Kap. Bobong Bantilan Cares

Kap. Bobong Bantilan Cares Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kap. Bobong Bantilan Cares, Government Organization, Prk. Cabuay, Brgy. Sinawal, General Santos City.

🀝 PASASALAMAT MULA KAY KAP BANTILANMula sa Office of the Punong Barangay of Barangay Sinawal, sa pangunguna ni Hon. Edua...
14/08/2026

🀝 PASASALAMAT MULA KAY KAP BANTILAN

Mula sa Office of the Punong Barangay of Barangay Sinawal, sa pangunguna ni Hon. Eduardo W. Bantilan, taos-puso po kaming nagpapasalamat kay Ma’am Virginia N. Orogo, Director, Land Bank of the Philippines and Representative, Agrarian Reform Beneficiaries Sector, at kay Ma’am Benilda Fatima R. Abuy sa kanilang pagbisita sa aming barangay.

Maraming salamat po sa inyong paglalaan ng oras at sa paglalakbay mula Manila patungong Barangay Sinawal upang personal na makipag-ugnayan at makinig sa pangangailangan ng aming mga kababayan.

Higit sa lahat, nagpapasalamat kami sa inyong mga inihahaing programa at proyekto para sa ating mga magsasaka at Indigenous Peoples, na makatutulong sa pagpapalakas ng kabuhayan, agrikultura, at patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.

Ang inyong pagbisita ay patunay na ang tunay na serbisyo publiko ay mas nararamdaman kapag ito ay lumalapit mismo sa mga komunidad at nakikinig sa kanilang pangangailangan.

Maraming salamat po sa inyong suporta, malasakit, at pakikipagtulungan sa Barangay Sinawal!

B**g Salamat!


ISANG BUNGA NG PAGKAKAISA: TAOS-PUSONG PASASALAMAT NG BARANGAY SINAWAL SA UAE AID   πŸ‡¦πŸ‡ͺπŸ‡΅πŸ‡­Sa kabila ng matinding pagsubok ...
20/06/2026

ISANG BUNGA NG PAGKAKAISA: TAOS-PUSONG PASASALAMAT NG BARANGAY SINAWAL SA UAE AID πŸ‡¦πŸ‡ͺπŸ‡΅πŸ‡­

Sa kabila ng matinding pagsubok matapos ang Magnitude 7.8 na lindol noong June 8, isang liwanag ng pag-asa ang naramdaman ng ating komunidad mula sa kabilang dako ng mundo.

KAHAPON, June 19, 2026, sa Purok Paopao Evacuation Center, nasaksihan ng mga mamamayan ng Barangay Sinawal ang isang dakilang gawa ng pagmamalasakit. Buong-puso po kaming nagpapasalamat sa UAE AID sa kanilang mabilis at malaking tulongβ€”halos 1,000 food parcels at mga galon ng malinis na inuming tubig ang personal nilang inihatid para sa mga pamilyang labis na naapektuhan.

Ang napakahalagang tulong na ito ay naisakatuparan sa pamumuno at buong-pusong suporta ni His Excellency Mohamed Obaid Salem Al Qatam Alzaabi, UAE Ambassador to the Philippines. Dahil sa kanyang dedikasyon, ligtas na nakarating ang mga relief goods na ito sa mga kamay ng bawat Sinawalian sa panahong higit natin itong kailangan.

Kasabay nito, taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa lahat ng ating mga kawani ng Barangay at sa mga masisipag na volunteers mula sa iba't ibang purok. Ang inyong walang-sawang pagtutulungan, pagod, at dedikasyon ang naging susi upang maging maayos at matagumpay ang pamamahagi ng tulong na ito.

Higit pa sa pagkain at tubig, ang tulong na ito ay nagbalik ng lakas ng loob at nagpaalala sa atin na hindi tayo nag-iisa sa labang ito. Walang hangganan ang tunay na pagtutulungan, at ang kabutihang-loob na ipinamalas ng United Arab Emirates ay hinding-hindi malilimutan at habang-buhay na itatala sa kasaysayan ng Barangay Sinawal.

