Kap Bebet Landayan

Kap Bebet Landayan Barangay Captain of Cut-cut, Guiguinto, Bulacan

AUGUST 20 | โœจ Pamimigay ng Libreng Gamot โœจIsang malaking tulong para sa ating mga kabarangay ang isinagawang pamimigay n...
20/08/2025

AUGUST 20 | โœจ Pamimigay ng Libreng Gamot โœจ

Isang malaking tulong para sa ating mga kabarangay ang isinagawang pamimigay ng mga libreng gamot sa ating Barangay Health Center. Ito ay hatid at inisyatibo nina Kapitan Bebet Landayan at Kapitana Len Landayan na patuloy na nagsusulong ng mga programang makakabuti para sa kalusugan ng bawat isa.

Maraming salamat po sa inyong malasakit at walang sawang suporta para sa ating barangay. Ang ganitong mga programa ay tunay na nakapagbibigay ginhawa at pag-asa, lalo na sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong medikal. ๐Ÿ™โค๏ธ

Sama-sama nating pangalagaan ang ating kalusugan, dahil ang isang malusog na pamayanan ay nagdudulot ng mas masayang komunidad. ๐Ÿ’Š๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ

Dahil sa sama ng panahon at high tide, suspendido pa rin ang face-to-face classes sa Bayan ng Guiguinto bukas (Hulyo 22,...
21/07/2025

Dahil sa sama ng panahon at high tide, suspendido pa rin ang face-to-face classes sa Bayan ng Guiguinto bukas (Hulyo 22, 2025). Lahat ng paaralan ay inaasahang mag-shift sa alternative delivery mode.

Stay safe, mga Guiguintenyo!

๐’๐ญ๐š๐ฒ ๐€๐ฅ๐ž๐ซ๐ญ, ๐†๐ฎ๐ข๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐ญ๐žรฑ๐จ๐ฌ!Habang binabantayan natin ang Bagyong Crising, tiniyak na natin ang kahandaan ng ating mga emer...
21/07/2025

๐’๐ญ๐š๐ฒ ๐€๐ฅ๐ž๐ซ๐ญ, ๐†๐ฎ๐ข๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐ญ๐žรฑ๐จ๐ฌ!

Habang binabantayan natin ang Bagyong Crising, tiniyak na natin ang kahandaan ng ating mga emergency team. Nakahanda na ang ating MDRRMO at iba pang ahensya upang rumesponde anumang oras. Sisiguraduhin po natin na ang bawat pamilya sa Guiguinto ay ligtas at may sapat na impormasyon at tulong.

Kung kailangan ninyo ng agarang assistance, huwag mag-atubiling tumawag sa 911. Nandito kami para sa inyo. Panatilihing kalmado, maging alerto, at magtiwalaโ€”kasama nโ€™yo kami sa bawat hakbang ng ating paghahanda.



Maraming salamat po sa pagkilala! ๐Ÿ™Œ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญIsang karangalan po para sa Barangay Cutcut, Guiguinto, Bulacan ang makatanggap ng ...
15/07/2025

Maraming salamat po sa pagkilala! ๐Ÿ™Œ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Isang karangalan po para sa Barangay Cutcut, Guiguinto, Bulacan ang makatanggap ng mga parangal mula sa programa ng Bagong Pilipinas:

๐Ÿ† 3RD PLACE โ€“ โ€œKALINISANโ€ sa Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program โ€” April to June 2025 (2nd Quarter)

๐Ÿ… 4TH PLACE โ€“ โ€œBECAโ€ o Barangay Environmental Compliance Audit Results โ€” 3rd and 4th Quarter 2024- 1st and 2nd Quarter 2025 Coverage

Patuloy po kaming magsisikap para sa isang malinis, maayos, at disiplinadong pamayanan. ๐Ÿ’š

15/07/2025

PUBLIC ANNOUNCEMENT | Bilang paghahanda sa pagbubukas ng Cutcut Super League 2.0 ay pansamantala po muna nating isasara ang ating Cutcut Covered Court.

Hindi muna natin pinahihintulutan ang paglalaro sa loob nito mula ngayong gabi July 15 hanggang July 20, 2025.


08/07/2025
๐Ÿค Pagtutulungan Tungo sa Kahandaan!Matagumpay na naisagawa ang Barangay Disaster Risk Reduction Management Training and ...
08/07/2025

๐Ÿค Pagtutulungan Tungo sa Kahandaan!

Matagumpay na naisagawa ang Barangay Disaster Risk Reduction Management Training and Workshop sa Coral View Beach Resort, Morong, Bataan.

