03/10/2025
Bakit nga ba may bayad ang pag eedit ?
ito na ang sagot diyan ๐
๐Una Device na gamit sa pag eedit .
- yun ang pangunahing gamit na binili o pinundar nila para makapag edit . Hindi yon libre
๐Pangalawa Internet connection
- karamihan sa mga Applications na pang edit ngayon ay kailangan na ng internet na may Monthly na binabayaran , Hindi yun libre
๐Pangatlo App Subscriptions
- Ilan o karamihan sa mga gamit na application na pang edit ay my monthly subscription o my binabayaran buwan buwan para magamit ang buong feature nito , my free din pero limited lang ang mgagamit mo na tools . hindi din ito libre
๐Pang apat : Oras o panahon at pera na naubos para matutunan kung anong knowledge o skill sa pag eedit ang meron sila ngayon , Yong iba pa ay pinag aralan ng ilang taon bago nila nakabisado ang mga bagay na madali lang para saknila ngayon .
๐Pang lima : Sinisigurado nila ang quality , ang pag eedit ay hindi basta pindot pindot lang , Kailangan siguraduhin na bagay ang font at font color sa design , at kailangan din tama ang text sizes at mga pwesto ng elements . hindi basta basta ang pagdedesign Kailangan yang ng matinding focus at tiyaga para maging maayos ang kalalabasan ng designs at ang pinakaimportante ay kailangang siguraduhin na magugustuhan ni costumer ang output .
Kaya sa mga nagsasabi na pindot pindot lang yan subukan niyo din gumawa para malaman niyo kung anong stress ang nararamdaman namin dahil sa pindot pindot lang na yan .