30/05/2026
ππππππππ | πππ πππππππππ ππππππππ ππ ππππ-πππππ ππππππππ ππ ππππππππππππ ππππ ππ πππ πππππππππππππ ππ ππππππ πππππππ ππ ππππ. πππππππππ, πππππππ ππππππ ππππ
Alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ilapit at pabilisin ang serbisyo publiko sa bawat Pilipino, nagsagawa ang PSA Region XII Sarangani ng home-based National ID registration para sa mga nakabedridden na senior citizen sa Barangay Calumpang, General Santos City.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng pantay na access sa National ID registration ang mga senior citizen na hindi na kayang pumunta sa registration centers dahil sa kanilang kondisyon at limitadong pagkilos. Personal na binisita ng mga kawani ng PSA Region XII Sarangani ang tahanan ng mga kwalipikadong registrant upang maisagawa ang demographic data collection at biometric capture.
Sa pamamagitan ng serbisyong ito, patuloy na inilalapit ng PSA Region XII Sarangani ang mas mabilis, mas accessible, at inklusibong serbisyo publiko sa mga mamamayan, kasabay ng layuning tiyaking walang maiiwan sa implementasyon ng National ID System.