27/02/2024
๐งโโ๐ฆโโ๐ธโโ๐ฆโโ๐ญโโ๐ฎโโ๐ณโ|| ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
Kinilala at isinapubliko ang pagkakakilanlan ng nasawing NPA sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng 502nd Infantry Brigade at ng teroristang NPA na miyembro ng Komiteng Probinsya Cagayan sa Sitio Laoc, Barangay Pateng, Gonzaga, Cagayan, Biyernes ng tanghali, Pebrero 23, 2024.
Sa panayam sa radyo kay Cpt. Judd Escubio, CMO Officer ng 502nd Infantry Brigade, pinangalanan ang NPA na si Gerald Lerio Paredog na kilala sa kilusan sa mga alyas na Daloy at Gani. Ayon kay Cpt Escubio, positibong kinilala ang napaslang na pulang mandirigma ng mga dati nitong kasamahang ligtas na nagbalik-loob sa pamahalaan.
Ayon pa sa mga nakalap na impormayon, si alyas Daloy ay tubong Sta Margarita, Samar. Siya ay naninirahan sa lungsod ng Quezon noong siya ay naging miyembro at organizer ng Migrante International Quezon City Chapter. Kasabay ng pagpapalalim sa doktrinang komunista, naging kasapi siya ng underground organization na Compatriots hanggang sa naging ganap na kasapi ng Partido Komunista ng Pilipinas, bago sumampa sa kanayunan at naging NPA noong Disyembre 2016. Unang gumampan ng gawaing medikal si Ka Daloy sa kinabilangang squad sa West front Committee bago inilipat at maging miyembro East Front Committee ng KomProb Cagayan.
Sa ngayon, nakahimlay ang mga labi ni Alyas Daloy sa isang punerarya sa Gonzaga, Cagayan. Nanawagan ang kasundaluhan na maaaring makipag uganayan ang mga kakilala at kaanak nito sa mga may kinauukulan para sa maayos na pagpapasakamay ng mga labi.
Samantala, nagpahayag ang lokal na Pamahalaan ng Gonzaga at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF- ELCAC) na handa silang magbigay ng kaukulang assistance para sa maayos at disenteng libing ng namatay na NPA.
Kung matatandaan nitong Biyernes, habang nagsasagawa ng security operation ang kasundaluhan sa nasabing lugar, isang residente ang nakipag-ugnayan at nagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng armadong NPA sa lugar na agad namang tinugunan ng 502nd Infantry Brigade.
Kasabay ng nagpapatuloy na pursuit operation sa natitirang NPA ay ang patuloy na panawagan ng 5ID na mas mabuting mabalik-loob na ang mga ito para makasama ang kanilang mga pamilya at tamasahin ang pangakong pagbabago ng pamahalaan. Bukas sa lahat ang panawagan ni Mgen Audrey Pasia, Commander ng 5ID na handang akayin ang mga nais bumaba pero kung magmamatigas ang mga ito ay nakahanda ang tropa na habulin sila dahil mandato ng kasundaluhan na lansagin ang CPP-NPA at wakasan na ang insurhensiya sa nasasakupan ng 5ID #.