23/10/2025
Ngayong linggo po, muli nating binuksan ang ating tanggapan para sa People’s Day para makausap mismo ang ating mga kababayan, marinig ang kanilang saloobin, at makibahagi sa kanilang mga pangarap para sa ating bayan.
Naniniwala po tayo na ang isang mahusay na pamahalaan ay ‘yung tunay na nakikinig, kumikilos, at nakikipag-ugnayan sa tao. Sa bawat kwento at pakikipag-usap, mas lumilinaw kung paano natin mas mapaglilingkuran ang ating komunidad.