18/02/2022
๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ผ ๐ง๐ผ!
๐๐๐ฅ๐๐ ๐ข๐ก๐๐๐ ๐ง๐จ๐ฅ๐ก๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐ก๐ ๐ฒ-๐ฆ๐ธ๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐๐พ๐๐ถ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐ฆ ๐๐๐ก๐ฆ๐๐ก, ๐ ๐๐ง๐๐๐จ๐ ๐ฃ๐๐ฌ!
๐๐๐ฌ๐๐ก๐ข๐ง| Matagumpay na isinagawa ang ceremonial turnover ng mga e-Skwela Equipment para sa DepEd Gensan Alternative Learning System (ALS) ngayong ika-18 ng Pebrero sa Bula District ALS Center na inihandog ng United States Agency for International Development (USAid) Opportunity 2.0 Program, ang nasabing aktibidad ay tinampukan nina Dr. David Hall, Chief of Party Opportunity 2.0 Program; Sean Callahan, USAID Acting Mission Director to the Philippines, Pacific Islands and Mongolia; Assistant Secretary for Alternative Learning System (ALS) G.H Ambat; Dr. Carlito D. Rocafort, CESO V, DepEd SOCCSKSARGEN Regional Director; Dr. Carlos G. Susarno, CESE, DepEd Gensan Assistant Schools Division Superintendent; Juliet F. Lastimosa, Curriculum Implementation Chief-CID at Divison ALS Focal Person, ibaโt ibang stakeholders at mga g**o ng ALS.
Ang USAid ay nagtaguyod ng mga e-Skwela centers sa bansa sa pamamagitan ng programang Opportunity 2.0, bilang suporta sa pagpapatuloy ng DepEd ALS at plano sa pagtugon sa Covid-19, kabilang sa mga nabiyayaan ng nasabing programa ay ang lungsod ng Heneral Santos na nakatanggap ng 60 โhigh-end computer unitsโ mula sa Amerika. Ang Opportunity 2.0 ay isang limang taon (2020-2025) na inisyatiba na naglalayong mapabuti ang pagkatuto ng mga out-of-school Filipino youth lalo na sa learning strand 6 na digital literacy sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga stakeholder mula sa iba't ibang sektor, kabilang na rito ang Technical Education and Skills Development Authority.
Inaasahan na ang mga nasabing kagamitan ay magbibigay ng mainam na suporta sa learning continuity plan ng Department of Education (DepEd) para sa Alternative Learning System (ALS) nito upang mas makapaghatid ng dekalidad at nauugnay na pangalawang pagkakataon na basic education programs para sa mga out-of-school youth lalo na sa panahon ng pandemya.