27/01/2024
Isa sa mga hindi ko malilimutang ganap sa aking 2023 ang event na ito. Sa dami ng nangyari sa taong 2023 sa buhay ko, sinikap ko parin na hindi palampasin ang pagkakataong makapagbigay ng kaunting kasihayan at tulong sa aking mga kababayan sa Quiapo Manila. Lumipas man ang panahon, isa ito sa mga hindi ko malilimutang gawin, ang TUMULONG SA KAPWA, higit lalo sa aking pinanggalingan. Napakasarap sa pakiramdam na yung mga biyayang natatanggap ko ay naibabahagi ko sa iba. Hindi man ganon kagarbo at karami, sinikap ko at ng buong team na maihatid ang mga munting handog na ito para sa mga higit na nangangailangan. Isa ang Thanksgiving na ito na naging tradisyon ko na, Isa din ito sa mga nagpapaspecial sa pagsalubong ko sa aking kaarawan at sa pagpupursigi ko pa lalo sa buhay, ito ang nagpapaalala sakin na ang pagtulong ay hindi nasusukat ng kahit anong halaga, bagkus ay nasa kakayahan mong tumulong maliit man o malaki at makapagbigay ng ngiti at saya sa iba. π«°π«Ά
Maraming Salamat po sa Brgy. 393, Quiapo Manila sa pakikiisa sa Thanksgiving na ito. Maraming Salamat din sa buong Team ng NisshaTrends na nag asikaso at volunteer upang maisakatuparan ang event na ito kahit na rush at biglaan, success parin. Maraming Salamat din sa aking Boss Pogi na suportado ako sa lahat ng pagkakataon at sa mga employees ng CJSG na nakiisa sa pamamahagi ng tulong. At Maraming salamat sa aming mga negosyo, Jenna Essence, NisshaTrends, CJSG Trading, Luck and Wealth Trading na patuloy na nagbibigay ng kakayahan upang makapaghatid ng tulong ang Love, Coco. π
Hangad kong marami pang maging kasunod ito at mas marami pang matulungan ang Love, Coco Charity Foundation.