17/07/2026
07.17.26 | Cooperative Orientation
Nagsagawa ang Cooperative Promotions and Development Office (CPDO) ng Cooperative Orientation para sa dalawampu't tatlong (23) miyembro ng CWASAEW. Layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga kalahok ng kaalaman tungkol sa konsepto, mga prinsipyo, at mga pakinabang ng kooperatiba, bilang paghahanda sa posibleng pagtatatag ng kanilang sariling kooperatiba. Inaasahan na sa pamamagitan nito ay higit na mapatatag ang kanilang organisasyon, mapabuti ang pamamahala, at mapalawak ang mga oportunidad para sa kabuhayan ng kanilang mga miyembro.