28/05/2026
๐ฟ๐ ๐๐๐๐๐๐ผ๐๐๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ผ ๐๐๐๐๐ 5, ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐๐๐ผ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐ ๐๐ฟ
Noong Mayo 26, 2026, matagumpay na isinagawa ng Barangay Health Station (BHS) ng Upper Labay ang programang PuroKalusugan sa Purok 5 Sansapan, Barangay Upper Labay, General Santos City. Ang PuroKalusugan ay isang programang pangkalusugan ng Department of Health (DOH) na layuning mailapit ang mga pangunahing serbisyong medikal at pangkalusugan sa mga komunidad, lalo na sa antas ng mga purok at barangay, upang masigurong mas maraming mamamayan ang mabibigyan ng sapat at maagap na serbisyong pangkalusugan.
Sa naturang aktibidad, ibaโt ibang serbisyong pangkalusugan ang naihatid sa mga residente kabilang ang oral check-up at fluoride varnish para sa oral health, HGT/RBS at blood pressure monitoring para sa regular na pagsusuri ng kalusugan, at pamamahagi ng IEC materials upang higit na mapalawak ang kaalaman ng komunidad ukol sa wastong pangangalaga sa kalusugan.
Nagkaroon din ng pamamahagi ng maintenance medicines para sa mga may hypertension at diabetes, Vitamin A supplementation para sa mga batang edad 6โ59 months, re-weighing ng mga bata upang mabantayan ang kanilang nutrisyon, at pamamahagi ng Iron Folic Acid (IFA) para sa postpartum mothers. Bukod dito, namahagi rin ng gamot para sa mga may ubo at family planning commodities bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng maternal at reproductive health services sa barangay.
Sa kabuuan, 65 na indibidwal ang nabigyan ng serbisyong pangkalusugan para sa mga adult habang 22 bata naman ang nabigyan ng Vitamin A at sumailalim sa re-weighing. Naitala rin ang 21 benepisyaryo para sa oral health services at dalawang katao ang nabigyan ng HPV services.
Naging matagumpay ang aktibidad sa tulong at pakikiisa ng mga BHS Midwife at HRH Nurse, RHU Dentist, mga Barangay Health Workers (BHWs), at ng Kagawad on Health na sama-samang nagsikap upang maihatid ang dekalidad at mas pinalapit na serbisyong pangkalusugan sa komunidad.