ating mga kabataang mag-aaral sa pangunguna ng ating SK Chairperson Mark Julius Villafuerte at SK Council.

Isang napakagandang pagkakataon na makapagbigay ng tulong sa mga estudyante na nangangailangan. Ang bawat papel, at lapis ay hindi lang basta gamit, kundi mga susi sa kanilang mga pangarap at tagumpay sa hinaharap.

Sa simpleng pamamahagi ng school supplies, nais naming iparating na hindi sila nag-iisa sa kanilang paglalakbay. Kasama nila kami sa bawat hakbang, sa bawat pagsubok, at sa bawat tagumpay na kanilang makakamtan. Ang edukasyon ay isang mahalagang sandata para sa pagbabago, at kami ay naniniwala na bawat estudyante ay may kakayahang magtagumpay basta't may tamang suporta at pagkakataon.

Ang pagiging bahagi ng ganitong proyekto ay isang maliit na hakbang para sa amin, ngunit malaking bagay para sa mga kabataang ito. Sa bawat ngiti at pasasalamat na aming natamo, muling napagtibay ang aming paniniwala sa kapangyarihan ng pagkakaisa at bayanihan.

Maraming Salamat!! Padayon!!

📢 PABATID SA LAHAT! 📢Ang Sangguniang Kabataan ng Arbismen ay magdaraos ng Libreng Pamamahagi ng School Supplies para sa ...
12/06/2025

📢 PABATID SA LAHAT! 📢

Ang Sangguniang Kabataan ng Arbismen ay magdaraos ng Libreng Pamamahagi ng School Supplies para sa mga kabataang mag-aaral sa ating barangay!

🎒✏️📚

📅 Petsa: Hunyo 13, 2025
🕗 Oras: 8:00 ng umaga
📍 Lugar: Barangay Arbismen Covered Court

Inaanyayahan namin ang lahat ng mag-aaral mula DayCare hanggang College na dumalo at kumuha ng libreng gamit sa paaralan bilang suporta sa kanilang pag-aaral ngayong darating na pasukan.

Layunin ng programang ito na matulungan ang ating mga kabataang mas maging handa at masigasig sa kanilang pag-aaral.

Tara na’t makiisa, magkaisa, at suportahan ang edukasyon ng kabataan!

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa inyong SK Chairperson Mark Julius Villafuerte .


Maligayang Araw ng Kalayaan! 🇵🇭Ngayong ipinagdiriwang natin ang ika-127 na taon ng kasarinlan ng Pilipinas, nawa’y mulin...
11/06/2025

Maligayang Araw ng Kalayaan! 🇵🇭

Ngayong ipinagdiriwang natin ang ika-127 na taon ng kasarinlan ng Pilipinas, nawa’y muling manariwa sa ating puso’t isipan ang diwa ng katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan na ipinaglaban ng ating mga bayani.

Ang kalayaang tinatamasa natin ngayon ay bunga ng dugo, pawis, at buhay ng mga taong nanindigan para sa dangal ng sambayanang Pilipino. Huwag natin itong sayangin. Sa bawat araw, ipaglaban natin ang katotohanan, katarungan, at kapakanan ng kapwa nating Pilipino.

Maging malaya hindi lamang sa salita, kundi sa gawa. Kalayaang may pananagutan, at may layuning maglingkod at magmahal sa bayan.

Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭
Mabuhay ang bawat Pilipino!

Isang pagbati ng Maligayang kaarawan sa Ama ng bayan ng Guinayangan, Kagalang-galang Mayor Cesar Isaac III 🎉🫶 Nawa'y mag...
11/06/2025

Isang pagbati ng Maligayang kaarawan sa Ama ng bayan ng Guinayangan, Kagalang-galang Mayor Cesar Isaac III 🎉🫶

Nawa'y maging masaya at puno ng pagpapala ang inyong buhay. Ang inyong sipag at determinasyon sa paglilingkod sa bayan ay di mapapantayan ng kung sino man kayo ang nagsisilbing inspirasyon at lakas naming mga kabataan ng Guinayangan.
Nawa'y maging malakas ang inyong pangangatawan upang maipagpatuloy ang inyong "lubos na panglilingkod"🙌

Pagbati po mula sa Sangguniang Kabataan ng Arbismen na pinangungunahan ng aming butihin at masipag na SK Chairperson Kagalang-galang Mark Julius Villafuerte at Sangguniang Kabataan members🥰

Magandang Araw Students!!!Sa muling pagbabalik ng mga kabataan sa paaralan, ang Sangguniang Kabataan ay nagsisilbing kat...
10/06/2025

Magandang Araw Students!!!

Sa muling pagbabalik ng mga kabataan sa paaralan, ang Sangguniang Kabataan ay nagsisilbing katuwang sa paghahanda para sa mas matagumpay na taon ng pagkatuto! 🎒📚 Ngayong taon, handog namin ang mga school supplies (DAYCARE- COLLEGE STUDENTS) upang matulungan silang magsimula ng maayos sa kanilang mga klase.