Habang tayo ay patuloy na bumabangon at nagkakaisa, buong-puso kaming nagpapasalamat: Shukran jazilan β€”maraming salamat sa pagtayo kasama namin. 🀝✨

πŸ“ Purok Paopao Evacuation Center
πŸ—“οΈ June 19, 2026

πŸ’‘ Note: Isang malaking pagpupugay at pasasalamat din sa ating mga volunteers na nagkusa at nagtulong-tulong na magbitbit ng mga mabibigat at malalaking karton pati na ng mga tubig para sa ating mga nakatatanda at sa lahat ng nangangailangan ng assistance, upang hindi na sila mahirapan at makuha agad ang kanilang mga relief packs. Mabuhay kayo!



______________________________________________

A TESTAMENT OF SOLIDARITY: BARANGAY SINAWAL EXTENDS PROFOUND GRATITUDE TO UAE AIDπŸ‡¦πŸ‡ͺπŸ‡΅πŸ‡­

In the wake of the devastating Magnitude 7.8 earthquake that shook our lives last June 8, the spirit of global humanity has shone a brilliant light upon our community.

YESTERDAY, June 19, 2026, at the Purok Paopao Evacuation Center., the people of Barangay Sinawal witnessed a profound act of generosity and compassion. We extend our deepest, most heartfelt gratitude to UAE AID for their swift and monumental response, delivering nearly 1,000 essential food parcels and gallons of clean, potable water to our displaced families.

This critical lifeline was made possible through the outstanding leadership and unwavering support of His Excellency Mohamed Obaid Salem Al Qatam Alzaabi, UAE Ambassador to the Philippines. Through his dedication, this vital relief reached the hands and homes of the Sinawalian people at a time when we needed it most.

Alongside this, we express our deepest gratitude to our Barangay staff and the dedicated volunteers from our various puroks. Your tireless cooperation, hard work, and unity ensured the smooth and successful distribution of these relief goods to those in need.

More than just sustenance, this noble gesture has restored hope, brought immense comfort, and reminded our people that we do not walk the path of recovery alone. True friendship knows no borders, and the overwhelming kindness and solidarity shown by the United Arab Emirates will be forever etched in the hearts and history of Barangay Sinawal.

As we stand resilient, determined to recover and rebuild, we say: Shukran jazilan β€”thank you for standing with us. 🀝✨

πŸ’‘ Note: We also give a special tribute and thanks to our volunteers who took the initiative to carry the heavy boxes and water containers for our senior citizens and for everyone who needed assistance, ensuring they wouldn't have to strain themselves and could receive their relief packs quickly and safely. Kudos to everyone!

ISANG MARAMING SALAMAT MULA SA BARANGAY SINAWAL! πŸ™β€οΈNoong nakaraang June 9, naramdaman ng ating komunidad ang tunay na b...
19/06/2026

ISANG MARAMING SALAMAT MULA SA BARANGAY SINAWAL! πŸ™β€οΈ

Noong nakaraang June 9, naramdaman ng ating komunidad ang tunay na bayanihan. Matapos ang matinding lindol na yumanig sa Southern Mindanao, marami sa ating mga kapitbahay dito sa Barangay Sinawal ang labis na nasiraan ng mga bahayβ€”lalo na ang 34 households sa Purok Tabalon na pansamantalang nawalan ng masisilungan.

Sa gitna ng pangamba at kawalan ng kasiguruhan, hindi tayo pinabayaan. Agad na dumating ang Dole Philippines, Inc., kasama ang Mahintana Foundation, Inc., Dolefil Kaugnay, Dolefil Kapatiran, LEAD PH, at LEAD Salaried, para ihatid ang kanilang Caravan of Hope. Sila ang nagdala ng mga relief packs at mahahalagang temporary shelter materials para sa mga pamilyang labis na naapektuhan.

