Boses ng General Tinio - Nueva Ecija

Boses ng General Tinio - Nueva Ecija PROUD MAYOR ITP SUPPORTERS πŸ’™πŸ€
MALASAKIT PARA SA BAYAN NG GENERAL TINIO 🌾

MULING naging usap-usapan sa social media si Gov. Oyie Umali matapos kuwestiyunin ng ilan ang kanyang pagiging guest spe...
29/05/2026

MULING naging usap-usapan sa social media si Gov. Oyie Umali matapos kuwestiyunin ng ilan ang kanyang pagiging guest speaker sa pagtatapos ng Central Luzon State University (CLSU). Ngunit sa gitna ng batikos, marami rin ang nagtanggol at nagpahayag ng suporta sa gobernador ng Nueva Ecija.

Sa panahon ngayon, tila napakadali nang humusga. Isang post lamang sa internet ay sapat na upang agad masira ang pangalan ng isang tao kahit hindi pa lubos na nauunawaan ang buong kuwento.

Mahalagang tandaan na ang preemptive suspension ay hindi nangangahulugang napatunayang nagkasala ang isang opisyal. Isa lamang itong pansamantalang hakbang habang may isinasagawang proseso at imbestigasyon.

Sa kabila ng mga isyung ibinabato laban kay Gov. Oyie Umali, nananatili pa rin ang suporta ng maraming Novo Ecijano dahil nakita nila ang kanyang naging ambag sa lalawigan ng Nueva Ecija sa loob ng maraming taon.

Hindi rin maitatanggi na marami nang programang pangkaunlaran at proyektong nakatulong sa mamamayan ang naipatupad sa ilalim ng kanyang pamumuno. Kaya para sa kanyang mga tagasuporta, hindi makatarungang husgahan siya batay lamang sa iisang isyu.

Ang pagiging panauhing pandangal sa isang graduation ay hindi lamang tungkol sa pulitika. Ito rin ay pagkilala sa karanasan at serbisyong maaaring magsilbing inspirasyon sa mga kabataan.

Karapatan ng bawat estudyante at mamamayan ang magpahayag ng opinyon. Ngunit mas magiging makabuluhan ito kung may kasamang paggalang at tamang pag-unawa sa sitwasyon.

Hindi rin dapat mawala ang respeto sa desisyon ng isang institusyon tulad ng CLSU. Pinag-aaralan at pinagpapasyahan nang mabuti ng pamunuan kung sino ang iimbitahang magsalita sa mahalagang okasyon.

Nakalulungkot lamang na minsan ay mas nabibigyan pa ng pansin ang kontrobersiya kaysa tagumpay ng mga nagsipagtapos at sakripisyo ng kanilang pamilya.

Sa halip na pairalin ang galit at personal na pag-atake, mas mabuting ituon ang usapan sa mga aral na maaaring mapulot ng mga kabataan mula sa karanasan ng mga lider sa lipunan.

Hindi perpekto si Gov. Umali, tulad ng ibang lingkod-bayan. Gayunman, hindi rin tama na balewalain ang kanyang mga nagawa at kabutihang naidulot sa Nueva Ecija.

Sabi nga, ang tunay na sukatan ng isang lipunan ay hindi kung gaano tayo kabilis manghusga, kundi kung paano tayo nagiging patas, responsable, at marunong kumilatis ng katotohanan bago magbigay ng pasya.

https://saksingayon.com/gov-oyie-umali-ipinagtanggol-ng-netizens/

Tulong ni Ka Rex Cayanong

TARGET ni KA REX CAYANONG MULING naging usap-usapan sa social media si Gov. Oyie Umali matapos kuwestiyunin ng ilan ang kanyang pagiging guest speaker sa pagtatapos ng Central Luzon State University (CLSU). Ngunit sa gitna ng batikos, marami rin ang nagtanggol at nagpahayag ng suporta sa gobernador....

26/05/2026

Ano na NEECO II - Area 2 para kaming nasa pugon tapos sa reading tataas nanaman ang bill 🀯

25/05/2026

DITO SA NUEVA ECIJA ARAW ARAW ANG PAMIMIGAY NG LIBRENG BIGAS HANDONG NI GOVERNOR OYIE MATIAS UMALI πŸ’›πŸ’™πŸ€

πŸ“· Tulong ni Ka Rex Cayanong



25/05/2026

πŸš¨π—£π—’π—¦π—§ π—‘π—œ π—π—”π—–π—žπ—œπ—˜ π— π—”π—‘π—šπ—”π—›π—”π—¦, π—¨π— π—”π—‘π—œ π—‘π—š π—₯π—˜π—”π—žπ—¦π—¬π—’π—‘ π— π—¨π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π— π—šπ—” 𝗑𝗒𝗩𝗒 π—˜π—–π—œπ—π—”π—‘π—’

NUEVA ECIJA β€” Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens sa Nueva Ecija ang naging Facebook post ni Jackie Mangahas matapos nitong magbahagi ng pahayag na tila may patama umano sa mga namumunong nagbibigay ng ayuda at bigas sa mamamayan.

