May Eclar

May Eclar 38 years of Marangal na Serbisyo sa Gobyerno | Former Regional Director of Department of Education | Ina at Maybahay ❤️

MAHALAGANG ANUNSYO | CARAVAN OF SERVICESPara sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan, ang Caravan of Services ...
31/08/2026

MAHALAGANG ANUNSYO | CARAVAN OF SERVICES

Para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan, ang Caravan of Services na nakatakda ngayong linggo sa mga sumusunod na barangay ay KANSALADO MUNA dahil sa masamang panahon:

📍 Barangay Danzo
📍 Barangay Malayep
📍 Barangay Bularit

Ang kaligtasan ng bawat Geronian ang aming pangunahing prayoridad. Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Mag-aanunsyo po kami ng panibagong iskedyul sa sandaling bumuti na ang lagay ng panahon.

Patuloy ang aming hangarin na makapaghatid ng serbisyong tapat, mabilis, at may puso para sa bawat mamamayan ng Gerona.

Mag-ingat po tayong lahat!







https://www.facebook.com/share/p/1bKHURT118/

MAHALAGANG ANUNSYO | Caravan of Services

Para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan, ang Caravan of Services na nakatakda ngayong linggo sa mga sumusunod na barangay ay KANSALADO MUNA dahil sa masamang panahon:

📍 Barangay Danzo
📍 Barangay Malayep
📍 Barangay Bularit

Ang kaligtasan ng bawat Geronian ang aming pangunahing prayoridad. Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Mag-aanunsyo po kami ng panibagong iskedyul sa sandaling bumuti na ang lagay ng panahon.

Patuloy ang aming hangarin na makapaghatid ng serbisyong tapat, mabilis, at may puso para sa bawat mamamayan ng Gerona.

Mag-ingat po tayong lahat!





𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓!Alinsunod sa abiso ng Provincial Government of Tarlac, suspendido ang face-to-face classes sa buong lal...
31/08/2026

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓!

Alinsunod sa abiso ng Provincial Government of Tarlac, suspendido ang face-to-face classes sa buong lalawigan ng Tarlac mula Setyembre 1 hanggang Setyembre 5, 2026 (Martes hanggang Sabado).

Sa halip, ipatutupad ang online classes upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga mag-aaral habang isinasagawa ang tuloy-tuloy na clearing, rehabilitation, at recovery operations sa ating lalawigan.

Hinihikayat ang lahat na manatiling ligtas, alerto, at updated sa mga opisyal na anunsyo.
Kaligtasan muna bago ang lahat!

https://www.facebook.com/share/p/1C6SdLpG6v/

PAGSASAGAWA NG ONLINE CLASSES SA LAHAT NG ANTAS SA LALAWIGAN NG TARLAC

Upang magbigay-daan sa tuloy-tuloy na clearing, rehabilitation, at recovery operations sa ating lalawigan, ipatutupad ang online classes sa lahat ng antas sa Lalawigan ng Tarlac mula Setyembre 1 hanggang 5, 2026 (Martes hanggang Sabado).

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Manatili po tayong ligtas at mag-ingat ang lahat!

Umulan Man o Umaraw, Patuloy ang Pagkilos para sa Gerona Kaninang tanghali, personal akong nagtungo kasama si Vice Mayor...
31/08/2026

Umulan Man o Umaraw, Patuloy ang Pagkilos para sa Gerona

Kaninang tanghali, personal akong nagtungo kasama si Vice Mayor Eloy C. Eclar sa Brgy. Villa Paz upang makita mismo ang kalagayan ng nasirang d**e at matukoy ang mga kinakailangang agarang hakbang upang maprotektahan ang ating mga kababayan.

Nagtungo rin ang ating butihing 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐚𝐧 𝐘𝐚𝐩, kasama sina 𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐑𝐃 𝐀𝐫𝐧𝐨𝐥𝐝 𝐎𝐜𝐚𝐦𝐩𝐨 at 𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐃𝐄 𝐇𝐞𝐫𝐦𝐨𝐧 𝐈𝐧𝐞𝐬, upang personal na tingnan at masuri ang D**e ng Gerona at ang kalagayan ng Tagumbao Bridge, bilang bahagi ng agarang pagtugon sa sitwasyon.

