Filipina EOD Tech

Filipina EOD Tech Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Filipina EOD Tech, Law enforcement agency, General Santos City PNP-EOD/K9 Aviation Unit, General Santos City.






Join me for a unique blend of practical tips and inspiring stories as I shared my life’s journey�

12/03/2026

Mawalang galang Sir, ang mga a*o ang pinapa adopt, hindi dahil nirereject o pinapabayaan sila. Pinapa adopt sila para maranasan nila na maging “pet”, meaning maranasan nila ung pag aalaga na pagpapamper as “pet”. Malaki kasi kaibahan ng “pet” sa “working dog”. Alam mo yan, na iba ang approach sa pag aalaga ng isang working dog. Hindi sila INA-ABANDONE, dahil kapag walang mag-aadopt sa kanila, patuloy namin silang aalagaan, pero ang paraan ng pag aalaga ay working dog parin-pinapakain pero nasa cage, walking as exercise, which is iba kapag inadopt sila as pet, pwed silang nasa loob ng bahay at pwede pang katabi matulog, hina-hug, the way natin alagaan ang ating pet. May sistema sa kanila pag retired na sila, uulitin ko, aalagaan parin sila at pinapakain same nung working pa sila but until dun lang, iba talaga pag pet sila. Ang sama ng content mo na dahil pinapa adopt sila ay ina abandone sila. “Tila walang sistema” - hindi ka sigurado. Ang kaalaman mo sa sistema ay masyadong kulang para mag content ka ng ganyan. Nagresearch kaba? Nagtanong ka sa unit namin? Binasa mo ba ang napolcom memorandum? Sana nagtatanong ka muna.

Naninira ka ng unit namin PNP - EOD / K9 Group without doing inquiry. Subukan mo kayang pumunta at bisitahin mga EDD namin The Pinoy Dog Whisperer para malaman mo ano ang programa hindi yang gagawa ka ng content and gathering symphaty para sa content views?

Be responsible content creator and influencer.
Maari ka rin cguro maliwanagan through PulisK9 TV.





10/03/2026

“By working together, we move closer to our common goal: a community where everyone can live, travel, and thrive without fear.

Safety is more than a duty—it is a responsibility we all carry. Because a peaceful community is a masterpiece we paint together."


💣💣💣💕💕💕👮🏻👮🏻👮🏻"Sanay ako sa 'High Risk' at delikadong operasyon, pero ang pinaka-rewarding na part ng araw ko ay ang pag-u...
14/02/2026

💣💣💣💕💕💕👮🏻👮🏻👮🏻
"Sanay ako sa 'High Risk' at delikadong operasyon, pero ang pinaka-rewarding na part ng araw ko ay ang pag-uwi sa aking pamilya. I may be a woman who can handle explosives, but only my family have the fuse to my heart. Happy Valentine's Day, !" 🥰🥰🥰





Disclaimer lang po✌️Hindi po ako lawyer, bothered lang ako sa maraming comment kaya gumawa ako ng research, if sakaling ...
08/01/2026

Disclaimer lang po✌️
Hindi po ako lawyer, bothered lang ako sa maraming comment kaya gumawa ako ng research, if sakaling may mali sa aking mga nakuhang information, please correct me.

👮🏻👮🏻👮🏻👮🏻 👮🏻👮🏻👮🏻👮🏻 👮🏻👮🏻👮🏻👮🏻
“HINDI PO BAWAL ang magkaroon ng mamahaling gamit ang isang pulis, ang bawal po ay yung IBALANDRA o pagpapakita at pagsuot ng "extravagant” na mga bagay, lalong lalo na kung naka uniform.”
👮🏻👮🏻👮🏻👮🏻 👮🏻👮🏻👮🏻👮🏻 👮🏻👮🏻👮🏻👮🏻

Pwedeng-pwede sa isang pulis ang magkaroon ng mga mamahaling bagay o luho kung tawagin, pero huwag lang etong suotin o gamitin habang naka uniform.

Ang mga sumusunod ang maaring kakaharaping ka*o ng isang pulis na lumabag:

1. Conduct Unbecoming of a Police Officer

Ito ang pangunahing reklamong administratibo laban sa kanya dahil sa pagpapakita at pagsuot ng "extravagant luxury footwear" na nagkakahalaga ng P70,599.75 habang naka-uniporme.