Sa naturang post, mababasa ang linyang:

β€œHOPELESS Case Na Talaga N.E Kung Bigas Na Paminsan-Minsan Lang Ang Basehan Nyo Para Masabi Na May Malasakit Sila!”

Bagama’t walang direktang pangalan na binanggit, marami sa mga netizens ang nagsabing mistulang pinatatamaan umano nito si Gov. Aurelio β€œOyie” Umali dahil sa mga programang ayuda at pamamahagi ng bigas na isinusulong ng pamahalaang panlalawigan.

Dahil dito, bumaha naman ng komento mula sa mga Novo Ecijano na nagpahayag ng kanilang saloobin at depensa para sa gobernador.

Kabilang sa mga naging komento ay si Joyce Constantino na nagsabing:

β€œKahit minsan lang ang malasakit, ang mahalaga ramdam natin ang malasakit at nakakatulong talaga.”

Samantala, binigyang-diin naman ni Eddie Dela Cruz ang mga naitulong umano noon pa man:

β€œMahina tigil utak ni boss… hindi mo nalasahan siguro bigay ni Gov mula pandemic.”

Ayon naman kay Tony Rivera:

β€œAba sa luwag ng N.E mahirap sigurong araw-arawin yan. Di se ok lang kung paminsan minsan lang malaking tulong na yun sa mahihirap.”

Nagpahayag din ng kaniyang opinyon si Joseph Castro at kinuwestiyon ang kahulugan ng β€œmalasakit” sa usapin ng serbisyo publiko.

Aniya:

β€œI’m Novo Ecijano… now tell me sino ba ang may malasakit? Then justify it.”

Sa isa pa niyang komento, sinabi rin niya:

β€œYou are not telling about 21 years of dominating in position. You are telling about malasakit.”

Mariin ding ipinagtanggol ni Danilo Macaso Jr. si Gov. Oyie Umali at sinabing:

β€œAt least ang Umali dere-deretso ang pamimigay ng bigas… wala akong natatanggap pero kilala mo sigurado yon kaya manahimik ka na lang.”

Nagpahayag din ng suporta si Ogz Marquez:

β€œSolid Umali tayo. Makatao di paktang tao. May puso sa lahat ng Nueva Ecijano.”

Ayon naman kay Merlita Ramos:

β€œButi at ikaw nagpapasalamat at may nagbibigay ng bigas, makarating kaya sa mahihirap ang sinasabi n’yong pagkakitaan?”

May ilan ding netizens na nagsabing hindi dapat maliitin ang anumang tulong na naibibigay sa mamamayan lalo na sa panahon ng matinding pagsubok sa ekonomiya, habang ang iba naman ay nagsabing hindi lamang bigas ang dapat tingnan kundi pati iba pang serbisyong naibibigay sa lalawigan.

Patuloy namang pinag-uusapan online ang isyu habang sari-saring pananaw ng mga Novo Ecijano ang lumalabas sa social media kaugnay ng serbisyo publiko, ayuda, at kahulugan ng tunay na malasakit sa mamamayan.

21/05/2026

SA PANAHON ngayon na patuloy na hinaharap ng mga magsasaka ang mababang presyo ng palay at mataas na gastos sa produksiyon, mahalagang may mga lider na tunay na kumikilos para sa kanilang kapakanan.

20/05/2026

GOVERNOR UMALI, GUEST SPEAKER SA 74TH COMMENCEMENT EXERCISES NG CLSU;

UGNAYAN NG PGNE AT CLSU, MAS PINALAKAS PARA SUPORTAHAN ANG MGA MAGSASAKA

Magsisilbing guest speaker si Nueva Ecija Governor Aurelio β€œOyie” M. Umali sa conferment rites sa ika-74 na pagtatapos ng Central Luzon State University.

Ang pagpili kay Gov. Umali ay hindi lamang pagkilala sa kaniyang posisyon, kundi pati na rin sa kaniyang aktibong ambag sa pagpapaunlad ng agrikultura at pagsusulong ng kapakanan ng sektor ng pagsasakaβ€”mga adhikaing malapit din sa mandato at identidad ng CLSU.