Taos-puso rin akong nagpapasalamat sa ating mga Municipal Councilors na agad na nakiisa at nagtungo sa mga lugar na nangangailangan ng tulong, gayundin sa mga Barangay Council mula sa iba't ibang barangay, mga SK Council, at sa lahat ng grupo at indibidwal na boluntaryong tumulong sa sandbagging operations.

Umulan man o umaraw, hindi tayo titigil sa pagkilos.
Sa bawat sandali ng pangangailangan, ipinapakita natin na kapag nagkaisa ang isang komunidad, walang pagsubok na hindi kayang harapin.

Maraming, maraming salamat sa lahat ng naglaan ng oras, lakas at panahon upang tumulong. Ang inyong malasakit at bayanihan ay malaking bagay para sa ating mga kababayan.

Patuloy tayong kikilos. Patuloy tayong magtutulungan. Para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat Geronian.

Serbisyong May Puso, Serbisyong Totoo. ❤️💙








https://www.facebook.com/share/p/1E8nZLA38b/

𝐒𝐔𝐒𝐏𝐄𝐍𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐅𝐀𝐂𝐄-𝐓𝐎-𝐅𝐀𝐂𝐄 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒𝐄𝐒 | 𝐒𝐄𝐓𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐄 𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔Mga minamahal kong Geronians, dahil sa patuloy na pag-ulan dulot n...
31/08/2026

𝐒𝐔𝐒𝐏𝐄𝐍𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐅𝐀𝐂𝐄-𝐓𝐎-𝐅𝐀𝐂𝐄 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒𝐄𝐒 | 𝐒𝐄𝐓𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐄 𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Mga minamahal kong Geronians, dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng 𝐇𝐚𝐛𝐚𝐠𝐚𝐭, suspendido ang 𝐟𝐚𝐜𝐞-𝐭𝐨-𝐟𝐚𝐜𝐞 𝐜𝐥𝐚𝐬𝐬𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐭𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐫𝐢𝐛𝐚𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐆𝐞𝐫𝐨𝐧𝐚 bukas 𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔. ( 𝐌𝐚𝐫𝐭𝐞𝐬)

Ang hakbang na ito ay para sa 𝐤𝐚𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐤𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥, 𝐠𝐮𝐫𝐨, 𝐚𝐭 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐧𝐞𝐥. Maaari namang ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng modular distance learning at iba pang learning modalities, alinsunod sa mga panuntunan ng DepEd.

Hinihiling ko sa ating mga magulang at kabataan na manatiling ligtas, umiwas sa mga lugar na maaaring bahain, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo mula sa 𝐏𝐀𝐆𝐀𝐒𝐀 𝐚𝐭 𝐋𝐆𝐔 𝐆𝐞𝐫𝐨𝐧𝐚.

Mag-ingat po tayong lahat.
𝐒𝐭𝐚𝐲 𝐝𝐫𝐲, 𝐬𝐭𝐚𝐲 𝐬𝐚𝐟𝐞, 𝐚𝐧𝐝 𝐆𝐨𝐝 𝐛𝐥𝐞𝐬𝐬, 𝐆𝐞𝐫𝐨𝐧𝐢𝐚𝐧𝐬!





https://www.facebook.com/share/p/19BeTCRUHZ/

𝐒𝐔𝐒𝐏𝐄𝐍𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐅𝐀𝐂𝐄-𝐓𝐎-𝐅𝐀𝐂𝐄 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒𝐄𝐒 | 𝐒𝐄𝐓𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐄 𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng 𝐒𝐨𝐮𝐭𝐡𝐰𝐞𝐬𝐭 𝐌𝐨𝐧𝐬𝐨𝐨𝐧 (𝐇𝐚𝐛𝐚𝐠𝐚𝐭) at bilang pag-iingat sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at school personnel, 𝐬𝐮𝐬𝐩𝐞𝐧𝐝𝐢𝐝𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐟𝐚𝐜𝐞-𝐭𝐨-𝐟𝐚𝐜𝐞 𝐜𝐥𝐚𝐬𝐬𝐞𝐬 sa l𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐭𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐫𝐢𝐛𝐚𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐆𝐞𝐫𝐨𝐧𝐚 bukas 𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐌𝐚𝐫𝐭𝐞𝐬).

ipagpapatuloy ang pagkatuto sa pamamagitan ng 𝐌𝐨𝐝𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐋𝐞𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐨 𝐢𝐛𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐥𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐋𝐞𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐨𝐝𝐚𝐥𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬, alinsunod sa mga alituntunin ng DepEd.