Ang buong Barangay Council sa pamumuno ni Hon. Eduardo W. Bantilan, ang ating kapitan, at ang buong komunidad ng Sinawal ay taos-pusong nagpapasalamat sa pamunuan at mga empleyado ng Dolefil pati na rin sa lahat ng nagcontribute to make this happen. Napakalaking bagay po na sa panahon ng matinding pagsubok, may mga pusong handang tumulong para ipadama sa amin na hindi kami nag-iisa. Ang tulong na ito ang nagbigay sa amin ng lakas at pag-asa na muling makabangon.

Muli, maraming-maraming salamat sa inyong lahat sa pagbabahagi ng inyong "sunshine" sa Barangay Sinawal! May God bless you all more! β˜€οΈπŸ€

πŸ“ΈNote: Some of the photos used in this post were grabbed from the official page of Dolefil Cares. Reference: https://www.facebook.com/share/p/1HUmwNsUcw/

WORLD OF VISION, NAGHATID NG MADALIANG HUMANITARIAN INTERVENTION PARA SA MGA PAMILYANG APEKTADO NG LINDOL SA BRGY. SINAW...
19/06/2026

WORLD OF VISION, NAGHATID NG MADALIANG HUMANITARIAN INTERVENTION PARA SA MGA PAMILYANG APEKTADO NG LINDOL SA BRGY. SINAWAL

BARANGAY SINAWAL, GENERAL SANTOS CITY β€” Matapos ang malakas na 7.8-magnitude na lindol na yumanig noong nakaraang June 8 sa ganap na alas-7 ng umaga, agad na naglunsad ng humanitarian intervention ang international non-government organization na World of Vision upang saklolohan ang mga residenteng labis na naapektuhan sa ating komunidad.

Sa pagpapakita ng mabilis na aksyon, dumating ang koponan ng World of Vision sa General Santos City bandang alas-3 ng hapon sa mismong araw ng lindol upang magsagawa ng mga rapid assessment. Matapos ang pakikipag-ugnayan sa mga tanggapan ng pamahalaan, dumaan ang organisasyon sa isang masusing community assessment at validation process. Sa pamamagitan ng on-the-ground verification na ito, natukoy at napatunayan ng World of Vision na may kabuuang 180 na sambahayan sa Barangay Sinawal ang nagtamo ng totally damaged houses o tuluyang nawalan ng tirahan.

Kaninang umaga, pormal na isinagawa ang distribusyon kung saan naghatid sila ng mga essential food at non-food items direkta sa mga validated beneficiaries upang matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

"We pray for the affected families to be safe, resilient, and to recover fast, lalo na sa mga panahong ito na nakararanas pa tayo ng paminsan-minsang pag-aftershock. We pray for the welfare and safety of the children, at sana mas maging resilient at matatag ang bawat pamilya rito sa Barangay Sinawal.” wika ni Kristine Roxas, Humanitarian and Emergency Affairs Manager ng World of Vision, na nagsisilbi ring Response Manager ngayong araw.

Bukod sa materyal na tulong, binigyang-priyoridad din ng humanitarian group ang mental health at psychosocial support. Nagtayo ang World of Vision ng mga Child-Friendly Spaces upang matulungan ang mga bata na maproseso at malampasan ang takot o trauma na dulot ng kalamidad. Bukod dito, nagpaabot din sila ng Psychosocial First Aid (PFA) support para sa 70 na g**o at matatanda sa General Santos City. Sumailalim ang mga lokal na g**o at lider na ito sa pagsasanay upang maarmasan sila ng debriefing skills na magagamit nila sa patuloy na paggabay sa kanilang mga komunidadβ€”matapos dumaan mismo ang mga responders sa paunang debriefing process.

Matapos ang matagumpay na distribusyon ngayong umaga sa Barangay Sinawal, agad na tutuloy ang response team ng World of Vision sa iba pang mga apektadong barangay upang ihatid ang susunod na bahagi ng kanilang relief operations.

Ang Barangay council sa pangunguna ni Hon. Eduardo W. Bantilan at ang buong komunidad ng Barangay Sinawal ay nagpapahayag ng kanilang taos-pusong pasasalamat sa World of Vision para sa kanilang mabilis na pagtugon, maagang interbyensyon, at walang sawang pagsuporta sa kapakanan ng mga pamilya at mga bata.

