PNP Guiguinto Municipal Police Station

PNP Guiguinto Municipal Police Station Bagong PNP Para Sa Bagong Pilipinas, Serbisyong Mabilis Tapat at Nararamdaman

SITUATION UPDATEAugust 9, 2026 | 4:50 PMMalis Elementary School Barangay Malis, Guiguinto Bulacan Patuloy na nakararanas...
09/08/2026

SITUATION UPDATE
August 9, 2026 | 4:50 PM
Malis Elementary School Barangay Malis, Guiguinto Bulacan

Patuloy na nakararanas ng pagbaha ang ilang lugar sa Bayan ng Guiguinto dulot ng walang tigil na pag-ulan na kaugnay ng Tropical Storm “Maymay” at Southwest Monsoon (Habagat).

Kaugnay nito, patuloy ang pag-iikot ang mga personnel ng Kapulisan Ng Guiguinto kasama ang mga BPATs sa pamumuno ni PLTCOL FRANCIS B MAGADIA, ACOP sa mga lugar na apektado ng baha at mga evacuation centers upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente, mamonitor ang kalagayan ng mga kalsada, at agarang makatugon sa anumang insidente o pangangailangan ng publiko.

Patuloy ang police visibility at monitoring operations bilang bahagi ng disaster response at public safety efforts ng Guiguinto MPS .

Guiguinto MPS – Bulacan PPODialogue at Business Establishment Visitation / Joint Patrol kasama ang Barangay BPATs/TanodN...
02/08/2026

Guiguinto MPS – Bulacan PPO

Dialogue at Business Establishment Visitation / Joint Patrol kasama ang Barangay BPATs/Tanod

Noong Agosto 2, 2026, dakong 9:30 ng umaga, nagsagawa ang mga tauhan ng himpilang ito sa pangunguna ni Pat Cindy Lorenzo, kasama ang mga BPATs ng Brgy. Daungan, Guiguinto, Bulacan, na sina B/T Crisanto Cunanan at B/T Lo**ta Songalia, sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL ALLAN B PALOMO, ACOP, ng Dialogue at Business Establishment Visitation sa GEMSTONE Industrial Compound, Brgy. Daungan, Guiguinto, Bulacan, bilang bahagi ng JBM Patrol System kaugnay ng Safer Cities Initiative.

Layunin ng aktibidad na higit pang patatagin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad sa pamamagitan ng pakikipagdayalogo sa mga security personnel at mga kinatawan ng establisyimento, kasabay ng pagpapalakas ng police visibility sa lugar. Hinikayat din ang patuloy na pagpapatupad ng mga hakbang sa seguridad at ang agarang pag-uulat ng anumang kahina-hinalang pangyayari upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

Sa pamamagitan ng nasabing operasyon, patuloy na isinusulong ang pagpapanatili ng mapayapa at maayos na sitwasyon sa buong bayan ng Guiguinto at ang pag-iwas sa anumang uri ng kriminalidad.



Kapulisan Ng Guiguinto Nagsagawa ang Guiguinto MPS sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL ALLAN B PALOMO, Acting Chief of Polic...
02/08/2026

Kapulisan Ng Guiguinto

Nagsagawa ang Guiguinto MPS sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL ALLAN B PALOMO, Acting Chief of Police ng police visibility sa mga bahay sambahan upang matiyak ang seguridad, kaayusan, at kapayapaan ng mga nagsisimba. Layunin nito na maiwasan ang anumang banta o krimen sa loob at paligid ng simbahan at mapanatili ang maayos na daloy ng mga aktibidad ng pananampalataya.

Sa pamamagitan ng presensya ng mga pulis, mas napapalakas ang tiwala ng komunidad at mas nagiging ligtas ang pagdalo ng mga mamamayan sa kanilang mga gawaing pangrelihiyon.





31/07/2026

Kapulisan Ng Guiguinto

Nagsagawa ng pagpapatrolya at police visibility ang mga ang Guiguinto MPS sa pangunguna ni PLTCOL ALLAN B PALOMO, Acting Chief of Police sa mga paaralan na nasasakupan upang mapanatili ang kaayusan, mapalakas ang seguridad, at matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at iba pang kawani ng paaralan.

Layunin din ng gawaing ito na maiwasan ang anumang insidente ng karahasan o kriminalidad at magbigay ng agarang responde sa anumang sitwasyong maaaring makaapekto sa kapayapaan at kaayusan sa loob at paligid ng mga paaralan.

In case of emergency, dial 911 - the Unified Emergency Hotline available 24/7 for immediate assistance.





30/07/2026

Kapulisan Ng Guiguinto

Nagsagawa ng foot patrolling / Police Visibility ang mga personnel ng Guiguinto MPS sa pamumuno ni PLTCOL ALLAN B PALOMO, Acting Chief of Police, kasama ang mga miyembro ng BPATs ng Brgy. Pulong Gubat , sa nasasakupan bilang bahagi ng pinaigting na pagbabantay at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Layunin ng naturang operasyon na mapigilan ang anumang uri ng kriminalidad, mapanatili ang kaligtasan ng mamamayan, at makapagbigay ng agarang responde sa anumang insidente sa lugar.
Patuloy na pinaalalahanan ang publiko na makiisa at agad na ipagbigay-alam sa kapulisan ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang maayos at ligtas na pamayanan.

In case of emergency, dial 911 - the Unified Emergency Hotline available 24/7 for immediate assistance.











Kapulisan Ng Guiguinto Nagsagawa ng checkpoint operation ang mga personnel ng Guiguinto MPS sa pamumuno ni PLTCOL ALLAN ...
30/07/2026

Kapulisan Ng Guiguinto

Nagsagawa ng checkpoint operation ang mga personnel ng Guiguinto MPS sa pamumuno ni PLTCOL ALLAN B PALOMO, Acting Chief of Police, kasama ang mga miyembro ng BPATs ng Brgy. Sta. Rita sa nasasakupan bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad at upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko.
Layunin ng nasabing operasyon na masuri ang mga dumaraang sasakyan at indibidwal, mapigilan ang pagpasok ng mga ipinagbabawal na gamit, at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lugar.
Patuloy namang pinaaalalahanan ang mga motorista na makiisa at sumunod sa ipinatutupad na mga alituntunin para sa maayos at ligtas na komunidad.

In case of emergency, dial 911 - the Unified Emergency Hotline available 24/7 for immediate assistance.







Address

Guiguinto Municipal Police Station
Guiguinto

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Guiguinto Municipal Police Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share