📖📚Ang Batas: Nilabag nito ang NAPOLCOM Memorandum Circular No. 94-022.

Bakit? 🤔
Ayon sa NAPOLCOM, ang pagsuot ng mamahaling gamit habang naka-uniporme ay sumisira sa imahe ng kapulisan at hindi sumasalamin sa "modest living" (payak na pamumuhay) na inaasahan sa isang lingkod-bayan.

2. Less Grave Neglect of Duty

Ito ay kaugnay COMMAND RESPONSIBILITY.

📖📚Ang Batas: Paglabag sa direktiba sa ilalim ng RA 6975 (Department of the Interior and Local Government Act of 1990) na nagbibigay sa NAPOLCOM ng kapangyarihan na mag-supervise at mag-control sa PNP.

Bakit?🤔
Ang hindi pagsunod sa paulit-ulit na utos ng NAPOLCOM ay itinuturing na "willful failure" o sadyang pagbalewala sa tungkulin.

3. Code of Conduct and Ethical Standards (RA 6713)

Bagama't administratibo ang kasalukuyang reklamo, ang basehan ng prinsipyo ng NAPOLCOM ay ang Republic Act No. 6713.

📖📚Seksyon 4 (h) - Simple Living: Obligasyon ng bawat opisyal ng gobyerno at kanilang pamilya na mamuhay nang simple at naaayon sa kanilang kinikita at katungkulan. Ang pagpapakita ng labis na karangyaan (tulad ng sapatos na halos katumbas ng isang buwang sahod) ay direktang labag sa prinsipyong ito.

4. Uniformity and Discipline (PNP Memorandum)

📝📚Binanggit din ni NAPOLCOM Commissioner Rafael Vicente Calinisan ang PNP Memorandum DRD(C)-241121-487.

Ang Nilalaman:
📝Ang memo na ito ay nagtatakda ng tamang itsura at uri ng sapatos (all-white rubber shoes o all-black patrol shoes) na dapat isuot ng mga pulis para mapanatili ang uniformity. Ang pagsuot ng luxury brand na sapatos ay "deviation" o paglihis sa tamang standard ng uniporme.

Ang mga batas na ito ang nagsisigurong ang mga nasa posisyon ay nananatiling mapagkumbaba at sumusunod sa chain of command.

🤔MAKAKASUHAN PARIN BA KAHIT RETIRED FROM THE SERVICE NA?

1. Makakasuhan pa rin ba kahit Retired na?

Oo. Bagama’t retirado na ang isang opisyal, maaari pa rin silang maharap sa dalawang uri ng pananagutan:

Administrative Liability:
Kung ang ka*o ay isinampa bago pa ang opisyal na petsa ng kanyang pagreretiro. Kung saan ang opisyal na pulis ay sinampahan dalawang araw bago mag-retire noong Dec. 25, 2025), may hurisdiksyon pa rin ang NAPOLCOM o ang PNP na ituloy ang ka*o.

Criminal Liability: Ang pagreretiro ay hindi "immunity" o proteksyon laban sa mga ka*ong kriminal. Kung may ebidensya ng korapsyon o paglabag sa batas (tulad ng RA 3019 o RA 6713), maaaring magsampa ng ka*o sa Ombudsman o sa regular na hukuman kahit sibilyan na ang status ng opisyal.

2. Ano ang posibleng Penalty?

Dahil retirado na, hindi na siya maaaring masuspinde o matanggal sa pwesto (dismissal). Gayunpaman, ang mga sumusunod na parusa ay maaaring ipataw:

Forfeiture of Benefits: Maaaring mapigilan o bawiin ang kanyang mga retirement benefits, pension, at iba pang kaukulang sahod o bonus.

Disqualification: Maaari siyang permanenteng pagbawalan na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno sa hinaharap (perpetual disqualification from holding public office).

Fine (Multa): Sa mga administrative cases, maaaring ipataw ang multa na katumbas ng ilang buwan o taon ng kanyang sahod.

Imprisonment:
Kung ang ka*o ay magiging kriminal (halimbawa, Graft and Corruption), maaari siyang mahatulan ng pagkakakulong depende sa bigat ng krimen.

✅✅✅✅✅✅✅✅✅✅
⚖️⚖️⚖️⚖️⚖️⚖️⚖️⚖️⚖️⚖️⚖️
Note:
Lagi din po nating tandaan na idadaan prin ang lahat sa DUE PROCESS, may mga pagliliyos pang mangyayari kung saan mabibigyan pa ang isang pulis ng pagkakataong magpaliwanag at depensahan ang sarili dahil meron po tauong PRESUMPTION OF INNOCENCE o "presumed innocent until proven guilty" na syang haligi ng justice system sa Pilipinas.





LOOK: A former PNP Health Service official was administratively sued by Napolcom over multiple violations, including supposedly wearing luxury shoes valued at P70,559.75 while in uniform.

The former official is also being investigated for complaints from some of her subordinates alleging "corruption and mismanagement" in the unit, Napolcom Executive Officer Rafael Calinisan tells reporters. | 📷: Contributed photo via Ja*on Sigales, INQUIRER.net

READ MORE: https://inqnews.net/ExPNPExecLuxuryShoes

PULL THE TRIGGER, LOSE THE BADGEAs part of the heightened security measures for the holiday sea*on and the approach of N...
30/12/2025

PULL THE TRIGGER, LOSE THE BADGE

As part of the heightened security measures for the holiday sea*on and the approach of New Year 2026, the Philippine National Police is strictly enforcing a One-Strike Policy against indiscriminate firing. This policy underscores the PNP’s firm commitment to protecting lives and ensuring public safety during a period meant for peace, not preventable harm.

All PNP personnel are reminded to observe the highest level of discipline and professionalism in the handling of fi****ms. Any act of reckless or celebratory gunfire is a serious violation of duty and will not be tolerated under any circumstance.

Personnel found guilty of indiscriminate firing shall face immediate administrative sanctions and criminal liability in accordance with existing laws, without warning or second chances. This includes dismissal from the service and the filing of appropriate criminal cases, as warranted.

Immediate and decisive action is required from all unit commanders. Personnel involved in indiscriminate firing will be relieved and placed under preventive suspension at once, pending investigation. Command responsibility is absolute—every level must be accountable to uphold discipline and safeguard public trust in the PNP.

As the nation welcomes the New Year, the PNP calls on all personnel to set the example of responsibility and restraint. Through the strict enforcement of the One-Strike Policy, the PNP reaffirms its commitment to a Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas—Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman—so that every Filipino can celebrate safely and without fear.

PLTGEN JOSE MELENCIO C. NARTATEZ JR
Acting Chief, Philippine National Police

Ccto: Philippine National Police

07/12/2025

We need your support🙏🙏🙏

Please COMMENT🙏🙏🙏

06/12/2025

"𝐇𝐚𝐧𝐝𝐨𝐠 𝐧𝐠 𝐏𝐍𝐏-𝐄𝐎𝐃/𝐊𝟗 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐩 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬"
The Official Entry of PNP-EOD/K9 Group for PNP Christmas Carol Contest.

✨ Spread the Christmas cheer! ✨

Support our PNP-EOD/K9 Group Online Christmas Jingle Entry 2025 entitled "HANDOG NG PNP-EOD/K9 Group para sa Bagong Pilipinas"

by hitting LIKE and do comment and sharing the joyful spirit with everyone! Your simple tap means a lot to our team. ❤️🎄🎶 and don’t forget to share the link to your family and loved ones. Together, let’s bring home the win! 🎶🎄💙

Step on how to support:

1.
click first the link of PCADG NHQ FB PAGE
https://www.facebook.com/share/1HbfSGbjCp/

2.
Click follow PCADG NHQ FB PAGE

3.
Look down at video entry of the PNP-EOD/K9 Group uploaded at the PCADG NHQ FB PAGE.
https://www.facebook.com/share/p/1G7b99rbVZ/

4.
Hit like button and do comment at the PNP-EOD/K9 Group Christmas Jingle Entry 2025

👮🏻Higit pa sa seguridad, layunin nating mapanatili ang kumpiyansa ng bawat pasahero. 👮🏻Sa maingat na pag-account ng unat...
13/11/2025

👮🏻Higit pa sa seguridad, layunin nating mapanatili ang kumpiyansa ng bawat pasahero. 👮🏻

Sa maingat na pag-account ng unattended baggage, ipinapakita natin ang buong integridad ng ating EOD team sa harap ng mga awtoridad. Umaasa tayong maibabalik ang bagaheng ito sa kanyang may-ari, kumpleto at walang labis, walang kulang.