Isang mahalagang hakbang ito upang palakasin ang ating kaalaman, kahandaan, at pagkakaisa sa pagtugon sa mga kalamidad.

Ang ating team building ay hindi lamang saya, kundi serbisyo para sa mas ligtas na komunidad. ๐Ÿ’š

JUNE 18, 2025 | ๐ŸŽ’๐Ÿ“š Brigada Eskwela 2025: Sama-sama para sa Bayang Bumabasa! โœจIsang matagumpay na pamimigay ng school sup...
04/07/2025

JUNE 18, 2025 | ๐ŸŽ’๐Ÿ“š Brigada Eskwela 2025: Sama-sama para sa Bayang Bumabasa! โœจ

Isang matagumpay na pamimigay ng school supplies ang isinagawa sa:

๐Ÿซ Cutcut Elementary School sa pangunguna ni G. Severino Narciso Jr.
๐Ÿซ Cutcut Child Development Center sa pamumuno ni Gng. Clarissa Garcia
๐Ÿซ St. Anthony Development and Learning Center of Bulacan Inc. sa pangunguna ni Gng. Wilma Del Rosario

Lubos ang pasasalamat sa lahat ng tumulong at sumuporta sa ating Brigada Eskwela 2025 โ€” mga g**o, magulang, volunteers, at sponsors โ€” upang matulungan ang ating mga batang mag-aaral na maging handa sa pasukan.

Tunay ngang sa bayanihan at malasakit, mas nagiging makabuluhan ang pagbalik-eskwela! ๐Ÿ’–๐Ÿ‘ง๐Ÿ‘ฆ






ROAD ADVISORY!!! Ipinapabatid po namin mula sa DPWH na Pansamantalang magiging ONE-WAY ang kalsada sa may kahabaan ng Pu...
13/05/2025

ROAD ADVISORY!!!

Ipinapabatid po namin mula sa DPWH na Pansamantalang magiging ONE-WAY ang kalsada sa may kahabaan ng Purok -1 papasok sa may Boundary ng Cutcut - Pgubat ( arko ng Welcome Cutcut) hanggang sa may tapat ng bahay nila Kap Bebet sa kadahilanang pagsasaayos sirang kalsada dito. Magsasagawa ng ROAD CONCRETING w/ include Construction of Drainage Canal sa magkabilang gilid nito.
Ito ay maaring simulan bukas at medyo matatagalan din ang pagpapagawa. Pinapayuhan po na ang lahat ng may sasakyan at motorista na palabas ng barangay ay mangyaring sa palabas ng bypass dumaan sa Purok 2 at Purok 4. Ang maari lamang po makaraan doon ay ang mga papasok ng barangay upang hindi masyadong magdulot ng pagsikip ng daloy ng trapiko sa lokasyon ng konstraksyon.
Narito ang larawan ng lugar o kalsada na Pansamantalang One-Way.
Maglalagay din po kami ng Signage nito bilang paalala sa lahat.
Hinihingi po namin ang Inyong pang-unawa.

ROAD CLOSED ADVISORY!!!Ipinapabatid po namin mula sa DPWH at M3 Konstract Corporation na Pansamantalang ISASARADO ang ka...
04/04/2025

ROAD CLOSED ADVISORY!!!

Ipinapabatid po namin mula sa DPWH at M3 Konstract Corporation na Pansamantalang ISASARADO ang kalsada partikular sa may Bypass Road Purok 4-Rizal Street sa gawe ng signage na Welcome Cutcut sa kadahilanan upang bigyang-daan ang pagsasaayos ng kalsada. Magsasagawa dito ng pagtitibag, paghuhukay at sesementuhin ito para sa proyekto nila na Network Development Program -Off-Carriageway Improvement -Secondary Roads - Plaridel Bypass Road. Ito ay sisimulan sa Lunes, April 7 at tatagal ng halos Isang Linggo. Maari na itong madaanan sa Lunes Santo - April 14, 2025.
Maglalagay po tayo ng signage sa kanto para po gamitin ang alternate route na pwede daanan. Pinapalalahanan lamang po na sa mga light vehicles pwede dumaan sa may Bonifacio Street labas nito pabypass at sa mga heavy truck at may karga mabigat pinapayuhan na sa main road o municipal road.
Kalakip nito ang larawan ng lugar o kalsada na Pansamantalang hindi madaraanan ng mga sasakyan at motorista.

22/03/2025

Address

Cut-Cut, Bulacan
Guiguinto
3015

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kap Bebet Landayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category