City Health Office - General Trias, Cavite

City Health Office - General Trias, Cavite Official page of the City Health Office – General Trias. Providing QUALITY, ACCESSIBLE HEALTH SERVICES for all Gentriseños.

Serbisyong Pangkalusugan para sa lahat! Follow us for updates, programs, and wellness tips.🩺💙

ISANG MALAKING TAGUMPAY PARA SA MGA CHIKITING NG GENERAL TRIAS!Umabot  sa 22,541 chikiting na Gentriseño ang nabakunahan...
06/09/2026

ISANG MALAKING TAGUMPAY PARA SA MGA CHIKITING NG GENERAL TRIAS!

Umabot sa 22,541 chikiting na Gentriseño ang nabakunahan sa MR-SIA with Vitamin A bilang bahagi ng Ligtas Tigdas 2026 Campaign, mula Agosto 10 hanggang Setyembre 4, 2026!

Sa sama-samang pagkilos ng ating mga health workers, nurses, midwives, barangay partners, magulang at buong komunidad, patuloy nating pinapalakas ang proteksyon ng bawat bata laban sa tigdas at rubella.

Tulong-tulong para sa isang malusog at ligtas na General Trias!

Maraming, maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta!

Public Information Office - City of General Trias
Office of the Provincial Health Officer - Cavite
Health Education and Promotion Unit - DOH CHD Calabarzon
City of General Trias- Child Health Program

TAOS-PUSONG PASASALAMAT | LIGTAS TIGDAS 2026May mga araw na maaraw. May mga araw na maulan. May mga pagkakataong naging ...
04/09/2026

TAOS-PUSONG PASASALAMAT | LIGTAS TIGDAS 2026

May mga araw na maaraw. May mga araw na maulan. May mga pagkakataong naging mahirap ipagpatuloy ang ligtas tigdas, may mga batang takot sa karayom, at may mga hamon na kailangang harapin.

Pero sa bawat hamon, may isang bagay na hindi natin binitawan—ang ating pangako na protektahan ang bawat chikiting.

Sa buong Ligtas Tigdas – Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) 2026, nakita namin kung ano ang kayang gawin ng isang komunidad na sama-samang kumikilos.

Sa aming mga NURSES, MIDWIVES, BHWs at HEALTH WORKERS, maraming-maraming salamat.

Salamat sa bawat maagang paggising, bawat pagpunta sa vaccination site, bawat batang inalagaan, bawat magulang na kinausap, at bawat turok na inyong buong tiyagang isinagawa. Kahit pabago-bago ang panahon at may mga pagsubok sa bawat araw, patuloy kayong naglingkod.

Sa aming mga MAGULANG, maraming salamat sa inyong pagtitiwala.

Salamat dahil pinili ninyong bigyan ng dagdag na proteksiyon ang inyong mga anak. Sa likod ng bawat batang nabakunahan ay isang magulang na nagsabing, “Para sa kaligtasan ng anak ko". At iyon ang isa sa pinakamagandang anyo ng pagmamahal.

Sa ating mga BARANGAY HEALTH TEAMS at BARANGAY OFFICIALS, salamat sa pagbukas ng inyong mga komunidad at sa pagtulong na maabot ang bawat pamilya. Dahil sa inyong pakikiisa, mas maraming bata ang naprotektahan.

Sa ating supportive na City Mayor, mga LGU officials, Sangguniang Panlungsod, at lahat ng lokal na lider—maraming salamat sa inyong suporta at paniniwala na ang kalusugan ng mga bata ay isang mahalagang responsibilidad ng buong lungsod.

At sa lahat ng aming partners and stakeholders—maraming salamat sa inyong pakikipagkaisa, pagtutulungan at malasakit. Ang tagumpay na ito ay hindi gawa ng iilan lamang. Ito ay bunga ng sama-samang puso, kamay at pagkilos ng buong komunidad.

May mga batang umiyak.
May mga batang natakot.
May mga magulang na nag-alala.
May mga health workers na napagod.

Pero sa huli, mas nanaig ang pagmamahal at malasakit.

