28/01/2026
PABATID
Magandang gabi po, mga Kapatid.
Ang Pamahalaang Barangay ng Picaleon ay humihingi ng paumanhin sa abalang naidudulot ng isinasagawang proyekto. Nais po naming ipaalam na ang inyong lingkod ay nakipag-ugnayan na sa kinauukulang contractor, at sila po ay nangakong babalikan at aayusin ang mga nakonkretong kalsada na nagkaroon ng problema.
Para rin po sa kaalaman ng nakararami, ang proyektong ito ay nagmula sa Pamahalaang Panlalawigan; kaya’t wala pong direktang pondong hinahawakan ang Pamahalaang Barangay para sa nasabing proyekto.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikiisa.