NCSC - Region XII

NCSC - Region XII Official FB Page of National Commission of Senior Citizens - Region XII.

Grandpas and grandmas, lace up and get ready! ❤️It’s time to celebrate our beloved lolos and lolas at the Grand Walkatho...
02/09/2026

Grandpas and grandmas, lace up and get ready! ❤️

It’s time to celebrate our beloved lolos and lolas at the Grand Walkathon—a fun and active event made especially for our grandparents! 🏃‍♀️🏃‍♂️
Joining is easy!

1️⃣ Shop & dine with a minimum single-receipt purchase of P500 from any store at Robinsons Gen San.
2️⃣ Register via the RMalls+ App: http://onelink.to/rmallsplusapp. Tap 𝑹𝑫𝒆𝒂𝒍𝒔 and look for the 𝑮𝒓𝒂𝒏𝒅 𝑾𝒂𝒍𝒌𝒂𝒕𝒉𝒐𝒏 tile.
3️⃣ Get your free event pass and walkathon kit at the Main Entrance on September 13, 6am.

Join us on September 13 and let’s celebrate the energy, love, and spirit of our amazing grandparents! 👟

Stay tuned for more details.




𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐠𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧, 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐇𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐍𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧💛💛Ngayong National Heroes Day, buong-pusong nagbibi...
31/08/2026

𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐠𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧, 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐇𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐍𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧💛💛

Ngayong National Heroes Day, buong-pusong nagbibigay-pugay ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) Region XII sa lahat ng mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at paglilingkod para sa kalayaan at kapakanan ng ating bayan.

Lalo nating binibigyang-halaga ang ating mga beterano—mga senior citizen na naging bahagi ng mahahalagang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas. Ang kanilang sakripisyo, katapangan, at pagmamahal sa bayan ay hindi kailanman malilimutan.

Sa kanilang pagtanda, nararapat lamang na sila ay ating igalang, pahalagahan, at alagaan bilang mga buhay na saksi sa kasaysayan at huwaran ng paglilingkod sa bayan.

Saludo kami sa inyong kabayanihan!

Mabuhay ang ating mga bayani. Mabuhay ang mga beterano.
Ang inyong sakripisyo ay bahagi ng kalayaan na tinatamasa natin ngayon.

28/08/2026

𝐍𝐚𝐤𝐢𝐬𝐚𝐲𝐚 𝒂𝒏𝒈 𝑵𝑪𝑺𝑪 𝑹𝒆𝒈𝒊𝒐𝒏 𝑿𝑰𝑰 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐑𝐞𝐭𝐢𝐫𝐚𝐝𝐨 𝐬𝐚 𝐆𝐞𝐧𝒆𝒓𝒂𝒍 𝑺𝒂𝒏𝒕𝒐𝒔 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝒏𝒈 𝑩𝒖𝒘𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑾𝒊𝒌𝒂.💛


28/08/2026

𝐎𝐒𝐂𝐀 𝐂𝐡𝐞𝐜𝐤!

Kasama ang DILG, talakayin natin ang mahalagang papel ng mga LGU at OSCA sa pagpapatupad ng mga programa, serbisyo, at inisyatiba para sa kapakanan ng ating mga senior citizen sa bawat barangay at bawat bayan.
𝐓𝐔𝐓𝐎𝐊 na sa 𝐆𝐨𝐥𝐝𝐞𝐧 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭: 𝐏𝐮𝐬𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫𝐬 sa Radyo Magasin 1278 AM! Huwag palampasin! Alas-Dos na, Golden Heart na!

Para sa mga opisyal na mensahe at anunsyo ng NCSC, makipag-ugnayan sa pamamagitan ng:
(02) 8567-5646
0962-2743-622
[email protected]
www.ncsc.gov.ph

𝐒𝐚 𝐖𝐢𝐤𝐚, 𝐊𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐧𝐚𝐬𝐚𝐧: 𝐍𝐂𝐒𝐂 𝐗𝐈𝐈 𝐍𝐚𝐤𝐢𝐬𝐚𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐑𝐞𝐭𝐢𝐫𝐚𝐝𝐨 𝐬𝐚 𝐆𝐞𝐧𝐬𝐚𝐧💛GENERAL SANTOS CITY — Sa makuk...
28/08/2026

𝐒𝐚 𝐖𝐢𝐤𝐚, 𝐊𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐧𝐚𝐬𝐚𝐧: 𝐍𝐂𝐒𝐂 𝐗𝐈𝐈 𝐍𝐚𝐤𝐢𝐬𝐚𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐑𝐞𝐭𝐢𝐫𝐚𝐝𝐨 𝐬𝐚 𝐆𝐞𝐧𝐬𝐚𝐧💛

GENERAL SANTOS CITY — Sa makukulay na Filipiniana, barong, tradisyonal na kasuotan ng mga Blaan at Moro, at tangan ang mga bandilang Pilipino, muling ipinamalas ng mga retirado ang isang mahalagang mensahe: hindi nagreretiro ang pagmamahal sa bayan, kultura, at pagbabahagi ng karanasan.

Nakibahagi at nakisaya ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) Regional XII, sa pangunguna ni Regional Director Dr. Rochelle Gajete-Oco, MD, DPCOM, sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ng Government and Private Retirees Association of General Santos City noong Agosto 27, 2026, sa Barangay Dadiangas South Covered Court. Isinabay ang pagdiriwang sa kanilang general assembly, na isinagawa sa suporta ni Punong Barangay Rock Eliseo Garay.

Tampok sa programa ang mapitagang pagpasok ng mga kulay, sagisag at bandila ng Pilipinas, Parangal ng mga Retirado, at mga bandang isinuot sa balikat ng mga retirado, na may mga titulong Perlas ng Silangan, Luzon, Visayas at Mindanao, Dakilang Ina ng Retirados, at Hiyas ng Wika ng Gensan.

Sa temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” ipinakita ng mga miyembro ang yaman ng kultura sa pamamagitan ng Sayawit na kumatawan sa Tagalog, Cebuano/Bisaya, Maguindanao, Blaan, Kapampangan, Ilocano at Ilonggo/Hiligaynon.

Naging masigla rin ang pagtatanghal ng Mamang Sorbetero, Kuratsa at Dayang-Dayang, na sinalihan ni Direktor Oco at ng mga kawani ng NCSC XII. Itinaas din ng mga retirado ang kanilang pagmamahal sa bansa sa mataimtim na pag awit ng “Ako ay Pilipino.”

Para kay Estrella Tan, pangulo ng samahan, ang pagdiriwang ay sagisag ng pagkamakabayan at katatagan ng mga retirado sa kabila ng mga hamon na kinaharap ng komunidad at sektor nitong mga nakaraang buwan.

Para sa ilan sa mga miyembro, ang makukulay na Filipiniana at tradisyonal na kasuotan ay hindi lamang para sa selebrasyon. Ito ay mga kasuotang dati na nilang isinusuot noong sila ay nagtatrabaho pa—at ngayon ay muli nilang inilabas upang ipagdiwang ang kanilang kultura at pagkakakilanlan.

Ilan sa kanila ay mga retiradong g**o na buong buhay na naglaan ng panahon sa pagtuturo at paghuhubog sa mga kabataan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Direktor Oco na hindi nagtatapos sa pagreretiro ang kakayahang magbahagi at matuto.

“Hindi natatapos sa pagiging senior citizen ang pagbabahagi ng ating mga karanasan at natutunan sa mga nakababatang henerasyon.”

Aniya, nais din ng NCSC XII na matuto mula sa mga nakatatanda. “Gusto naming matuto mula sa inyo—mula sa inyong mga karanasan at kaalaman, at maibahagi ninyo ito sa amin.”

Inanyayahan ni Direktor Oco ang mga retirado sa pagdiriwang ng Linggo ng Katandaang Filipino sa Oktubre at hinikayat silang ituring ang NCSC XII Regional Office bilang kanilang “pangalawang tahanan.”

“Nais naming malaman ang kuwento ng bawat isa sa inyo at tulungan ninyo kaming lalo pang mapabuti ang aming mga serbisyo,” aniya.

Sa pagdiriwang na ito, na nagtapos sa masayang salu-salo, muling pinatunayan ng mga retirado na ang wika ay hindi lamang mga salitang binibigkas—ito ay kuwento ng pinagmulan, salamin ng kultura, tulay ng mga henerasyon, at tinig ng isang buhay na patuloy na may maibabahagi.(NCSC Region XII)



𝐏𝐀𝐇𝐀𝐘𝐀𝐆 𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐂𝐈𝐓𝐈𝐙𝐄𝐍𝐒 (𝐍𝐂𝐒𝐂) 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐒𝐇 𝐆𝐈𝐅𝐓 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐂𝐈𝐓𝐈𝐙𝐄𝐍𝐒
28/08/2026

𝐏𝐀𝐇𝐀𝐘𝐀𝐆 𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐂𝐈𝐓𝐈𝐙𝐄𝐍𝐒 (𝐍𝐂𝐒𝐂) 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐒𝐇 𝐆𝐈𝐅𝐓 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐂𝐈𝐓𝐈𝐙𝐄𝐍𝐒


𝐏𝐀𝐇𝐀𝐘𝐀𝐆 𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐂𝐈𝐓𝐈𝐙𝐄𝐍𝐒 (𝐍𝐂𝐒𝐂) 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐒𝐇 𝐆𝐈𝐅𝐓 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐂𝐈𝐓𝐈𝐙𝐄𝐍𝐒

Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nakatakdang magsagawa ang National Commission of Senior Citizens–National Capital Region (NCSC-NCR) ng malawakang cash gift distribution simula September 2, 2026. Layunin nitong mapabilis ang pamamahagi ng cash gift sa mga kwalipikadong senior citizens na edad 80, 85, 90, 95, at 100, alinsunod sa Expanded Centenarians Act.

Ayon kay NCSC Chairperson and Chief Executive Officer Atty. Ma. Merceditas N. Gutierrez, patuloy ang NCSC sa pagbibigay serbisyo para sa mga nakatatanda.

“Ang bawat senior citizen na kwalipikado sa cash gift ay dapat mapaglingkuran nang mahusay at may dignidad. Sa kabila ng mga hamon, patuloy na kikilos ang NCSC kasama ang mga LGUs, volunteers at iba bang katuwang upang matiyak ang tamang serbisyo”, pahayag ni Atty. Gutierrez.

Para sa implementasyon ngayong taon, as of 26 August 2026, nakapamahagi na ang NCSC ng mahigit ₱𝟏.𝟗 𝐛𝐢𝐥𝐲𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐮𝐚𝐧𝐠 𝟏𝟕𝟗,𝟓𝟐𝟗 𝐬𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐜𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧𝐬, na may sumusunod na breakdown:

80 y/o: 𝟗𝟓,𝟒𝟔𝟒
85 y/o: 𝟓𝟒,𝟒𝟔𝟒
90 y/o: 𝟐𝟐,𝟔𝟖𝟐
95 y/o: 𝟔,𝟎𝟓𝟐
100 y/o: 𝟏,𝟐𝟒𝟎

Bagama’t nananatiling hamon sa ahensya ang kakulangan sa bilang ng mga tauhan, limitadong resources gaya ng mga sasakyan, at kakulangan sa budget para sa operations, tinitiyak ng NCSC na responsable nitong nagagawa ang mga kinakailangang hakbang upang maipamahagi ang cash gift sa mga kwalipikadong benepisyaryo nang mabilis, maayos, at naaayon sa mga itinakdang alituntunin.

Kabilang sa mga hakbang na isasagawa ng NCSC ang sumusunod:
1. Mas masusing koordinasyon sa mga Local Government Units (LGUs);
2. Pagtanggap ng mga senior citizen at LGU volunteers upang makatulong sa proseso ng validation of applications;
3. Pagsasagawa at pagpapalawig ng Electronic Fund Transfer (EFT) bilang mas mabilis na paraan ng pagbibigay ng cash gift; at
4. Pakikipag-ugnayan sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa pagdevelop ng online application gamit ang eGovPH App.