Dahil ang bawat turok ay hindi lamang karayom.
Ito ay proteksiyon.
Ito ay pag-iingat.
Ito ay pagmamahal.
Ito ay isang pangakong mas ligtas ang kinabukasan ng ating mga anak.

Kaya sa LAHAT NG NAKIISA SA LIGTAS TIGDAS 2026, mula sa aming puso:

MARAMING, MARAMING SALAMAT.

Salamat sa inyong oras.
Salamat sa inyong pagod.
Salamat sa inyong sakripisyo.
Salamat sa inyong pagtitiwala.
At higit sa lahat, salamat sa inyong puso para sa bawat chikiting ng General Trias.

BAKUNA AY PROTEKSYON.
PROTEKSYON AY KINABUKASAN.

Isang puso. Isang lungsod.
Protektado ang bawat chikiting.

Health Education and Promotion Unit - DOH CHD Calabarzon
Public Information Office - City of General Trias
Office of the Provincial Health Officer - Cavite
City of General Trias- Child Health Program








💙💚

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng Ligtas Tigdas Campaign!Ang Ligtas Tigdas ay tagumpay ng bawat isa. Bawat b...
04/09/2026

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng Ligtas Tigdas Campaign!

Ang Ligtas Tigdas ay tagumpay ng bawat isa. Bawat bakuna, bawat impormasyong naibahagi, at bawat batang naprotektahan ay bunga ng ating sama-samang pagkilos at malasakit.

Sa pagtatapos ng kampanyang ito, ipagpatuloy natin ang ating sama-samang pagkilos upang maprotektahan ang kalusugan ng bawat bata sa CaLaBaRZon.

Maraming salamat, mga Bida sa Ligtas Tigdas!

Para sa bawat bata. Para sa bawat pamilya. Para sa mas ligtas at mas malusog na Pilipinas.





Regional Director Adriano Suba-an
Assistant Regional Director Rosa Maria Balisnomo-Rempillo

MAAGAP NA PAGSUSURI AT GAMUTAN, SUSI SA MAS MATAAS NA TSANSA SA PAGGALING! Detayle sa comment section
04/09/2026

MAAGAP NA PAGSUSURI AT GAMUTAN, SUSI SA MAS MATAAS NA TSANSA SA PAGGALING!

Detayle sa comment section

Congratulations to the City of General Trias thru the City Health Office - City of General Trias Tb-Dots Center  for bei...
04/09/2026

Congratulations to the City of General Trias thru the City Health Office - City of General Trias Tb-Dots Center for being awarded as an 'Outstanding TB Program Implementation Partner' by the Culion Foundation Inc. 👏🥳

To every Barangay Health Station Staff and Healthworkers, Barangay Officials and Staff, CHO Laboratory Team, and to the community - Congratulations and Thank You.

DOH: ANG PAKIKINIG AY PARAAN PARA MAIPAKITA ANG SUPORTA SA MENTAL HEALTHAng pag-alam sa mga senyales at pakikinig ay mga...
03/09/2026

DOH: ANG PAKIKINIG AY PARAAN PARA MAIPAKITA ANG SUPORTA SA MENTAL HEALTH

Ang pag-alam sa mga senyales at pakikinig ay mga simpleng aksyon na maaaring makapagligtas ng buhay.

Kung nakikita mong may nagbabago sa kilos ng iyong kaklase o kaibigan, o kung ikaw mismo ay kailangan ng tulong o kausap, huwag mag-atubiling humingi ng suporta.

Tumawag sa NCMH Crisis Hotline: ☎️ 1553 (Nationwide Landline Toll-Free) 📱 0917-899-USAP (8727) | 0919-057-1553.

Maaari rin lumapit sa pinakamalapit na mental health counselor at peer support group sa inyong komunidad, paaralan, o trabaho.



𝐋𝐔𝐌𝐔𝐒𝐎𝐍𝐆 𝐊𝐀 𝐁𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐇𝐀?Kumonsulta kaagad sa pinakamalapit na health facility sa inyong lugar para sa tamang pagsusuri at...
03/09/2026

𝐋𝐔𝐌𝐔𝐒𝐎𝐍𝐆 𝐊𝐀 𝐁𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐇𝐀?