Hinihikayat ang lahat na manatiling 𝐚𝐥𝐞𝐫𝐭𝐨, 𝐦𝐚𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭, 𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐭𝐮𝐭𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐨𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐮𝐧𝐬𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐀𝐆𝐀𝐒𝐀 𝐚𝐭 𝐋𝐆𝐔 𝐆𝐞𝐫𝐨𝐧𝐚 para sa mga susunod na update.

Stay Dry, Stay Safe, Geronians!




Maagang Pag-iikot at Pagtutok sa D**e ng Barangay Villa PazNgayong umaga, personal na nag-ikot ang ating Vice Mayor Eloy...
31/08/2026

Maagang Pag-iikot at Pagtutok sa D**e ng Barangay Villa Paz

Ngayong umaga, personal na nag-ikot ang ating Vice Mayor Eloy C. Eclar upang makita ang kasalukuyang kalagayan ng d**e sa Barangay Villa Paz, lalo na ang bahagi ng pampang na apektado ng pagtaas ng tubig at pagguho ng lupa.

Patuloy ang pagbabantay at pagtutok sa kondisyon ng d**e upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan at mga komunidad na malapit sa ilog.

Lagi po tayong mag-ingat, manatiling alerto, at makinig sa mga abiso ng ating mga kinauukulan. Ang kaligtasan po ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad.





https://www.facebook.com/share/p/1Cftii4CAT/

𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐈𝐒𝐀 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐔𝐓𝐔𝐋𝐔𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐆𝐄𝐑𝐎𝐍𝐀 Patuloy ang pagsasandbagging sa mga bahaging naapektuhan at nas...
30/08/2026

𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐈𝐒𝐀 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐔𝐓𝐔𝐋𝐔𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐆𝐄𝐑𝐎𝐍𝐀

Patuloy ang pagsasandbagging sa mga bahaging naapektuhan at nasira ng ating d**e sa mga Barangay 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐲𝐞𝐩, 𝐂𝐚𝐫𝐝𝐨𝐧𝐚, 𝐚𝐭 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐏𝐚𝐳. Patuloy nating tinututukan ang sitwasyon at ginagawa ang lahat ng makakaya upang maprotektahan ang ating mga kababayan at komunidad.

Ngayong umaga, personal kaming nagtungo ni Vice Mayor 𝐄𝐥𝐨𝐲 𝐂. 𝐄𝐜𝐥𝐚𝐫 sa lugar upang makita ang aktwal na kalagayan ng ating d**e, makumusta ang ating mga kababayan, at matiyak na tuloy-tuloy ang mga kinakailangang hakbang at operasyon.

Lubos ang aking pasasalamat sa lahat ng naglaan ng oras, lakas at serbisyo upang makiisa sa ating operasyon. Maraming salamat sa ating mga 𝐏𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲, 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐬 at mga 𝐒𝐊 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 𝐧𝐠 𝐢𝐛𝐚'𝐭 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲, mga 𝐝𝐞𝐝𝐢𝐤𝐚𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐯𝐨𝐥𝐮𝐧𝐭𝐞𝐞𝐫𝐬, 𝐓𝐚𝐫𝐥𝐚𝐜 𝐄𝐚𝐠𝐥𝐞𝐬 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭, 𝐒𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐥𝐨𝐜𝐚𝐧𝐨 (𝐒𝐈), at mga 𝐃𝐞𝐥𝐭𝐚𝐜𝐨𝐦 𝐙𝐞𝐧𝐢𝐭𝐡 𝐁𝐚𝐬𝐞, gayundin sa lahat ng iba pang grupo at indibidwal na nakiisa at tumulong.

Sa panahon ng ganitong pagsubok, nakikita natin ang tunay na diwa ng bayanihan at malasakit sa kapwa. Bawat kamay na tumulong, bawat sako na binuhat at bawat oras na inilaan ay malaking bagay para sa kaligtasan ng ating mga kababayan. ❤️

Maraming salamat, mga minamahal kong Geronian. Sama-sama nating haharapin at malalampasan ang anumang pagsubok.

