Mabuhay Papaya / General Tinio Nueva Ecija

Mabuhay Papaya / General Tinio Nueva Ecija Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mabuhay Papaya / General Tinio Nueva Ecija, Government Organization, General Tinio.

TENTATIVE LIST OF ASPIRANTS/CANDIDATES FOR ELECTION 2022Province of General Tinio Nueva Ecija
02/11/2021

TENTATIVE LIST OF ASPIRANTS/CANDIDATES FOR ELECTION 2022
Province of General Tinio Nueva Ecija



29/10/2021

Ito po ang ilang paalala para sa Undas ngayong taon.

Hinihiling ang ating pag-unawa at koopersayon para sa ating sariling kaligtasan at patuloy na pag-ahon mula sa pandemyang ito.

Ingat po!

29/10/2021

PINAKAMALAKING SOLAR FARM, MALAPIT NANG ITAYO SA PEÑARANDA NUEVA ECIJA

Sa mga susunod na buwan ay inaasahang sisimulan na ang pagtatayo ng 500 MW solar farm sa isang lumang rancho sa Peñaranda, Nueva Ecija.

Ang nasabing proyekto ang pinakamalaking solar power generated project sa buong Timog-Silangang Asya na malaon nang sinimulan ng Solar Philippines Nueva Ecija Corporation. Inaasahang makapagluluwal ang proyekto ng 225MW sa una nitong operasyon.

Plano ng kumpanya na ipasok sa Wholesale Electricity Spot Market ang nasabing solar power project lalo pa’t mataas ang demand tuwing panahon ng tag-araw. Susuplementahan nito ang madalas na kakulangan ng Luzon Grid at mula rito’y maiiwasan na ang madalas na rotational brownouts at red alerts.

Inaasahang makalilikha ang kumpanya ng hindi bababa sa 5,000 trabaho sa panahong itinatayo ang solar farm habang 500 trabaho naman kung ito’y magiging operational na.

“When we began developing this project in 2016, others didn’t believe that large-scale solar would be viable. Because we made this bet then, we now have projects ready to meet the country’s gap in power supply,” pahayag ni Solar Philippines founder Leandro Leviste.

Sa kasalukuyan, pinauunlad na rin ng Solar Philippines ang isang 2,000 megawatt-peak solar farm sa Nasugbu, Batangas na sa katapusan ng taong ito’y inaasahang makakalikha ng malaking boltahe ng kuryente na mapapakinabangan ng mamamayan.

Kung ngayon magaganap ang   sino ang pipillin mong maging VICE MAYOR ng bayan ng GENERAL TINIO, NUEVA ECIJA?
15/10/2021

Kung ngayon magaganap ang sino ang pipillin mong maging VICE MAYOR ng bayan ng GENERAL TINIO, NUEVA ECIJA?

Kung ngayon magaganap ang   sino ang pipillin mong maging MAYOR ng bayan ng GENERAL TINIO, NUEVA ECIJA?
15/10/2021

Kung ngayon magaganap ang sino ang pipillin mong maging MAYOR ng bayan ng GENERAL TINIO, NUEVA ECIJA?

❤Team Bote - Serrano😮Team Pajarillaga - Pascual
14/10/2021

❤Team Bote - Serrano
😮Team Pajarillaga - Pascual



👍
09/10/2021

👍

PINAKAMALAKING SOLAR PARK SA PINAS, ITATAYO SA NUEVA ECIJA

Inaasahang magkakaroon ng malawakang kakulangan sa enerhiya ang Pilipinas sa mga susunod na taon, kaya naman target na itayo sa Nueva Ecija ang pinakamalaking solar park sa bansa.

Sa isang pahayag ng Solar Philippines noong October 4, 2021 napag-alaman na inihahanda na ng kompanya ang mga lugar na tatawaging Solar Energy Zones, Inc. (SEZ) kung saan tinatayang 10, 000 hektarya ng lupa sa Batangas, Nueva Ecija at Tarlac ang tatayuan nga ng solar park.

Ayon kay Leandro Leviste, founder ng SEZ, hinango niya ang ideyang ito mula sa mga solar parks na makikita sa bansang India.

Layunin aniya nilang hindi makipagkumpetensiya sa mga nauna nang nasa industriya ng enerhiya bagkus ay makatulong sa tumataas na pangangailangan sa enerhiya.

Plano rin ng SEZ na magtayo pa ng malalaking solar farms sa buong bansa.

Nakatakdang simulan sa susunod na buwan ang pagpipinal kung saan itatayo ang mga solar farms na pagaganahin sa susunod na limang taon.

“Mas malakas ang kapasidad nito kung ikukumpara sa regular na sukat ng mga panel,” dagdag ng Solar Philippines.

Inihayag din ng Department of Energy (DOE) ang pagnanais nitong palawigin pa ang paggamit ng renewable energy sa bansa sa mga susunod pang taon.

Base sa datos ng DOE, sa pagitan ng taong 2016 at 2020, tinatayang aabot sa 7,399 megawatts ng clean energy ang naitayo sa buong bansa.

Dagdag naman ni DOE Secretary Alfonso Cusi, bahagi ang mga hakbang na ito sa pandaigdigang komitment ng bansa sa pagtataguyod sa Paris Agreement at upang masolusyunan na rin ang papalalang climate change sa buong mundo.

10/09/2021

20 years ago — Higit 2,977 na katao ang namatay noong Septemer 11, 2001, mga nasa eroplano at mga nasa loob ng world trade center. Kabilang ang 20 na Fil-am/Filipino. Ito ang tinuturing bilang deadliest terrorist act in world history. Anim na libo ang nakaligtas at sugatan, 20 na taon na ang nakakalipas.

06/09/2021

Address

General Tinio
3104

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mabuhay Papaya / General Tinio Nueva Ecija posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share