Sa ilalim ng kanyang pamumuo, naging mas malapit ang ugnayan ng Provincial Government of Nueva Ecija at CLSU upang mapaunlad ang agrikultura sa lalawigan na tinaguriang β€˜Rice Granary of the Philippines’. Ito’y sa pamamagitan ng pagsasama ng research ng CLSU at pondo ng pamahalaang panlalawigan.

Isa sa kanilang mahahalagang proyekto ang pagtatayo ng kauna-unahang provincial food processing facility sa rehiyon. Layunin nitong maproseso ang high-value crops at iba pang pangunahing ani upang mas tumaas ang kita ng mga magsasaka.

Nagpapadala rin ang CLSU ng extension workers sa mga kooperatiba upang turuan ang maliliit na magsasaka tungkol sa makabagong post-harvest technologies at pagpapalakas ng kanilang mga organisasyon.

Hiniling din ni Gov. Umali sa mga eksperto ng CLSU na gumawa ng feasibility studies at business plans para sa mga proyektong pangkabuhayan sa kanayunan. Kasama rin ang CLSU sa Provincial Food Council na nagpapaganap sa Palay Price Support Program (PPSP) upang makatulong sa research at pagbuo ng mga plano at budget para sa agrikultura.

Ang PPSP ay itinatag ni Gov Umali at patuloy na kinikilala ng Department of Agriculture at ng iba’t ibang LGUs bilang magandang modelo para protektahan ang mga magsasaka. Inilunsad ito upang makatulong laban sa mababang presyo ng palay kasunod ng pagpapatupad ng Rice Tariffication Law na inendorso ng apat na mga dating kongresista ng Nueva Ecija.

Sa pamamagitan ng PPSP, direktang bumibili ang pamahalaang panlalawigan ng palay mula sa mga magsasaka sa mas mataas na presyo upang hindi sila malugi. Pagkatapos maproseso, ipinapamahagi ang bigas sa panahon ng krisis katulad ng gawat, at noong pandemyang COVID-19 at ibinebenta rin sa halagang β‚±20, kaya ang programa ay hindi dole-out.

Dahil naging matagumpay ang PPSP, nagsagawa rin ng benchmarking ang ibang lalawigan tulad ng Pangasinan upang pag-aralan at posibleng gayahin ang programang ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.

Bilang isang unibersidad na kilala sa larangan ng agricultural research at extension services, tumutugma ang adbokasiya ni Gov. Umali sa misyon ng CLSU na paunlarin ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng siyensya, inobasyon, at serbisyong panlipunan.

Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa mga taong may lakas ng loob na kumilos para sa tama. Huwag nating hayaang manai...
20/05/2026

Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa mga taong may lakas ng loob na kumilos para sa tama. Huwag nating hayaang manaig ang mali dahil lamang sa pananahimik.

Kumilos. Makialam. Magbigay inspirasyon.

Ating suportahan ang bunsong anak ni Mayor Engr ITP πŸ’™πŸ€Ian Bunso PajarillagaLIKE, SHARE at COMMENT πŸ‘‡πŸ»
19/05/2026

Ating suportahan ang bunsong anak ni Mayor Engr ITP πŸ’™πŸ€
Ian Bunso Pajarillaga

LIKE, SHARE at COMMENT πŸ‘‡πŸ»

LET THE VOICE OF THE PEOPLE BE HEARD! πŸ‡΅πŸ‡­
The Philippine Leaders Award 2025 is now open for nominations!

This prestigious recognition honors CEOs, Entrepreneurs, and Public Servants whose stories of hope, inspiration, and contribution to the nation have created lasting impact in their communities and beyond.

If the negative feedback is found to be valid, credible, and with sufficient basis, the nominee will be automatically removed from the list of official nominees

Voting System (Engagement-Based)
πŸ‘ Like = 1 Vote
πŸ” Share = 2 Votes

Celebrate those who lead with compassion, integrity, and vision β€” the men and women who prove that true leadership begins with service.
πŸ“ Submit your nomination here: forms.gle/orfw4DJNZD2y4SuP8
πŸ—“οΈ Deadline for Nomination: August 20, 2026
πŸ“ Venue: Centennial Hall, The Manila Hotel

Let’s honor the stories that inspire and the leaders who bring hope to our nation.

https://forms.gle/orfw4DJNZD2y4SuP8

Address

General Tinio

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Boses ng General Tinio - Nueva Ecija posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Boses ng General Tinio - Nueva Ecija:

Share