12/05/2026
✨ 𝙄𝙎𝘼𝙉𝙂 𝙏𝘼𝙂𝙐𝙈𝙋𝘼𝙔 𝙋𝘼𝙍𝘼 𝙎𝘼 𝘽𝙐𝙊𝙉𝙂 𝙈𝘼𝙏𝘼𝘼𝙎 𝙉𝘼 𝙆𝘼𝙃𝙊𝙔! ✨
Sa pagtatapos ng Pinagyabong Festival, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta, naniwala, at nakiisa sa Team Mataas Na Kahoy. 🧡
Hindi man natin nakuha ang kampeonato, proud na proud kami na maiuwi ang pagiging pang-𝑨𝑷𝑨𝑻 na pwesto sa competition— bunga ng sipag, tiyaga, puyat, at puso ng bawat miyembro ng team. 💪🔥
Maraming salamat sa aming mga trainers, choreographer, sponsors, supporters, at sa bawat taong naging bahagi ng journey na ito. Ang bawat palakpak, sigaw, at suporta ninyo ang nagsilbing lakas namin sa buong laban. 🙌
Patuloy nating ipapakita na ang Team Mataas Na Kahoy ay hindi lang tungkol sa performance, kundi tungkol sa pagkakaisa, dedikasyon, at pagmamahal sa ating barangay. 💯
Congratulations, Team Mataas Na Kahoy! Hanggang sa susunod na laban! 🏆✨