GMA Culture, History, Arts, and Tourism Office

GMA Culture, History, Arts, and Tourism Office Promoting GMAโ€™s rich heritage, creativity, and tourism through programs that celebrate local culture, history, and the arts.
(1)

Nakiisa ang ating Lakan at Lakambini   2026 sa pamamahagi ng mga school supplies sa mga mag-aaral mula sa iba't ibang pa...
05/06/2026

Nakiisa ang ating Lakan at Lakambini 2026 sa pamamahagi ng mga school supplies sa mga mag-aaral mula sa iba't ibang paaralang elementarya sa bayan ng GMA, Cavite. Ang programang ito ay pinangunahan ng ating butihing Alkalde, Hon. Ed Custodio, kasama ang kanyang maybahay na si Madam Bea Custodio, at mga kinatawan ng LGU upang maiparating ang mga kinakailangang gamit sa paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase ngayong Lunes.

Matagumpay na naisagawa ang gawaing ito, at kitang-kita sa mga ngiti ng mga batang GMAnians ang kanilang saya at pananabik para sa panibagong taon ng pag-aaral.

Mabuhay ang GMA! Mabuhay ang kabataang GMAnians! ๐Ÿ“š๐ŸŽ’โœจ

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ ๐๐€๐“๐€๐“๐€๐๐†๐ˆ๐๐† ๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž๐๐† ๐Š๐€๐’๐”๐Ž๐“๐€๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” โœจ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญBilang bahagi ng pagdiriwang at pagsusulong ng ika-128 Anibersaryo ng Araw n...
01/06/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ ๐๐€๐“๐€๐“๐€๐๐†๐ˆ๐๐† ๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž๐๐† ๐Š๐€๐’๐”๐Ž๐“๐€๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” โœจ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Bilang bahagi ng pagdiriwang at pagsusulong ng ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, inaanyayahan ang lahat ng kawani ng Pamahalaang Bayan ng General Mariano Alvarez na makiisa sa pagpapakita ng pagmamahal sa ating bansa sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga natatanging kasuotang Pilipino.

Layunin ng gawaing ito na buhayin ang ating pagmamalaki sa mayamang kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlang Pilipino sa pamamagitan ng makulay at malikhaing presentasyon ng mga tradisyunal at makabagong kasuotang sumasalamin sa diwang makabayan.

๐Ÿ“… Ang paghusga para sa "Natatanging Pilipinong Kasuotan" ay gaganapin sa ika-15 ng Hunyo 2026 sa panahon ng Flag Raising Ceremony.

Hinihikayat ang bawat kalahok na ipakita ang kanilang pagkamalikhain habang pinananatili ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino at sa diwa ng kalayaan na ipinaglaban ng ating mga bayani.

Sama-sama nating ipagdiwang ang ating kalayaan sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagmamalaki sa ating kultura, at pagpapakita ng tunay na ganda ng pagiging Pilipino.

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Mabuhay ang Kalayaan!
๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Mabuhay ang Kulturang Pilipino!
๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Mabuhay ang General Mariano Alvarez!







๐ŸŒˆโœจ ๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐๐‘๐ˆ๐ƒ๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”! โœจ๐ŸŒˆNgayong buwan ng Hunyo, buong pagmamalaking nakikiisa ang LGU Tourism Office ng Gen...
01/06/2026

๐ŸŒˆโœจ ๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐๐‘๐ˆ๐ƒ๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”! โœจ๐ŸŒˆ

Ngayong buwan ng Hunyo, buong pagmamalaking nakikiisa ang LGU Tourism Office ng General Mariano Alvarez sa pagdiriwang ng Pride Month bilang pagkilala sa pagkakaiba-iba, pagkakapantay-pantay, at karapatan ng bawat isa anuman ang kanilang kasarian, identidad, o sekswal na oryentasyon.

Ang Pride Month ay hindi lamang selebrasyon ng mga kulay ng bahaghari kundi paggunita rin sa katatagan, tapang, at patuloy na pakikibaka ng LGBTQIA+ Community para sa pagtanggap, respeto, at pantay na oportunidad sa lipunan.

Sa ating pagkakaiba-iba ay matatagpuan ang ating lakas bilang isang komunidad. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang buwang ito upang higit nating yakapin ang kultura ng paggalang, pag-unawa, at pagkakaisa. Ang bawat tao ay may karapatang mahalin, pahalagahan, at tanggapin nang buong puso.

Bilang isang pamayanang nagtataguyod ng inklusibong turismo at makataong paglilingkod, patuloy nating isulong ang isang General Mariano Alvarez na bukas sa lahatโ€”isang lugar kung saan ang bawat isa ay may kalayaang ipahayag ang kanilang tunay na pagkatao nang walang takot at pangamba.