Serbisyong May Puso, Serbisyong Totoo!






https://www.facebook.com/share/p/1ETZhJtcHx/

SERBISYONG MAY PUSO, SERBISYONG LAGING HANDASa panahon ng pagbaha at patuloy na pag-ulan, mahalagang malaman ng ating mg...
30/08/2026

SERBISYONG MAY PUSO, SERBISYONG LAGING HANDA

Sa panahon ng pagbaha at patuloy na pag-ulan, mahalagang malaman ng ating mga kababayan na hindi sila nag-iisa.

Kaninang umaga, patuloy na nagsagawa ng pag-iikot at monitoring ang MDRRMO Gerona sa mga lugar na naapektuhan ng baha upang kumustahin ang ating mga kababayan, masuri ang kanilang kalagayan, at matiyak na nakahanda ang ating mga response team sa anumang pangangailangan.

Patuloy nating paiigtingin ang ating paghahanda, pagmomonitor, at pagtugon upang mapangalagaan ang kaligtasan ng bawat pamilya. Sa panahon ng sakuna.

Mag-ingat po tayong lahat, mga kababayan. Manatiling alerto, makinig sa mga abiso, at sama-sama nating harapin ang anumang pagsubok.




https://www.facebook.com/share/p/1F7R9Qm3qf/

𝐏𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐢𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭, 𝐏𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝.Mga kababayan, batay sa pinakabagong inspeksyon, nananatiling passable ...
30/08/2026

𝐏𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐢𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭, 𝐏𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝.

Mga kababayan, batay sa pinakabagong inspeksyon, nananatiling passable ang Tagumbao Bridge para sa mga light vehicles, mga pampasaherong sasakyan kabilang ang mga bus, at mga sasakyang nagdadala ng essential goods at relief goods.

Upang matiyak ang kaligtasan ng lahat, mahigpit nating ipinatutupad ang mga kinakailangang hakbang sa tulay, kabilang ang pagbabawal sa pagdaan ng mga mabibigat na sasakyan at ang pagpapatupad ng one-way traffic scheme. Nakatutok din ang ating mga personnel upang patuloy na subaybayan ang kondisyon ng tulay at agarang makapagbigay ng kaukulang aksyon kung kinakailangan.

Hinihiling ko ang inyong pakikiisa at pang-unawa sa mga ipinatutupad na hakbang na ito. Ang bawat pag-iingat na ating ginagawa ngayon ay para sa kaligtasan ng bawat pamilya at ng buong komunidad.

Mag-ingat po tayong lahat, lalo na sa gitna ng patuloy na pag-ulan. Patuloy po ang inyong pamahalaang bayan sa pagbabantay at pagkilos para sa kapakanan ng bawat Geronian.



https://www.facebook.com/share/p/1BmdBxyKcH/

📢 𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎 | 𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐁𝐀𝐎 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐆𝐄

Ang kaligtasan ng bawat Geronian ang ating pangunahing prayoridad.

Batay sa pinakabagong isinagawang pag-iinspeksyon, nananatiling passable ang Tagumbao Bridge para sa mga 𝐥𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐯𝐞𝐡𝐢𝐜𝐥𝐞𝐬, 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐩𝐚𝐬𝐚𝐡𝐞𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐲𝐚𝐧 𝐤𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐮𝐬, 𝐚𝐭 𝐦𝐠𝐚 𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐝𝐚𝐝𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐞𝐬𝐬𝐞𝐧𝐭𝐢𝐚𝐥 𝐠𝐨𝐨𝐝𝐬 𝐚𝐭 𝐫𝐞𝐥𝐢𝐞𝐟 𝐠𝐨𝐨𝐝𝐬.

Bilang pag-iingat, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaan ng mga mabibigat na sasakyan tulad ng 𝐜𝐨𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐭𝐫𝐮𝐜𝐤𝐬, 𝐝𝐮𝐦𝐩 𝐭𝐫𝐮𝐜𝐤𝐬, 𝐚𝐭 𝐢𝐛𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐛𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐫𝐠𝐚. Patuloy ding ipinatutupad ang 𝐨𝐧𝐞-𝐰𝐚𝐲 𝐭𝐫𝐚𝐟𝐟𝐢𝐜 𝐬𝐜𝐡𝐞𝐦𝐞 upang matiyak ang maayos at ligtas na pagdaloy ng trapiko sa tulay.

