Bhert - Brgy. Bacao Dos

Bhert - Brgy. Bacao Dos Barangay Bacao Dos Health Emergency Response Team

Laging handa at maaasahan! Sama-sama nating palakasin ang kaligtasan at kalusugan ng ating komunidad.

Maging alerto, makilahok, at maging bahagi ng pagbabago sa Bacao Dos!

Ipinaabot po namin sa lahat ng residente ng Purok 10 na ang nakatakdang dengue fogging ay ikinakansela sapagkat hindi it...
05/02/2025

Ipinaabot po namin sa lahat ng residente ng Purok 10 na ang nakatakdang dengue fogging ay ikinakansela sapagkat hindi ito pumasa sa isinagawang inspeksyon.

Ang mga pangunahing dahilan ng pagkansela ay ang mga sumusunod:

✅ Madumi ang paligid – May mga nakitang tambak ng basura, baradong kanal, at stagnant water na maaaring maging pinamumugaran ng lamok.

✅ Maraming nakitang posibleng breeding sites ng lamok – Kabilang dito ang mga lumang gulong, bote, at iba pang lalagyan ng tubig na hindi nalinis.

✅ Kakulangan sa kooperasyon ng ilang residente – Ang matagumpay na fogging ay nangangailangan ng malinis na kapaligiran upang mas maging epektibo ang pagsugpo sa dengue-carrying mosquitoes.

PAKIKIUSAP: Upang matuloy ang dengue fogging sa hinaharap, hinihikayat ang lahat ng residente na makiisa sa paglilinis ng paligid, pagtatapon ng basura sa tamang lugar, at pagsasagawa ng "4S Strategy" kontra dengue:

✔ Search and destroy – Hanapin at alisin ang mga lugar na maaaring pamahayan ng lamok.
✔ Self-protection – Gumamit ng insect repellent at magsuot ng damit na may mahabang manggas.
✔ Seek early consultation – Magpatingin agad sa doktor kung may sintomas ng dengue.
✔ Support fogging activities – Makiisa sa programa ng barangay laban sa dengue.

Kung nais ninyong matuloy ang fogging, tiyakin na malinis ang inyong kapaligiran at wala nang posibleng pamugaran ng lamok.

17/11/2024
Bilang Paghahanda sa Super Typhoon Pepito✔️Ihanda ang Go Bag. Maaaring gamitin ang gabay sa larawan para mapanatili ang ...
17/11/2024

Bilang Paghahanda sa Super Typhoon Pepito

✔️Ihanda ang Go Bag. Maaaring gamitin ang gabay sa larawan para mapanatili ang kalusugan at kaligtasan sa inyong paglikas.

✔️Lumikas nang maaga kung ang inyong lugar ay madalas na binabaha.

✔️Lumikas kung nakaranas ng mabigat na pag-ulan nitong mga nakaraang araw at inaasahang dadaanan pa rin ng bagyo. Mataas ang tiyansa ng landslide dahil saturated na ang lupa o hindi na kaya nitong sumipsip ng tubig dulot ng sunod-sunod na ulan.

✔️Ugaliing mag-monitor sa lokasyon ng bagyo at sumunod sa mga abiso ng awtoridad.

Mag-iingat po tayong lahat, bawat buhay mahalaga.

‼️Paalala ng DOH Bilang Paghahanda sa Super Typhoon Pepito‼️

✔️Ihanda ang Go Bag. Maaaring gamitin ang gabay sa larawan para mapanatili ang kalusugan at kaligtasan sa inyong paglikas.

✔️Lumikas nang maaga kung ang inyong lugar ay madalas na binabaha.

✔️Lumikas kung nakaranas ng mabigat na pag-ulan nitong mga nakaraang araw at inaasahang dadaanan pa rin ng bagyo. Mataas ang tiyansa ng landslide dahil saturated na ang lupa o hindi na kaya nitong sumipsip ng tubig dulot ng sunod-sunod na ulan.

✔️Ugaliing mag-monitor sa lokasyon ng bagyo at sumunod sa mga abiso ng awtoridad.

Mag-iingat po tayong lahat, bawat buhay mahalaga.

EMERGENCY HOTLINE
13/11/2024

EMERGENCY HOTLINE

Address

Purok 8, Barangay Bacao II
General Trias

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bhert - Brgy. Bacao Dos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share