Sama-sama nating ipagdiwang ang pagmamahal, pagkakapantay-pantay, at kalayaan.

๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ Maging Matapang.
๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ Maging Totoo sa Sarili.
๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ Maging Instrumento ng Pagkakaisa.
๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ Maging Bahagi ng Pagbabago.

Maligayang Pride Month mula sa LGU Tourism Office ng General Mariano Alvarez!

"Ang pagmamahal ay walang pinipiling kasarian, at ang respeto ay para sa lahat."









๐ŸŒˆโค๏ธ๐Ÿ’›๐Ÿ’š๐Ÿ’™๐Ÿ’œ

๐ŸŽจ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ๐“๐€๐‘๐€ ๐๐€, ๐Œ๐†๐€ ๐†๐Œ๐€๐ง๐ข๐š๐ง๐ฌ! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŽจBilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ngayong 2026, ina...
28/05/2026

๐ŸŽจ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ๐“๐€๐‘๐€ ๐๐€, ๐Œ๐†๐€ ๐†๐Œ๐€๐ง๐ข๐š๐ง๐ฌ! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŽจ

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ngayong 2026, inaanyayahan ang lahat ng mamamayan ng General Mariano Alvarez na makilahok sa makulay at makasaysayang aktibidad na:

โœจ โ€œ๐Œ๐ฎ๐ซ๐š๐ฅ ๐–๐š๐ฅ๐ค: ๐Š๐ฎ๐ฅ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐Š๐š๐ฎ๐ง๐ฅ๐š๐ซ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐š๐งโ€ โœจ

Ipamalas ang inyong talento, pagkamalikhain, at pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng sining na sumasalamin sa ating kasaysayan, pagkakaisa, pag-unlad, at kalayaan bilang isang bansang Pilipino.

๐Ÿ“Œ Bukas ito para sa lahat ng GMAnians na nais maging bahagi ng makabuluhang selebrasyong ito!

๐Ÿ“ Para sa mga katanungan at pagpaparehistro, bumisita lamang sa Tourism Office at hanapin si Ms. Jamila Agbon.

๐Ÿ—“๏ธ Ang pagpaparehistro ng mga kalahok ay magsisimula sa June 1 hanggang June 10, 2026.

- Champion Php 20,000
Certificate of Recognition and Signature Seal/ Artist mark of recognition on the mural.

- Consolation Prize for Non-winners

Sama-sama nating bigyang kulay ang ating kasaysayan at ipagdiwang ang diwa ng kasarinlan!

๐ŸŽ‰ Mabuhay ang Bansang Malaya!
๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Mabuhay ang Pilipinas! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ





Sa pangunguna ng ๐†๐Œ๐€ ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐๐จ๐ฅ๐ข๐œ๐ž, katuwang ang ๐‹๐จ๐ค๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐†๐ž๐ง๐ž๐ซ๐š๐ฅ ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š๐ง๐จ ๐€๐ฅ๐ฏ๐š๐ซ๐ž๐ณ, matagumpay na isinag...
28/05/2026

Sa pangunguna ng ๐†๐Œ๐€ ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐๐จ๐ฅ๐ข๐œ๐ž, katuwang ang ๐‹๐จ๐ค๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐†๐ž๐ง๐ž๐ซ๐š๐ฅ ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š๐ง๐จ ๐€๐ฅ๐ฏ๐š๐ซ๐ž๐ณ, matagumpay na isinagawa ang isang Flag Raising Ceremony bilang pakikiisa sa paggunita ng ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐…๐ฅ๐š๐  ๐ƒ๐š๐ฒ.

Sa panahong ito, ating pinararangalan at binibigyang-halaga ang ating pambansang watawat โ€” hindi lamang sa simpleng pagwawagayway nito, kundi sa pamamagitan ng mga gawaing nagpapakita ng tunay na malasakit, pagkakaisa, at diwa ng makabayang pagmamahal sa Pilipinas.

Nawaโ€™y magsilbing paalala ang ating watawat ng mga sakripisyo ng mga bayani at inspirasyon upang patuloy nating isabuhay ang katapatan, disiplina, at serbisyo para sa bayan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ๐€๐ฅ๐š๐ฆ ๐ฆ๐จ ๐›๐š?
๐—ฃ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€ (๐—ก๐—›๐—–๐—ฃ) ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ฟ ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ฎ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐—ฒ ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐˜„๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€. ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฟ๐—ถ๐—ป ๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ (๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ) ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ.

