30/08/2026
Taos pusong pasasalamat po kay Mayor Ambrosio C. Cruz, Jr. at sa mga volunteers ng Pamahalaang Bayan ng Guiguinto sa ipinadalang Jollibee food packs para sa mga evacuees sa ating designated evacuation center.
Sa kasalukuyan po ay mayroong 8 pamilya at 27 indibidual ang apektado na pansamantalang nanunuluyan sa ating evacuation center.
AFFECTED BUT NOT DISPLACED:
# of Families - 1,343
# of Persons - 4,818
Maraming salamat po. ๐
-------------------------
MENSAHE MULA SA BARANGAY PANGINAY
Ang barangay Panginay, Guiguinto ay nagpapasalamat kay Mayor Ambrosio Boy Cruz, Jr. sa ipinagkaloob na Jollibee relief packs para sa mga apektado ng pagbaha.
Ang amin pong barangay ay nagpapasalamat sa kahit sinong nagabot ng tulong, malaki man o maliit ay ipinababatid namin ang taos pusong pasasalamat.
Hindi po totoo na hanggang Jollibee packs lang ang ipinamahagi ng Mayor Boy Cruz sa Panginay, ang katotohanan ay napakarami ng naipagkaloob na proyekto si Mayor Boy sa aming barangay. Ilan sa mga naipagkaloob na proyekto ay ang mga sumusunod:
1. Road concreting of C. Mercado Street
2. Road concreting and elevation along Lopez Street;
3. Road concreting and elevation along Enriquez Street;
4. Road concreting and elevation along NIA Road;
5. Paglalagay ng pilapil sa maliit na ilog ng Panginay para mabawasan ang hightide;
6. P42 million fund para itaas ang daanan sa kahabaan ng Provincial Road;
7. P70 million fund para sa pagsasaayos ng tulay sa panginay at pandugtong sa pagpapataas ng daan sa Provincial Road.
Marami na po naibigay na proyekto si Mayor Boy at Cong. Agay sa Panginay. Ang lahat ng ito ay pinapakinabangan na at ang iba ay inuumpisahan na. Kasalukuyan na ding isinasagawa ang pagtataas ng daan sa kahabaan ng Provincial Road na magdudulot ng ginhawa sa mga motorista.
Ang amin pong pagpapasalamat sa ipinaabot na Jollibee food packs ay regular na gawain ng barangay. Kanino man nanggaling ang mga tulong ay amin pong pinasasalamatan.
Huwag na po natin lagyan ng kulay ang bawat pagpapasalamat, bagkus ay maging masaya nalang po tayo para sa ating mga kabarangay na natutulungan.