Nakatatalaga rin ang mga kinauukulang personnel sa lugar upang 24/7 na mabantayan ang kalagayan ng tulay at agad na makapagbigay ng kaukulang aksyon kung kinakailangan.

Hinihikayat ang lahat ng motorista na maging maingat sa pagmamaneho, lalo na ngayong patuloy ang pag-ulan. Sama-sama nating pangalagaan ang kaligtasan ng bawat isa sa ating mga lansangan.




Patuloy po nating binabantayan ang kalagayan ng ating mga tulay at pangunahing kalsada upang matiyak ang kaligtasan ng b...
29/08/2026

Patuloy po nating binabantayan ang kalagayan ng ating mga tulay at pangunahing kalsada upang matiyak ang kaligtasan ng bawat Geronian.

Batay sa pinakahuling inspeksyon, ang Tagumbao Bridge at San Bartolome Bridge ay maaari lamang daanan ng mga light vehicles. Para sa kaligtasan ng lahat, mahigpit nating ipinagbabawal ang pagdaan ng mga mabibigat na sasakyan sa mga nasabing tulay at hinihikayat ang paggamit ng alternatibong ruta.

Sa gitna ng patuloy na pag-ulan, muli ko pong ipinapaalala ang kahalagahan ng maingat at responsableng pagmamaneho. Ang bawat pag-iingat na ating ginagawa ay makatutulong upang maiwasan ang aksidente at maprotektahan ang buhay ng ating mga kababayan.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pag-unawa. Patuloy po tayong magtulungan para sa isang ligtas at handang Gerona.



https://www.facebook.com/share/p/1C9Wpkqs6s/

PABATID SA PUBLIKO

Batay sa pinakahuling pag-iinspeksyon, ang Tagumbao Bridge ay nananatiling passable para lamang sa mga light vehicles, habang mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaan ng mga mabibigat na sasakyan (heavy vehicles) bilang pag-iingat para sa kaligtasan ng lahat. Samantala, ang San Bartolome Bridge ay passable rin lamang para sa mga light vehicles.

Pinapayuhan ang mga motorista, lalo na ang mga nagmamaneho ng mabibigat na sasakyan, na gumamit ng mga alternatibong ruta at sundin ang mga umiiral na abiso at regulasyon.

Dahil sa patuloy na pag-ulan, inaanyayahan din ang lahat na mag-ingat sa pagmamaneho. Maghinay-hinay sa kalsada, panatilihin ang ligtas na bilis, at manatiling alerto upang maiwasan ang anumang aksidente.

Ang kaligtasan ng bawat Geronian ay nananatiling ating pangunahing prayoridad. Maraming salamat sa inyong kooperasyon at pag-unawa.

PABATID SA PUBLIKOBatay sa isinagawang pag-iinspeksyon, nananatiling passable ang Tagumbao Bridge para sa lahat ng uri n...
29/08/2026

PABATID SA PUBLIKO

Batay sa isinagawang pag-iinspeksyon, nananatiling passable ang Tagumbao Bridge para sa lahat ng uri ng sasakyan at maaari pa ring daanan ng mga motorista.

Samantala, passable lamang para sa mga light vehicles ang San Bartolome Bridge. Pinapayuhan ang mga may mabibigat na sasakyan na gumamit ng alternatibong ruta upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Dahil sa patuloy na pag-ulan, maaaring madulas ang mga kalsada sa ilang bahagi ng bayan. Mahigpit na pinapayuhan ang lahat na mag-ingat, maghinay-hinay sa pagmamaneho, panatilihin ang ligtas na bilis, at manatiling alerto habang bumibiyahe.

Patuloy pong mino-monitor ng ating mga kinauukulang tanggapan ang kalagayan ng mga tulay at pangunahing kalsada sa bayan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Mag-ingat, magbagal, at maging alerto sa bawat biyahe. Manatiling nakaantabay sa mga susunod na abiso mula sa Pamahalaang Bayan ng Gerona.



Address

Geronza
Gerona
2302

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when May Eclar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share