Mabuhay ang Watawat ng Pilipinas! Mabuhay ang Sambayanang Pilipino! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ







๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ : May 28 - June 12, 2026

โœจAng kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning, ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŒžAng bituin at araw niya, kailan pa ma'y di magdidilim.๐ŸŽถAng Pam...
27/05/2026

โœจAng kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning, ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ
๐ŸŒžAng bituin at araw niya, kailan pa ma'y di magdidilim.๐ŸŽถ

Ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining ay nakikiisa sa paggunita ng National Flag Days mula 28 Mayo hanggang 12 Hunyo, bilang pagpupugay sa kasaysayan, pagkakaisa, at diwa ng ating pagka-Pilipino.

Sa panahong ito, hinihikayat ang lahat na maayos na itaas, ipakita, at igalang ang Pambansang Watawat sa mga tahanan, tanggapan, at pampublikong pookโ€”bilang tanda ng ating malasakit at pagpapahalaga sa mga sakripisyong nagbunsod ng ating kalayaan.

Ayon sa Sagisag Kultura ng Pilipinas (2013), ang Pambansรขng Watรขwat ay unang iwinagayway sa Kawit, Cavite noong 12 Hunyo 1898 bilang simbolo ng ating kalayaan mula sa pananakop. Si Marcela Mariรฑo de Agoncillo, isang babaeng may pagmamahal sa bayan na may talento sa pananahi, ang pinakiusapan ni Hen. Emilio Aguinaldo na gawin ang watawat. Ang disenyo nitรณ ay nagmula sa masuring diskusyon at pag-aaral ni Aguinaldo kasรกma ang iba pang mga pinunรฒ, at tinawag nilรก itong โ€œAng Araw at Mga Bituin.โ€ Ang bawat kulay, hugis, at disenyo ng watawat ay may simbolong kaakibat. Ang putรฎng triyanggulo sa kaliwa ay sumasagisag ng pag-asa sa pagkakapantay-pantay, ang asul na kulay sa itaas ay sumisimbolo ng kapayapaan, katotohanan, at hustisya, hรกbang ang pulรกng kulay sa ibabรข ay nangangahulugan ng pagmamahal sa bayan at kagitingan. Ang araw sa gitna ng putรฎng triyanggulo ay may walong sinag na kumakatawan sa unang walong probinsiya na lumaban sa Espanya: Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, at Batangas. Hรกbang ang tatlong bituin sa bawat sulok ng tatsulok ay kumatakatawan sa tatlong pangunahing pulรด sa ating bansa: ang Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ang watawat ay hindi lamang sagisag ng bansa, kundi paalala ng ating kolektibong kasaysayan at patuloy na paghubog ng ating kinabukasan bilang isang sambayanan.

Itaas natin ito nang may dangal at paggalang.




Nakiisa ang ating Lakambini ng GMA 2026 na si Ms. Jazmire Rhianne Tuyado sa isinagawang School Supplies Distribution sa ...
27/05/2026

Nakiisa ang ating Lakambini ng GMA 2026 na si Ms. Jazmire Rhianne Tuyado sa isinagawang School Supplies Distribution sa Barangay Olaes sa pangunguna ng kanilang Punong Barangay, kasama ang mga organisasyon at ang Sangguniang Kabataan ng barangay. Layunin ng programang ito na makapaghatid ng mga gamit pang-eskwela sa mga kabataang taga-Olaes bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Ipinakita ni Jazmire Rhianne Tuyado ang kanyang buong suporta sa adbokasiya para sa edukasyon at kapakanan ng mga kabataan. Sa pamamagitan ng simpleng pagbibigay ng school supplies, nabibigyan ng inspirasyon at pag-asa ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng mga hamon sa buhay.

Ang gawaing ito ay sumasalamin sa layunin ng ating Lakambini na isulong ang maayos at pantay na edukasyon para sa lahat. Patunay lamang ito na sa tulong ng pagkakaisa ng pamahalaang barangay, mga organisasyon, at kabataan, mas marami pang kabataang Pilipino ang maaabot at matutulungan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Mabuhay ang kabataang GMAnians !
Edukasyon para sa lahat โค๏ธ

๐Ÿ“ธ : Ms Jazmire Rhianne Tuyado

Eid Mubarak! ๐ŸŒ™Isang mataimtim na pagdiriwang ng Eidโ€™l Adha sa ating mga kapatid na Muslim.Ngayong araw, isinasabuhay ng ...
27/05/2026

Eid Mubarak! ๐ŸŒ™

Isang mataimtim na pagdiriwang ng Eidโ€™l Adha sa ating mga kapatid na Muslim.

Ngayong araw, isinasabuhay ng mga kapatid natin ang halaga ng pagsasakrispisyo. Nawaโ€™y magsilbing paalala ang banal na pagdiriwang na ito ng kahalagahan ng pananampalataya, sakripisyo, malasakit, at pagkakaisa sa ating mga pamayanan.