Kumonsulta kaagad sa pinakamalapit na health facility sa inyong lugar para sa tamang pagsusuri at pangangalaga.

Maaaring irekomenda ng health professional ang prophylaxis gaya ng doxycycline depende sa iyong kalagayan. Inumin lamang ang gamot na ito kapag inireseta ng doktor.



03/09/2026

LIGTAS TIGDAS: CHAMPION OF THE DAY! 🏆💉

Meet Ms. Minerva at ang kanyang magiting na anak! 👩‍👧💗

Para kay Ms. Minerva, mas gusto niyang magpabakuna ng kanyang mga anak sa Health Center dahil tiwala siyang ligtas ito at makapagbibigay ng proteksyon laban sa mga vaccine-preventable diseases gaya ng tigdas at tigdas-hangin. Kaya naman, buong tiwala niyang pinili na pabakunahan ang kanyang anak ng Measles-Rubella (MR) vaccine at bigyan ito ng Vitamin A supplementation. 💉💊✨

Ikaw, ready ka na rin bang maging Ligtas Tigdas Champion para sa iyong anak? 🏆

📣 Huwag palampasin ang pagkakataon! Extended hanggang September 4, 2026 ang malawakang pagbabakuna para sa Measles-Rubella Supplementary Immunization Activity with Vitamin A Supplementation (MR SIA VAS), o Ligtas Tigdas.

Pabakunahan na ang inyong mga anak! Makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Health Center sa inyong lugar upang malaman ang lokasyon at schedule ng Ligtas Tigdas vaccination activity. 👶💉

Ligtas na anak, panatag na nanay! 💗

03/09/2026

DOH: HINDI LAHAT NG NARARAMDAMAN PAGKATAPOS MABAKUNAHAN AY DULOT NG BAKUNA

Maraming posibleng dahilan kung bakit maaaring magkaroon ng sintomas o kondisyon ang isang bata. Mahalagang masuri nang maayos ang mga naiulat na kondisyon upang malaman kung may kaugnayan nga ito sa bakuna at matukoy ang posibleng sanhi.

Magtanong at kumuha ng tamang impormasyon mula sa healthcare workers.

Protektahan ang inyong anak laban sa tigdas at tigdas-hangin. Magpabakuna na!



📢 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓The 𝐀𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐞𝐧𝐓𝐫𝐢 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐯𝐚𝐧 is set to resume on 𝐒𝐞𝐩𝐭𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐒𝐚𝐭𝐮𝐫𝐝𝐚𝐲)!📍 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧: 𝐂𝐨𝐯𝐞𝐫𝐞𝐝 𝐂𝐨𝐮...
03/09/2026

📢 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓

The 𝐀𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐞𝐧𝐓𝐫𝐢 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐯𝐚𝐧 is set to resume on 𝐒𝐞𝐩𝐭𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐒𝐚𝐭𝐮𝐫𝐝𝐚𝐲)!

📍 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧: 𝐂𝐨𝐯𝐞𝐫𝐞𝐝 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐭 (𝐏𝐡𝐚𝐬𝐞 𝟏), 𝐑𝐢𝐜𝐡𝐦𝐨𝐧𝐝 𝐏𝐚𝐫𝐤 𝐓𝐨𝐰𝐧𝐡𝐨𝐦𝐞𝐬, 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐍𝐚𝐯𝐚𝐫𝐫𝐨
⏰ 𝐓𝐢𝐦𝐞: 𝟖:𝟎𝟎 𝐀𝐌 – 𝟏𝟐:𝟎𝟎 𝐏𝐌

For additional information about the caravan, please visit this link:🔗

https://www.facebook.com/share/p/1Ec82687UC/?mibextid=wwXIfr

See you there, Gentriseños! 💚

Address

Hospital Road, Brgy. Pinagtipunan
General Trias
4107

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63465095289

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Health Office - General Trias, Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to City Health Office - General Trias, Cavite:

Shortcuts

Share