23/08/2023
𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 🤸 𝐏𝐀 🤸 𝐊𝐀𝐌𝐈 🤸 𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 🤸 𝐁𝐄𝐒𝐇𝐘 🤸 𝐊𝐎!?
𝟯 𝗶𝗻 𝗢𝗻𝗲 𝗣𝗹𝘂𝘀 𝟭 𝗣𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗻𝗶 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗮𝗹𝗮 𝗘𝗹𝗶𝘇𝗮𝗯𝗲𝘁𝗵 𝗠. 𝗧𝗶𝗼𝗻𝗴𝘀𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗦𝗞𝗖 𝗔𝘀𝗽𝗶𝗿𝗮𝗻𝘁, 𝗛𝗮𝗿𝘃𝗲𝘆 𝗧. 𝗖𝗼𝗿𝗼𝗻𝗲𝗹, 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗗𝗮𝗰𝗼𝗻 (𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐓𝐢𝐨𝐧𝐠𝐬𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐂𝐨𝐫𝐨𝐧𝐞𝐥).
𝟭. 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗦𝘂𝗽𝗽𝗹𝗶𝗲𝘀 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗛𝗼𝗽𝗲 𝗼𝗻 𝗪𝗵𝗲𝗲𝗹𝘀 (𝗞𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝗹 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹) 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝗽𝗼𝗻𝘀𝗼𝗿.
Ipinapakilos ng proyektong ito ang pagkakaloob ng mga school supplies mula sa Hope on Wheels at iba pang mga sponsor para sa ating mga mag-aaral. Magiging mas magaan at mas makabuluhan ang kanilang pagbabalik-eskwela!
PS: Nais naming bigyan ng oportunidad ang mga nangangailangan lamang. Kaya naman, nagkakaroon tayo ng Stab para sa School Supplies at nakapagbigay na po kami. Ito po ay nangyari noong kami nagiikot at nangangalakal, kasabay po ng paghingi namin ng inyong munting kalakal. Sa mga nabigyan ng Stab, maari na lamang po sumunod sa nakatakdang oras.
𝟮. 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗚𝘂𝗽𝗶𝘁
Handog ng proyektong ito ang libreng gupit para sa lahat! Dala ang mga magagaling na barberong handang mag-alaga ng inyong mga buhok. Tara na at magpa-gupit na may kasamang saya at para fresh ngayong pasukan!
𝟯. 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗰𝗸 𝗠𝗮𝘀𝘀𝗮𝗴𝗲
Magkaroon ng pagkakataon na magpahinga at magrelaks sa pamamagitan ng libreng back massage! Isang paraan para alisin ang pagod at stress sa ating katawan.
𝟰. 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗜𝗗 𝗣𝗶𝗰𝘁𝘂𝗿𝗲𝘀 𝗮𝘁 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗧𝘆𝗽𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗣𝗿𝗶𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗥𝗲𝘀𝘂𝗺𝗲 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻.
Para sa mga naghahanap ng trabaho o nagbabalak mag-apply, heto na ang inyong pagkakataon! Magkaroon ng libreng ID picture at tulong sa pagsusulat at pag-print ng inyong resume kasama ang larawan. Siguradong magiging malaking tulong ito sa inyong job application!
Tara na't makiisa sa mga kaganapan na ito! Ipinapaabot namin ang mainit na imbitasyon sa inyong lahat na dumalo at makibahagi sa mga libreng serbisyong handog ng 3 sa 1 Plus 1 Proyekto. Muli paalala, 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗲, 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗲. Maraming salamat sa inyong suporta at pagkakaroon ng malasakit sa ating komunidad!
#𝟑𝐢𝐧𝐎𝐧𝐞𝐏𝐥𝐮𝐬𝟏
#𝐒𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐠𝐃𝐚𝐜𝐨𝐧
#𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐞𝐬𝐢𝐛𝐨𝐧𝐠𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