2025 Pista ng Pag-aani - Barangay Padolina, General Tinio

2025 Pista ng Pag-aani - Barangay Padolina, General Tinio The Brgy. Fiesta of Barrio Padolina is a beloved tradition uniting the community in culture, faith, and gratitude.

This year's theme, "Pista ng Pag-aani, Pasasalamat, Pagkakaisa at Pagpapala," focuses on reviving the festive spirit missed in recent years.

26/01/2025

π‘·π’Šπ’”π’•π’‚ π’π’ˆ π‘·π’‚π’ˆ-π’‚π’‚π’π’Š: π‘·π’‚π’”π’‚π’”π’‚π’π’‚π’Žπ’‚π’•, π‘·π’‚π’ˆπ’Œπ’‚π’Œπ’‚π’Šπ’”π’‚, 𝒂𝒕 π‘·π’‚π’ˆπ’‘π’‚π’‘π’‚π’π’‚, π’‚π’π’Šπ’‰π’‚π’ 𝒏𝒂! πŸ’›πŸŒΎ

Mula sa InterFaith Chorale Festival, Free Bingo, Senior’s Night, Mutya ng Padolina 2025, Children’s Carnival, Singing and Dancing Contest, hanggang sa makulay na pagparada sa pag-aani, salamat sa inyong patuloy na pagsubaysay sa amin, Barangay Padolina! πŸ’›

Sa biyayang patuloy na umaapaw sa buong Barangay, ang ating ani ay siyang namumukadkad sa kulay nang dahil sa inyo, mga Ka-Barangay! πŸ’›πŸŒΎ

Samahan niyo muli kaming bigyang huling pagpupugay ang mga nakaraang araw na pasasalamat at pagkakaisa sa pamamagitan ng pagaawitan at pagsasaya sa ating PISTA NG PADOLINA MUSIC EXTRAVAGANZA! πŸŽΆπŸ’›

Kita-kits tayo sa Gym ng Padolina sa ganap na 7:30 PM! πŸ’›

Maligayang Araw ng Pista ng Padolina! Mga kababayan!  Eto na po ang ating pinakahihintay - ang araw ng Pista ng Padolina...
25/01/2025

Maligayang Araw ng Pista ng Padolina!

Mga kababayan! Eto na po ang ating pinakahihintay - ang araw ng Pista ng Padolina!

Inaanyayahanpo namin ang lahat na magsimba nang maaga ngayong araw upang magsimula ang huling araw ng ating selebrasyon sa tamang paraan. Magdiwang at magsaya kasama ang inyong pamilya at mga kaibigan sa buong maghapon Huwag ding palalampasin ang Zarzuela: A Music Extravaganza mamayang gabi! Tampok dito sina Ms. Fe Delos Reyes, Arpie and the Multivitamins, at Ms. Jessamae. Ating tunghayan ang espesyal na sorpresa bilang pagtatapos ng mini concertβ€”ang huling event na inihanda ng 2025 Oorganizing committee. 🎢🎭

Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa iba’t ibang aktibidad na inihanda para sa lahatβ€”mga Senior Citizens, kabataan, mga nanay, at iba pa. 😊 Lubos kaming nagpapasalamat sa ating mga kababayan at mga kaibigan na buong pusong nagbigay ng donasyon at suporta para maging matagumpay at masaya ang ating selebrasyon.

At higit sa lahat, pinasasalamatan natin ang Diyos na nagbigay ng lahat ng ating pangangailangan upang maisakatuparan ang makulay at masayang pagdiriwang na ito. πŸŽ‰ Muli nating naibalik ang sigla at saya ng Pista ng Padolina!