Para sa karagdagang impormasyon at mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa NCSC sa pamamagitan ng sumusunod:
𝐂𝐨𝐧𝐭𝐚𝐜𝐭 𝐍𝐮𝐦𝐛𝐞𝐫(𝐬): (02) 8567-5646 / 0962-2743-622
𝐄𝐦𝐚𝐢𝐥: [email protected]
𝐖𝐞𝐛𝐬𝐢𝐭𝐞: www.ncsc.gov.ph.

27/08/2026

See you at the Summit! 🐟💙

📅 September 2, 2026
📍 Robinsons Place General Santos

📣 𝐕𝐢𝐬𝐢𝐭 𝐭𝐡𝐞 𝐍𝐂𝐒𝐂 𝐗𝐈𝐈 𝐁𝐨𝐨𝐭𝐡 𝐚𝐭 𝐭𝐡𝐞 𝟔𝐭𝐡 𝐀𝐥𝐥 𝐀𝐛𝐨𝐮𝐭 𝐓𝐮𝐧𝐚 𝐇𝐚𝐧𝐝𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐒𝐮𝐦𝐦𝐢𝐭! 🐟👵👴As part of the 6th All About Tuna Handline Summ...
27/08/2026

📣 𝐕𝐢𝐬𝐢𝐭 𝐭𝐡𝐞 𝐍𝐂𝐒𝐂 𝐗𝐈𝐈 𝐁𝐨𝐨𝐭𝐡 𝐚𝐭 𝐭𝐡𝐞 𝟔𝐭𝐡 𝐀𝐥𝐥 𝐀𝐛𝐨𝐮𝐭 𝐓𝐮𝐧𝐚 𝐇𝐚𝐧𝐝𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐒𝐮𝐦𝐦𝐢𝐭! 🐟👵👴

As part of the 6th All About Tuna Handline Summit on September 2, 2026, at Robinsons Place General Santos, the National Commission of Senior Citizens (NCSC) Region XII invites senior citizens, families, and other stakeholders to visit our booth and learn more about NCSC programs and services.

💙 Services and assistance available at the NCSC XII Booth:

1. Senior Citizens Registration
2. National Senior Citizens ID (NSCID) through the eGovPH App
3. Expanded Centenarians Act (ECA) Application
4. Golden Heart @ Work – Retirement Transition Program
5. Information on Other NCSC Programs and Services

Drop by, ask questions, and get assistance on programs designed to support and empower older persons.

📅 September 2, 2026
📍 Robinsons Place General Santos

See you at the Summit! 🐟💙

𝐍𝐂𝐒𝐂 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧 𝐗𝐈𝐈 𝐒𝐭𝐫𝐞𝐧𝐠𝐭𝐡𝐞𝐧𝐬 𝐂𝐨𝐨𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬 𝐂𝐥𝐨𝐬𝐞𝐫 𝐭𝐨 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧𝐬💛💛The National Commission of Senior C...
26/08/2026

𝐍𝐂𝐒𝐂 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧 𝐗𝐈𝐈 𝐒𝐭𝐫𝐞𝐧𝐠𝐭𝐡𝐞𝐧𝐬 𝐂𝐨𝐨𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬 𝐂𝐥𝐨𝐬𝐞𝐫 𝐭𝐨 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧𝐬💛💛

The National Commission of Senior Citizens (NCSC) Region XII continues to strengthen coordination with local government units and the public to ensure that senior citizens have better access to programs, services, benefits, and information intended for them.

On August 25, 2026, personnel from the Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) and Social Welfare and Development Offices of Tampakan and Tantangan in South Cotabato and Tacurong City and Lebak in Sultan Kudarat, visited the NCSC XII Regional Office in General Santos City for coordination and assistance on senior citizen concerns, including the submission and endorsement of applications under Republic Act No. 11982, or the Expanded Centenarians Act. The office also accommodated inquiries from the public, including concerns on NCSC registration.

Through continued coordination with LGUs and responsive engagement with the public, NCSC Region XII helps facilitate access to senior citizen programs and benefits while providing guidance on processes and requirements. The Commission remains committed to working with its partners and serving senior citizens across SOCCSKSARGEN.



Address

NCSC Region XII Bldg. , P. Acharon Boulevard , Dadiangas South
General Santos City
9500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NCSC - Region XII posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share