Barangay Mataas Na Kahoy

Barangay Mataas Na Kahoy Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Mataas Na Kahoy, Government Organization, Mataas Na Kahoy, General Mamerto Natividad.

Available na po dito sa ating Barangay Health Center ang mga vitamis at gamot na pambata galing po sa Kapitolyo.
31/07/2025

Available na po dito sa ating Barangay Health Center ang mga vitamis at gamot na pambata galing po sa Kapitolyo.

28/07/2025

Nanawagan po si JONATHAN GARBO sa kung sino man po ang nakapansin o nakapulot ng kanyang bracelet na maaari daw po niyang nahulog sa Elementary School kaninang hapon nung siya po sumundo sa kanyang anak. Siya po ay handang magbigay ng pabuya sa makapagbabalik o makakapagsauli nito sa kanya.

Narito po ang Schedule ng Barangay Registration para po sa kaalaman ng lahat. Sa atin pong mga kabarangay  na nais magpa...
28/07/2025

Narito po ang Schedule ng Barangay Registration para po sa kaalaman ng lahat. Sa atin pong mga kabarangay na nais magparehistro ay maaari pong magsadya sa Comelec Office sa August 3, 2025.

Naimbitahan ng Senior Citizens Association ang ating butihing Kapitan Chito Lopez Carangan bilang Panauhing Tagapagsalit...
27/07/2025

Naimbitahan ng Senior Citizens Association ang ating butihing Kapitan Chito Lopez Carangan bilang Panauhing Tagapagsalita sa kanilang General Assembly ngayong hapon na ginanap s ating Gym.
Tinalakay ng ating Kapitan ang patuloy at buong suporta ng Sangguniang Barangay ng Mataas Na Kahoy sa ating mga senior citizens.

Nagkaroon ng emergency meeting ang buong Sangguniang Barangay kaninang hapon upang pag usapan ang gagawing kahandaan sa ...
24/07/2025

Nagkaroon ng emergency meeting ang buong Sangguniang Barangay kaninang hapon upang pag usapan ang gagawing kahandaan sa mga nararanasan habagat at parating na bagyo sa pangunguna ng ating Kapitan na si Chito Lopez Carangan. Patuloy po ang pag patrolya ng ating mga Bantay Bayan upang bantayan ang mga pamilya at lugar na posibleng bahain. Nakahanda po ang ating Event Center upang pansamantalang maging evacuation center kung sakali man pong may mga kabarangay tayong masasalanta ng bagyo. Nawa'y maging ligtas po tayong lahat.

24/07/2025

Kung sino man po ang nakapulot ng sling bag brown na naglalaman ng mahahalagang ID's na pag aari ni JERAMAE CASTANEDA kung maaari po sana ay maisoli sa kanya.Maraming Salamat po!

Bilang bahagi sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, inilunsad ng ating Barangay  ang Feeding Program  para sa mga mag-aa...
14/07/2025

Bilang bahagi sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, inilunsad ng ating Barangay ang Feeding Program para sa mga mag-aaral ng ating Day Care Center sa tulong ng ating mga masisipag na Barangay Health Workers at ng kanilang g**o na si Ma'am Regina Gante. Kasama sa pagdaraos ng programa ang ating butihing Kapitan Chito L. Carangan ay Kagawad Corazon Daypo na siyang nangangasiwa sa committee ng Kalusugan.

Buwanang bakuna upang masigurado ang magandang kalusugan para sa mga sanggol sa ating baranggay sa tulong ng Rural Healt...
14/07/2025

Buwanang bakuna upang masigurado ang magandang kalusugan para sa mga sanggol sa ating baranggay sa tulong ng Rural Health Unit nurses kasama ang lahat ng mga Barangay Health Workers. Maraming Salamat po!

Magandang araw po mga ka Baranggay!Ang Provincial D.A. ay darating po sa ating Municipal Oval sa darating na Martes July...
13/07/2025

Magandang araw po mga ka Baranggay!

Ang Provincial D.A. ay darating po sa ating Municipal Oval sa darating na Martes July 15, 2025 sa ganap na ika - 1:00 ng hapon upang magpamigay ng libreng liquid fertilizer para sa mga pangalan na nkatala, mangyari na pumunta ang mga nasabing mga magsasaka na nasa listahan.

Magdala lang po ng valid ID at kung hindi makakapunta ang nasa pangalan ay maari itong ipakuha sa kamag anak o kapamilya dalhin lamang ang ID ng nakapangalan...

Maraming salamat po!

Nananawagan po kami kung sino man po ang nakakita o nakapulot ng cellphone ni John Carlo Tomas na nawala daw po kaninang...
11/07/2025

Nananawagan po kami kung sino man po ang nakakita o nakapulot ng cellphone ni John Carlo Tomas na nawala daw po kaninang hapon sa High School. Maaari po lamang na isauli po ito sa kanya.

Address

Mataas Na Kahoy
General Mamerto Natividad

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Mataas Na Kahoy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share