Sa Diyos ang pinakamataas na papuri! πŸ™βœ¨

25/01/2025

𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 πšπ«πšβ€” 𝐑𝐒𝐧𝐝𝐒 𝐧𝐚 𝐒𝐬𝐚𝐧𝐠 πšπ«πšπ°β€¦ π…πˆπ„π’π“π€ 𝐍𝐀, ππ€π‘π€ππ†π€π˜ ππ€πƒπŽπ‹πˆππ€! πŸ’›πŸŒΎ

Mga Ka-Barangay! Pag-aani na ng ating 𝐏𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚π₯𝐚𝐦𝐚𝐭, 𝐏𝐚𝐠𝐀𝐚𝐀𝐚𝐒𝐬𝐚, 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚π₯𝐚! 🌾

Natapos ang pagbibilang natin ng araw sa pamamagitan ng selebrasyon ng iba’t-ibang gawain na ibinigay sa atin ng Organizing Committees para sa 2025 Pista ng Pag-aani at simula na ng pagkamit ng ating mga pinaghirapan sa loob ng mga nagdaang taon! 🌾

Kasabay nito ang pagtatapos ng gawaing Mutya ng Padolina 2025! Natapos ang gawain sa pagkakamit ni Jhullianne Padolina; Candidate number 1, ng titolong β€œMutya ng Padolina 2025”. Kasunod nito ay ang pagkamit nina Raciannel Valdos; Candidate number 8, Shahara Faye Ramos; Candidate number 5, at Marian Joy Padolina; Candidate number 4, bilang 2nd Runner-Up, 3rd Runner-Up, at 4th Runner-Up. 🌾

Sa pagbilis ng panahon at pagtatapos ng pagbibilang ng araw, nawa ay patuloy kayong sumubaybay sa ating natitirang mga aktibidad ngayong ika-25 at 26 Enero 2025, dahil sa pista natin ngayon, talaga namang walang maiiwanan sa ating selebrasyon! πŸŒΎπŸ’›

Tara na, mag balik sa Padolina, at sabay-sabay nating ipagdiwang ang ating Pista ng Pag-aani! 🌾

23/01/2025

πƒπšπ₯𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐚 π₯𝐚𝐧𝐠... π…πˆπ„π’π“π€ 𝐍𝐀! πŸŒΎπŸ’›

Mga Ka-Barangay! Kasama sa pagbilang ng huling dalawang araw bago mag-2025 Pista ng Pag-aani ay ang ginanap na β€œSenior’s Night”! Tunay nga na ang yaman ng ating Barangay ay ang ating mga ninuno, na kasalukuyan ngayong ating nagsisilbing mga lolo at mga lola. Kung hindi dahil sa kanila, paano ang pag-aani? Kaya’t patuloy nating pasalamatan ang natatanging mga Senior Citizens sa ating barangay! β€οΈβ€πŸ©Ή

Oh! Dalawang araw nalang pala, fiesta na…
DALAWANG ARAW NA LANG, FIESTA NA, MGA KAIBIGAN! πŸ’›

Sa pagbilis ng panahon at oras ng pagbibilang ng araw, nawa ay patuloy kayong sumubaybay sa ating mga susunod na aktibidad dahil sa pista na darating, talaga namang walang maiiwanan sa ating selebrasyon! πŸŒΎπŸ’›

Tara na, mag balik sa Padolina, at sabay-sabay nating ipagdiwang ang ating Pista ng Pag-aani! 🌾

22/01/2025

π“πšπ­π₯𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐚 π₯𝐚𝐧𝐠... π…πˆπ„π’π“π€ 𝐍𝐀! πŸŒΎπŸ’›

Mga Ka-Barangay! β€œBingo Bonanza!” kung ituring ang pangalawang ganap para sa ating 2025 Pista ng Pag-aani! Tunay ngang naibigay sa ating mga ka-Padolina ang saya na mabigyan at mabiyayaan ng masaganang mga ani! πŸ’›

Patuloy lamang kayong sumubaybay sa ating mga susunod na aktibidad dahil sa pista na darating, walang maiiwanan sa ating selebrasyon! πŸŒΎπŸ’›

Tara na, mag balik sa Padolina, at sabay-sabay nating ipagdiwang ang ating Pista ng Pag-aani! 🌾