Isang maagang pagpupugay sa mga Super Mom at Super Dad ng ating Barangay! 🫑"Hindi ka Nag-iisa sa Iyong Pag-iisa: Yakap a...
13/04/2026

Isang maagang pagpupugay sa mga Super Mom at Super Dad ng ating Barangay! 🫑

"Hindi ka Nag-iisa sa Iyong Pag-iisa: Yakap at Kalinga para sa Solo Parent." ✨

Ngayong araw, April 13, 2026, ginanap ang ating Solo Parents Meeting para pagplanuhan ang ating nalalapit na Solo Parent Week Celebration! Ito ay sa pangunguna ng ating masipag na Brgy. Captain, Honorable Eduardo W. Bantilan.

Alam namin na hindi madali ang maging solo parent, kaya naman layunin ng pagpupulong na ito na masiguradong bawat isa sa inyo ay makaramdam ng suporta at pagmamahal mula sa ating komunidad. 🀝

Abangan ang mga inihanda naming activities para sa inyong lahat! Kita-kits tayo sa celebration! πŸ’™ Barangay Sinawal Barangay Sinawal, General Santos City


INDUCTION CEREMONY, PUROK RAQUENARDS 1Nitong nakaraang Sabado, Ika-11 ng Abril, 2026, pinangunahan ng ating Hon. Eduardo...
13/04/2026

INDUCTION CEREMONY, PUROK RAQUENARDS 1

Nitong nakaraang Sabado, Ika-11 ng Abril, 2026, pinangunahan ng ating Hon. Eduardo W. Bantilan ang Induction Ceremony para sa mga bagong halal na Opisyales ng Purok.

Isang makabuluhang araw ito ng pagtalima sa tungkulin habang ang ating mga lokal na lider ay nanumpa na magsisilbi nang may integridad at katapatan.

Isang malaking pagbati sa bagong set ng mga opisyales! Patuloy tayong magkaisa at magtulungan para sa mas maunlad at mas masiglang Barangay Sinawal, General Santos City Barangay Sinawal . 🀝


Serbisyong may Pagmamahal para sa mga Kapatid nating MuslimNgayong araw, Marso 19, 2026, personal na namahagi ang inyong...
19/03/2026

Serbisyong may Pagmamahal para sa mga Kapatid nating Muslim

Ngayong araw, Marso 19, 2026, personal na namahagi ang inyong lingkod, Punong Barangay Eduardo 'Bobong' W. Bantilan, ng bigas at mga grocery para sa apat na Moske sa Barangay Sinawal.

Ang gawaing ito ay bahagi ng ating pakikiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr bukas. Layunin nating ipakita na sa Barangay Sinawal, ang tunay na serbisyo publiko ay walang pinipiling relihiyon o pinagmulan. Ang ating pagbibigay na tinanggap ng mga kinatawan ng apat na mga Moske ay simbolo ng pagmamahal at matibay na pagkakaisa ng lahat ng Sinawalians.

"Ang saya ng Eid'l Fitr ay mas lalakas kung tayo'y magkakapatid na nagtutulungan at nakikibahagi sa isa't isa," aniya ni Kap. Bantilan.

Lubos ang ating pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng ating mga kapatid na Muslim. Patuloy nating itataguyod ang isang komunidad na nagtutulungan at nagkakaisa.

MABUHAY ANG ATING MGA KAPWA MUSLIM!πŸ•Œ
MABUHAY ANG BARANGAY SINAWAL!🀝

πŸ“’ PAHAYAG MULA SA OFFICE OF THE PUNONG BARANGAYBarangay Sinawal | Hon. Eduardo W. Bantilan Ayun sa kasalukuyang kalagaya...
16/12/2025

πŸ“’ PAHAYAG MULA SA OFFICE OF THE PUNONG BARANGAY
Barangay Sinawal | Hon. Eduardo W. Bantilan

Ayun sa kasalukuyang kalagayan, ang isang bahagi ng daanan sa Pao-Pao Road ay lubhang severely damaged na dulot ng katagalan nito at ng patuloy na pagdaan ng mga malalaking sasakyan.