✈️ FLIGHT SAFETY REMINDER! 🔋Huwag kalimutang i-check ang capacity ng inyong power bank bago sumakay sa eroplano!✅ Up to ...
01/11/2025

✈️ FLIGHT SAFETY REMINDER! 🔋

Huwag kalimutang i-check ang capacity ng inyong power bank bago sumakay sa eroplano!

✅ Up to 100Wh: OKAY! Pwede dalhin nang walang pahintulot.

⚠️ 100Wh to 160Wh: Kailangan ng prior approval sa airline!

❌ Above 160Wh: Bawal na bawal sa loob ng eroplano.

Tingnan sa power bank kung nakalagay ang Wh value. Kung wala, gamitin ang formula: Wh = (mAh x V) / 1000.

Mag-ingat po tayo para sa ligtas na paglipad!





💣 Isang Mahalagang Paalala Mula sa inyong Filipina EOD TechKami po ang inyong mga EOD (Explosive Ordnance Disposal) Tech...
01/11/2025

💣 Isang Mahalagang Paalala Mula sa inyong Filipina EOD Tech

Kami po ang inyong mga EOD (Explosive Ordnance Disposal) Tech na nagmula sa PNP-EOD/K9 Group na isang NOSU (National Operational Support) ng ating Pambandang Pulisya.

Kami ang sumasalo at nag-aalis ng mga banta mula sa mga pasabog para sa kaligtasan ng inyong mga pamilya at komunidad.

Ang aming tagumpay ay nakasalalay hindi lamang sa aming pagsasanay, kundi pati na rin sa inyong kooperasyon.

⚠️ Tatlong Tandaan para sa Inyong Kaligtasan

Para matulungan kaming panatilihing ligtas ang lahat, pakatandaan po ang tatlong (3) mahalagang hakbang na ito:

1. Huwag na Huwag Hawakan (Never Touch)

☝️Kung makakita kayo ng anumang kahina-hinalang bagay, lalo na kung mukha itong bomba, granada, o lumang munisyon, Huwag niyo po itong hawakan, sipain, o ilipat.

☝️Ang mga gamit na ito ay maaaring maging unstable o sensitibo sa kaunting galaw. Ang paggalaw sa pinaghihinalaang bagay ay ang pinakamalaking panganib.

2. Agad na Lumayo at Mag-ulat (Move Away and Report Immediately)

👉Lumayo po nang tahimik at mabilis mula sa lugar. Panatilihin ang ligtas na distansya.

👉Agad ipagbigay-alam sa pinakamalapit na pulis, militar, o sa inyong lokal na awtoridad (Barangay/LGU). Huwag mag-atubili! Ang mabilis na pag-uulat ay nagliligtas ng buhay o i-dial ang 911.

👉Gamitin ang inyong cellphone para kumuha ng larawan LAMANG kung ligtas itong gawin mula sa malayo, para makatulong sa aming pagkilala.

3. Sundin ang Aming Utos (Follow Our Instructions)

✌️Kapag dumating na ang EOD Team, makikita niyo kaming nagtatrabaho nang may matinding pag-iingat at precision.

Sundin po ang lahat ng utos at babala mula sa mga awtoridad at EOD Tech. Ang cordon area at evacuation instructions ay inilatag para protektahan kayo. Ang bawat sentimetro ng distansya ay mahalaga.

"Ang aming misyon ay i-disarm ang panganib para kayo ay maging ligtas. Ang inyong pag-iingat at kooperasyon ang aming unang depensa."

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at tulong sa pagpapanatili ng katahimikan at kaligtasan ng ating bayan.






Address

General Santos City PNP-EOD/K9 Aviation Unit
General Santos City
9500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Filipina EOD Tech posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share