21/01/2025

π€π©πšπ­ 𝐧𝐚 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐚 π₯𝐚𝐧𝐠... π…πˆπ„π’π“π€ 𝐍𝐀! πŸŒΎπŸ’›

Mga Ka-Barangay! Makiisa at makisaya sa ating Pista ng Pag-aani kasama ang ating Sangguniang Kabataan Chairwoman at ang kaniyang mga Kagawad! Apat na araw nalang, pag-aani na! πŸ’›

Patuloy lamang kayong sumubaybay sa ating mga susunod na aktibidad dahil sa pista na darating, walang maiiwanan sa ating selebrasyon! πŸŒΎπŸ’›

Tara na, mag balik sa Padolina, at sabay-sabay nating ipagdiwang ang ating Pista ng Pag-aani! 🌾

20/01/2025

π‹π’π¦πšπ§π  𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐚 π₯𝐚𝐧𝐠... π…πˆπ„π’π“π€ 𝐍𝐀! πŸŒΎπŸ’›

Mga Ka-Barangay! Patuloy lamang kayong sumubaybay sa ating mga susunod na aktibidad dahil sa pista na darating, walang maiiwanan sa ating selebrasyon! πŸŒΎπŸ’›

Tara na, mag balik sa Padolina, at sabay-sabay nating ipagdiwang ang ating Pista ng Pag-aani! 🌾

PAUNAWA: Ang mga ginamit na tugtugin sa panuoring ito ay hindi sa amin at walang intensyon na ariin ang mismong musika.

19/01/2025

𝐀𝐧𝐒𝐦 𝐧𝐚 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐚 π₯𝐚𝐧𝐠... π…πˆπ„π’π“π€ 𝐍𝐀! πŸŒΎπŸ’›

Mga Ka-Barangay! Siksik, liglig, at umaapaw na pasasalamat sa kabutihan ng ating Panginoon ngayong gabi, dahil kasabay ng matagumpay na pagtatapos ng unang gawainβ€” ang InterFaith Chorale Festival, ay ang patuloy na pagbibilang ng nalalabing masaganang araw. Anim na araw na lang, pag-aani na! 🌾

Matagumpay na naitaguyod ng Organizing Committeeβ€” sa pangunguna ng Pangulo ng 2025 Pista ng Pag-aani, Uni Pacay-Buckley, kasama ang Taga-Pangulo ng IFCF, Sec. Dave Macariola, at ang Kapitan ng Barangay, Virgilio Domingoβ€” ang InterFaith Chorale Festival! πŸ’›

Sa nasabing kompetisyon, ang nagkamit ng 1st Place ngayong gabi ay ang UCCP - General Tinio, kasunod nito ang First Baptist Church - Papaya at Gethsemane United Methodist Church, na nagwagi bilang 2nd at 3rd place.

Samantala, ang mga natitirang simbahan ay nagkamit ng consolation prize bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at pagsisikap na lumahok sa gawain na ito.

Ang InterFaith Chorale Festival ay isa lamang sa sampung aktibidad na ipagdiriwang ng ating Barangay, kaya saan ka pa? Dito ka na sa ating minamahal na Padolina at patuloy na sumubaybay sa mga susunod na mga aktibidad dahil sa pista na darating, walang maiiwanan sa ating selebrasyon! πŸ’›

Tara na, mag balik sa Padolina, at sabay-sabay nating ipagdiwang ang ating Pista ng Pag-aani! 🌾

HAPPENING NOW || The InterFaith Chorale Festival of 2025 Pista ng Pag-aani is now occuring at the Brgy. Padolina Gymnasi...
19/01/2025

HAPPENING NOW || The InterFaith Chorale Festival of 2025 Pista ng Pag-aani is now occuring at the Brgy. Padolina Gymnasium, General Tinio, Nueva Ecija πŸŒΎπŸ’›

Address

Brgy. Padolina, Nueva Ecij
General Tinio
3104

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 2025 Pista ng Pag-aani - Barangay Padolina, General Tinio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share