Ang Barangay Council ng Barangay Sinawal, na pinamumunuan ni Hon. Eduardo W. Bantilan, ay hindi po natutulog sa pangyayari sa nasabing kalsada, paghahanap ng solusyon sa problemang kinakaharap ng nasabing daanan.

Noong November 10, 2025, nagsumite ng liham ang Office of the Punong Barangay sa City Engineer’s Office (na kanilang natanggap noong November 13, 2025) upang magsagawa ng survey at assessment sa nasabing daanan na severely damaged. Sa naturang liham, humiling ang ating Punong Barangay ng technical recommendations for repair, rehabilitation, or improvement ng nasabing kalsada. Makalipas lamang ang ilang araw, agad namang tumugon ang City Engineer’s Office at nagsagawa sila ng survey noong November 14, 2025.

Noong December 03, 2025, sa ginanap na 49th Regular Session ng Sangguniang Barangay ng Sinawal, ay inaprubahan ang isang resolusyon na pinamagatang:

β€œA RESOLUTION URGENTLY REQUESTING THE HONORABLE LORELIE G. PACQUIAO, CITY MAYOR OF GENERAL SANTOS CITY, TO ALLOCATE CITY FUNDS FOR THE IMMEDIATE REPLACEMENT OF THE SEVERELY DAMAGED PORTION OF PAO-PAO ROAD IN BARANGAY SINAWAL, GENERAL SANTOS CITY.

(Resolution No. 113, Series of 2025 – Joint Sponsorship)

cc: City Engineer’s Office, DPWH Gensan

Ang nasabing resolusyon ay opisyal na ipinadala sa Office of the Honorable City Mayor noong December 16, 2025. Kalakip ng resolusyong ito ang isa pang liham na urgently requesting for immediate temporary repair ng damaged portion ng Pao-Pao Road habang ang ating mga kinauukulang tanggapan ay patuloy na naghahanap ng pondo para sa tuluyang pagpapalit ng nasabing daanan.
Patuloy po nating ipinagdarasal na sa mga susunod na buwan o taon ay magkaroon ng allocation of funds upang maisakatuparan ang kinakailangang replacement ng nasabing kalsada.

Nais din po naming ipaalam sa lahat na ang pag-apruba at paglalaan ng pondo para sa proyektong ito ay hindi basta-basta, sapagkat ito ay isang existing project na nangangailangan ng replacement dahil sa kasalukuyang kondisyon nitong sirang-sira.

Kami po ay humihingi ng mataas na pasensya mula sa ating mga mamamayan sa Purok Pao-Pao, Purok Malipayon, Purok Bagong Silang, at sa ating mga g**o na nagtuturo sa mga nasabing purok.

Ang City Mayor Hon. Lorelie G. Pacquiao, kasama ang Barangay Council ng Barangay Sinawal na pinamumunuan ni Hon. Eduardo W. Bantilan, gayundin ang City Engineer’s Office at DPWH Gensan, ay patuloy na magtutulungan upang mabigyang-solusyon at maayos ang nasabing daanan.

Maraming salamat po sa lahat ng ating mga mamamayan sa mga nabanggit na purok sa patuloy na pag-unawa at mataas na pasensya sa nangyayaring sitwasyon sa nasabing daan.

πŸŽ‰ πŠπ€π’π“πˆπ…π”π 𝐃𝐄 𝐒𝐍𝐀𝐖𝐀𝐋 πŸπŸŽπŸπŸ“πŸŽ‰πŸŽ‰ππ€π€π€β€¦ ππ€πƒπ€π˜πŽπ 𝐒𝐀 π’π€π˜π€!!!πŸŽ‰π—”π—‘π—š π—¦π—”π—‘π—šπ—šπ—¨π—‘π—œπ—”π—‘π—š 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π—¦π—œπ—‘π—”π—ͺπ—”π—Ÿ, sa pangunguna ng ating Punong Bara...
01/09/2025

