03/09/2023
UNANG SIGAW NG NUEVA ECIJA I
-para sa youtube video i-click ang link https://youtu.be/zuI6csvUA0I
Unang Sigaw ng Nueva Ecija. Ang makasaysayang unang rebolusyon sa Gitnang Luzon laban sa mapaniil na mga Kastila! Tuwing ika- 2 ng Setyembre taun-taon, ginugunita sa araw na ito ang kabayanihan at katapangan ng nasa tatlong libong (3000) Novo Ecijanos at mga pinuno nito na nakipaglaban sa pwersa ng mga Kastila.
Sa pangunguna nina Heneral Mariano Llanera, Heneral Pantaleon Valmonte at Heneral Manuel Tinio dala ang Cabiao Brass band o musikong bumbong, kanilang tinungo ang kabisera ng lalawigan, na nuoβy nasa bayan ng San Isidro, upang hilingin kay Spanish Commander Joaquin Machorro ang kalayaan ng mga kababayang inaresto ng mga Espanyol.
Sa pag-atake ng mga rebolusyonaryong Novo Ecijanos, nakubkob nila ang kapitolyo at napatay ang Commander ng Guardia Civil na si Machorro. Ito ang naging hudyat ng pagsiklab ng labanan sa pagitan ng dalawang pwersa na tumagal ng ilang araw.
Ngayong araw, ang ika-isandaan at dalawampuβt limang taong (125) anibersaryo ng makasaysayang pakikipaglaban na ito ng mga Novo Ecijanos laban sa malulupit at mapang-abusong mananakop. Ating bigyang pugay ang sakripisyo ng ating mga bayani!