Ang mga notebooks, at iba pang gamit pang-eskwela ay simbolo ng aming patuloy na suporta at malasakit sa bawat kabataan sa ating barangay. 🥰

Magsama-sama tayo sa pagbuo ng mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga kabataan! Sa SK, ang bawat hakbang ay isang pagsuporta sa kanilang pag-unlad. Salamat sa inyong patuloy na pagtangkilik at suporta. Tayo'y magtulungan para sa tagumpay ng bawat isa! ❤️

Ps. Ang pamamahagi po ng school supplies ay iaanunsyo na lamang ulit sa sandaling matapos na ang pagpapack nito.



- SK Mark Julius Villafuerte & SK Councils

Maligayang Araw ng mga Ina sa lahat ng ilaw ng tahanan! Sa bawat paggising, sa bawat hapunan, sa bawat yakap at payo—kay...
10/05/2025

Maligayang Araw ng mga Ina sa lahat ng ilaw ng tahanan!
Sa bawat paggising, sa bawat hapunan, sa bawat yakap at payo—kayo ang tunay na bayani ng ating mga buhay. Hindi matatawaran ang inyong sakripisyo, walang kapantay ang inyong malasakit, at kailanma’y hindi matutumbasan ang inyong pagmamahal. Salamat sa walang sawang pag-aaruga, pag-unawa, at pag-gabay sa amin, kahit gaano kami katigas ang ulo minsan. Kayo ang pundasyon ng pamilya, ang puso ng tahanan, at ang inspirasyon ng bawat anak. Ngayong araw na ito, nais naming iparamdam sa inyo kung gaano kayo kamahal, pinapahalagahan, at tinitingala. Sana’y maging masaya kayo hindi lang ngayon kundi sa bawat araw na dumarating. Mabuhay ang lahat ng ina sa mundo!🙌🫡

-Sk Mark Julius Villafuerte
- Sangguniang Kabataan ng Arbismen

Happy 36th Patronal Fiesta SAN ISIDRO LABRADOR!🎉In our celebration, we invite you to have fun and party with us here  co...
07/05/2025

Happy 36th Patronal Fiesta SAN ISIDRO LABRADOR!🎉

In our celebration, we invite you to have fun and party with us here court Barangay Arbismen Guinayangan, Quezon.

Come and Join us🥰

-Sk MaMark Julius Villafuerte SaSangguniang Kabataan ng Arbismen

17/04/2025

Maligayang kaarawan sa ating masipag, tapat, at dedikadong SK Treasurer Arvin Celiz !

Sa araw na ito, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pagbati at pasasalamat sa lahat ng iyong ginagawa para sa kapakanan ng kabataan at ng ating komunidad. Ang iyong pagiging matiyaga sa paghawak ng pondo, pagiging maingat sa bawat detalye, at pagiging bukas-palad sa pagtulong ay tunay na kahanga-hanga.

Nawa'y maging simula ang kaarawan mong ito ng mas marami pang biyaya, magandang kalusugan, at tagumpay sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Ipagpatuloy mo lamang ang iyong mabuting hangarin at tiyak na marami ka pang ma-inspire at matutulungan.

Muli, maligayang kaarawan! Nawa'y maging makulay, masaya, at puno ng pagmamahal ang iyong espesyal na araw.🎉🥳

Pagbati mula sa: Sangguniang Kabataan ng Arbismen

PAGBATI🎉Isang taos-pusong pagbati sa inyong pagtatapos! ELEMENTARY:Argote, Jann LuisSENIOR HIGH SCHOOL:Belmin, AironDela...
07/04/2025

PAGBATI🎉

Isang taos-pusong pagbati sa inyong pagtatapos!

ELEMENTARY:
Argote, Jann Luis

SENIOR HIGH SCHOOL:
Belmin, Airon
Dela Cruz, McAllen
Cueto, Joshua
Villanueva, Kayce

Ang inyong sipag, tiyaga, at determinasyon ay tunay na kahanga-hanga. Ito ay simula pa lamang ng mas marami pang tagumpay na naghihintay sa inyo. Ipagpatuloy ninyo ang pagsusumikap at huwag kayong titigil sa pagtupad ng inyong mga pangarap. Mabuhay kayong lahat!🎉👏

Pagbati mula sa Sangguniang Kabataan ng Arbismen

March 27, 2025 BUDGET APPROVED!✅  Isang hakbang tungo sa mas masiglang kabataan!Masayang ibinabalita ng inyong Sanggunia...
28/03/2025

March 27, 2025
BUDGET APPROVED!✅

Isang hakbang tungo sa mas masiglang kabataan!
Masayang ibinabalita ng inyong Sangguniang Kabataan na ang ating SK Annual Budget ay opisyal nang aprubado! ✅

Ito ay isang mahalagang hakbang para maisakatuparan ang mga proyekto at programang tunay na magpapalakas sa ating kabataan. Sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano at tamang paggamit ng pondo, masisigurado nating makikinabang ang bawat kabataang nasa ating komunidad.

Ang inyong tiwala at suporta ang aming inspirasyon sa pagpapatupad ng mga programa.Patuloy na magseserbisyo ang Sangguniang Kabataan ng Arbismen para sa kabutihan ng bawat kabataan. Sama-sama tayong kumilos para sa mas makabuluhang pagbabago!


Address

Brgy. Arbismen, Quezon
Guinayangan
4319

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Arbismen posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share