Kaisa ang bayan sa paggalang sa mayamang kultura at tradisyong patuloy na nagpapatibay sa ating pagkakakilanlan bilang isang bansang may pagkakaiba-iba ngunit nagkakaisa.

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Bilang huling linggo ng Mayo, muling nagsama-sama ang lahat ng ahensya ng ๐‹๐จ๐ค๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐†๐ž๐ง๐ž๐ซ๐š๐ฅ ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š๐ง๐จ ๐€๐ฅ๐ฏ๐š...
25/05/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Bilang huling linggo ng Mayo, muling nagsama-sama ang lahat ng ahensya ng ๐‹๐จ๐ค๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐†๐ž๐ง๐ž๐ซ๐š๐ฅ ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š๐ง๐จ ๐€๐ฅ๐ฏ๐š๐ซ๐ž๐ณ sa isinagawang ๐™๐™ก๐™–๐™œ ๐™๐™–๐™ž๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐™š๐™ง๐™š๐™ข๐™ค๐™ฃ๐™ฎ ngayong araw, Mayo 25, 2026, ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐ข๐ฆ๐›๐จ๐ฅ๐จ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š, ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ๐ฅ๐ข๐ง๐š, ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐†๐Œ๐€๐ง๐ข๐š๐ง๐ฌ. Dinaluhan ito ng ating butihing ๐๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ฒ๐š๐ง kasama ang mga kinatawan ng ๐‹๐ž๐ ๐ข๐ฌ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž at ibaโ€™t ibang tanggapan ng munisipyo.

๐ŸŽถ Tampok din sa programa ang kahanga-hangang pagtatanghal ng ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™‚๐™–๐™—๐™ง๐™ž๐™š๐™ก ๐™€๐™ก๐™š๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ง๐™ฎ ๐™Ž๐™˜๐™๐™ค๐™ค๐™ก โ€“ ๐™‚๐™ง๐™š๐™š๐™ฃ ๐™‡๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™จ ๐˜ฟ๐™ง๐™ช๐™ข ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™‡๐™ฎ๐™ง๐™š ๐˜ฝ๐™–๐™ฃ๐™™ na pinarangalan dahil sa kanilang natamong tagumpay bilang ๐Ÿฅˆ 2๐’๐’… ๐‘ท๐’๐’‚๐’„๐’† โ€“ ๐‘ช๐’๐’‚๐’”๐’” ๐‘ฉ ๐‘ฌ๐’๐’†๐’Ž๐’†๐’๐’•๐’‚๐’“๐’š ๐‘ช๐’‚๐’•๐’†๐’ˆ๐’๐’“๐’š ๐’”๐’‚ ๐’ˆ๐’Š๐’๐’‚๐’๐’‚๐’‘ ๐’๐’‚ 7๐’•๐’‰ ๐‘ซ๐‘ฉ๐‘ช๐‘ถ๐‘ท๐‘ฐ ๐‘ต๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’๐’‚๐’ ๐‘ช๐’๐’Ž๐’‘๐’†๐’•๐’Š๐’•๐’Š๐’๐’. Tunay na ipinamalas ng ating mga kabataan ang kanilang talento, disiplina, at dedikasyon na nagbibigay karangalan sa ating bayan.

โ™Ÿ๏ธ Kinilala rin natin si ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฏ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฟ๐˜‡๐˜‚๐—ฒ๐—น๐—ผ para sa kanyang natatanging tagumpay bilang ๐—™๐—œ๐—ฅ๐—ฆ๐—ง ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐— ๐—”๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—ก๐—ข๐—ฅ๐—  ๐—›๐—ข๐—Ÿ๐——๐—˜๐—ฅ, gayundin sa pagkamit ng ๐Ÿฅ‰๐Ÿฏ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฎ๐˜ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—Ÿ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น sa ginanap na 2๐’๐’… ๐‘ด๐’‚๐’๐’๐’๐’๐’” ๐‘ช๐’Š๐’•๐’š ๐‘ญ๐‘ฐ๐‘ซ๐‘ฌ ๐‘น๐’‚๐’•๐’†๐’… ๐‘ผ2099 ๐‘บ๐’•๐’‚๐’๐’…๐’‚๐’“๐’… ๐‘ช๐’‰๐’†๐’”๐’”. Isa siyang inspirasyon sa mga kabataang GMAnians na patuloy na nangangarap at nagsisikap upang maabot ang kanilang mga mithiin.

๐Ÿ‘ Patuloy nating ipagmalaki at suportahan ang ating mga kababayan na nagbibigay dangal sa General Mariano Alvarez sa larangan ng musika, sining, akademya, at palakasan. Sama-sama nating itaguyod ang husay at tagumpay ng bawat GMAnian!




Address

General Mariano Alverez, Cavite
General Mariano Alvarez
4117

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GMA Culture, History, Arts, and Tourism Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share