19/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐จ
Dahil sa muling sunod-sunod na aksidenteng naganap sa General Trias Drive at General Trias Bypass Road (NIA Road), muling nagpaigting ng panawagan ang Barangay San Juan I ukol sa kahalagahan ng road safety at responsableng pagmamaneho.
Hindi bababa sa limang aksidente ang naitala sa loob lamang ng isang linggo, kabilang ang mga insidenteng naganap sa mga nabanggit na kalsada. Dahil dito, mahigpit na hinihikayat ang lahat na umiwas sa overspeeding, distracted driving, at anumang kapabayaang maaaring magdulot ng kapahamakan.
Ang ilang segundong pag-iingat ay maaaring makapagsalba ng buhay. Maging responsable, sumunod sa batas-trapiko, at pairalin ang disiplina sa kalsada para sa kaligtasan ng lahat.