πŸŽ‰ πŠπ€π’π“πˆπ…π”π 𝐃𝐄 𝐒𝐍𝐀𝐖𝐀𝐋 πŸπŸŽπŸπŸ“πŸŽ‰

πŸŽ‰ππ€π€π€β€¦ ππ€πƒπ€π˜πŽπ 𝐒𝐀 π’π€π˜π€!!!πŸŽ‰

π—”π—‘π—š π—¦π—”π—‘π—šπ—šπ—¨π—‘π—œπ—”π—‘π—š 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π—¦π—œπ—‘π—”π—ͺπ—”π—Ÿ, sa pangunguna ng ating Punong Barangay Hon. Eduardo W. Bantilan, ay malugod na nag-aanyaya sa lahat ng mamamayan ng Barangay Sinawal na makiisa at makisaya sa pinaka-inaabangang selebrasyon ng taonβ€”ang πŠπ€π’π“πˆπ…π”π 𝐃𝐄 𝐒𝐍𝐀π—ͺπ€π—Ÿ πŸπŸŽπŸπŸ“!

Ngayong darating na Setyembre, sabay-sabay nating ipagdiwang ang makulay na kultura, mayamang kasaysayan, at masaganang ani ng ating komunidad. Magsama-sama sa mga masisiglang aktibidad, patimpalak, sorpresa, at mga programang inihanda para sa buong barangay!

Bilang paggunita sa ika-66 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Barangay Sinawal, handog ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Sinawal ang ika-12 taon ng ating makulay na tradisyonβ€”ang Kastifun de Snawal 2025, na may temang:

"πŠπ€π’π€π˜π’π€π˜π€π, πŠπ”π‹π“π”π‘π€, 𝐀𝐓 ππ€π†πŠπ€πŠπ€πˆπ’π€: πƒπˆπ–π€ 𝐍𝐆 πŠπ€π’π“πˆπ…π”π 𝐒𝐀 πŒπ€πŠπ€ππ€π†πŽππ† ππ€π‘π€ππ†π€π˜ π’πˆππ€π—ͺ𝐀𝐋"

✨ Ituloy natin ang diwa ng bayanihan at pagdiriwangβ€”dahil ang ating kasaysayan at kultura ay buhay na buhay sa ating pagkakaisa! ✨

🎊 Kaya tara na! Isama ang pamilya, barkada, at kapitbahay sa Kastifun de Snawalβ€”dahil mas masaya ang fiesta kapag kasama ka! πŸŽ‰

π“‘π“žπ“π“– π“’π“π“›π“π“œπ“π“£ 𝓒𝓐 π“˜π“π“¨π“žπ“π“– 𝓦𝓐𝓛𝓐𝓝𝓖 𝓒𝓐𝓦𝓐𝓝𝓖 π“’π“€π“Ÿπ“žπ“‘π“£π“ 𝓒𝓐 π“π“£π“˜π“π“– 𝓑𝓐𝓑𝓐𝓝𝓖𝓐𝓨!




🌍🧹 BARANGAY SINAWAL TAKES PART IN CITY-WIDE CLEAN-UP DRIVE! β™»οΈπŸŒ±πŸ“† August 30, 2025πŸ“ From Circumferential Road to Barangay ...
30/08/2025

🌍🧹 BARANGAY SINAWAL TAKES PART IN CITY-WIDE CLEAN-UP DRIVE! β™»οΈπŸŒ±

πŸ“† August 30, 2025
πŸ“ From Circumferential Road to Barangay Hall

Barangay Sinawal actively joined the General Santos City-Wide Massive & Simultaneous Clean-Up Drive, led by our dedicated barangay officials and employees.

This initiative, under the , highlights our commitment to maintaining a clean, orderly, and safe environment for the community.

πŸ‘ A big thank you to all our hardworking officials and staff who showed up early and gave their full effort! Together, we continue building a cleaner and better Barangay Sinawal. πŸƒπŸ’™





Address

Prk. Cabuay, Brgy. Sinawal
General Santos City
9500

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kap. Bobong Bantilan Cares posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share