02/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐?
Ang usapin ng mental health ay hindi dapat ituring na taboo o isang bagay na dapat itago. Mas kailangan natin itong pag-usapan nang bukas, may pag-unawa, at walang panghuhusga. Katulad ng ating pisikal na kalusugan, mahalaga rin ang ating kalusugang pangkaisipan. Walang dapat ikahiya sa paghingi ng tulong at pag-amin na may mabigat tayong dinadala.
Sa ika-37 na Regular na Sesyon ng Sangguniang Panlungsod ngayong June 2, 2026, inihain natin bilang may-akda ang panukalang Mental Health Code of General Santos City. Ang panukalang ordinansa ay naaprubahan sa first reading at naipasa na sa kaukulang komite para sa masusing pagtalakay.
Layunin ng panukalang ito na magtatag ng isang komprehensibo at makataong sistema ng mental health care para sa lahat ng Generals.
Kabilang sa mga pangunahing probisyon nito ang:
๐ธPaglikha ng General Santos City Mental Health Council upang pangunahan at iugnay ang lahat ng mental health initiatives ng lungsod;
๐ธ Pagbuo ng Mental Health Department at Mental Health Facility sa Dr. Jorge P. Royeca City Hospital;
๐ธ Pagtatatag ng Mental Wellness Access Hubs sa bawat distrito upang magbigay ng counseling, assessment, psychological first aid, gamot, at referral services;
๐ธ Pagkakaroon ng 24/7 Mental Health-Line o hotline para sa crisis intervention, su***de prevention, at agarang tulong;
๐ธ Paglikha ng Mental Health Half-Way Home para sa mga indibidwal na nangangailangan ng suporta habang muling bumabalik sa komunidad;
๐ธ Pagpapalakas ng mental health programs sa mga paaralan, barangay, workplaces, at mga tanggapan ng pamahalaan; at
๐ธ Mas matibay na proteksyon laban sa stigma, diskriminasyon, bullying, at paglabag sa privacy ng mga mental health service users.
Nawa'y patuloy nating alagaan ang isa't isa.
At huwag nating kalimutang kumustahin ang ating mga mahal sa buhay.