29/05/2026
DALOY🌊
Ang DALOY ay ang pag-aaral ng pagkakadugtong-dugtong ng mga daluyan ng tubig, gaya ng drainage canals, mula sa mataas na bahagi na likha ng tao. Layunin nitong maging maluwag ang pagdaloy ng tubig at madaling makarating sa natural na imbakan tulad ng sapa at ilog na matatagpuan sa mababang bahagi ng ating bayan.
Ang layunin ng DALOY ay mabawasan ang pagtaas ng tubig na dulot ng labis na pag-ulan, gayundin ang matinding pagpasok ng tubig-alat na dala ng "TAOG" o high tide.