11/05/2022
GENERAL SANTOS CITY PUBLIC LIBRARY naman ang ating makakasama sa Kuwento ng mga Bayan sa Online Kuwentuhan sa 13 Mayo 2022, ika-9:00 ng umaga. Isasalaysay sa atin ni Bb. Diane M. Villacura, Librarian-Kuwentista, ang kuwento ng “Alamat ng Pinya ng South Cotabato” na isinulat ni Angineth G. Bautista.
Kasama pa rin natin ang NLP Kuwentistas na magbibigay sa ating ng isang kuwentuhang punong-puno ng kawilihan at impormasyong matutuhan.
Ang Kuwento ng mga Bayan sa Online Kuwentuhan ay serye ng mga kuwentong sumasalamin sa mayaman at makulay na kultura at pamana ng iba’t ibang mga bayan na ibabahagi ng ilang pampublikong aklatan sa bansa.
Mapapanuod ito nang live sa https://www.facebook.com/NLP1887 at https://www.facebook.com/nlpbookcart.
Patuloy nating pagyamanin ang pamanang Pilipino.