DARMO Gasan-Buenavista Cluster

DARMO Gasan-Buenavista Cluster ๐™ˆ๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™˜๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ก ๐˜ผ๐™œ๐™ง๐™–๐™ง๐™ž๐™–๐™ฃ ๐™๐™š๐™›๐™ค๐™ง๐™ข ๐™Š๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™š ๐™ค๐™› ๐™‚๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐˜ฝ๐™ช๐™š๐™ฃ๐™–๐™ซ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ช๐™ฆ๐™ช๐™š

๐‘บ๐‘ฐ๐‘ฉ๐’” | ๐‘ถ๐’“๐’ˆ๐’‚๐’๐’Š๐’›๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’๐’‚๐’ ๐‘ด๐’‚๐’๐’‚๐’ˆ๐’†๐’Ž๐’†๐’๐’• ๐’‚๐’๐’… ๐‘ฎ๐’๐’—๐’†๐’“๐’๐’‚๐’๐’„๐’†Noong ika-19 ng Mayo 2026, matagumpay na naisagawa ang pagsasanay tungkol...
25/05/2026

๐‘บ๐‘ฐ๐‘ฉ๐’” | ๐‘ถ๐’“๐’ˆ๐’‚๐’๐’Š๐’›๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’๐’‚๐’ ๐‘ด๐’‚๐’๐’‚๐’ˆ๐’†๐’Ž๐’†๐’๐’• ๐’‚๐’๐’… ๐‘ฎ๐’๐’—๐’†๐’“๐’๐’‚๐’๐’„๐’†

Noong ika-19 ng Mayo 2026, matagumpay na naisagawa ang pagsasanay tungkol sa ๐™Š๐™ง๐™œ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฏ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™–๐™œ๐™š๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™‚๐™ค๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™˜๐™š para sa ๐™Ž๐™–๐™ง๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ž๐™ ๐™–๐™ฅ ๐™๐™–๐™ง๐™ข๐™š๐™ง๐™จ ๐˜ผ๐™จ๐™จ๐™ค๐™˜๐™ž๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ (๐™Ž๐™Ž๐™๐˜ผ) sa Sitio Daat, Brgy. Sihi, Buenavista, Marinduque.

Layunin ng pagsasanay na ito na mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga miyembro at opisyal ng samahan sa wastong pamamahala at epektibong pamumuno upang mapabuti ang operasyon, pagpapasya, at pagtupad sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad. Nilalayon din nitong maisulong ang maayos at responsableng pamamahala tungo sa patuloy na pag-unlad ng samahan.

๐‘บ๐‘ฐ๐‘ฉ๐’” | ๐‘บ๐’•๐’“๐’‚๐’•๐’†๐’ˆ๐’Š๐’„ ๐‘ซ๐’†๐’—๐’†๐’๐’๐’‘๐’Ž๐’†๐’๐’• ๐‘ท๐’๐’‚๐’๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘พ๐’๐’“๐’Œ๐’”๐’‰๐’๐’‘ (๐‘บ๐‘ซ๐‘ท๐‘พ)Matagumpay na naisagawa ang Strategic Development Planning Workshop...
24/05/2026

๐‘บ๐‘ฐ๐‘ฉ๐’” | ๐‘บ๐’•๐’“๐’‚๐’•๐’†๐’ˆ๐’Š๐’„ ๐‘ซ๐’†๐’—๐’†๐’๐’๐’‘๐’Ž๐’†๐’๐’• ๐‘ท๐’๐’‚๐’๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘พ๐’๐’“๐’Œ๐’”๐’‰๐’๐’‘ (๐‘บ๐‘ซ๐‘ท๐‘พ)

Matagumpay na naisagawa ang Strategic Development Planning Workshop ng Malbog Multi-Purpose Farmers Cooperative (MMPFC) noong Mayo 11โ€“12, 2026 sa Brgy. Malbog, Buenavista.

Ang nasabing pagsasanay ay napakahalaga sapagkat nagsisilbi itong gabay ng samahan sa pagbuo ng malinaw na direksyon, layunin, at mga estratehiya para sa pangmatagalang pag-unlad. Sa pamamagitan nito, nabibigyang pagkakataon ang mga miyembro na masuri ang kasalukuyang kalagayan ng kanilang kooperatiba, matukoy ang mga hamon at oportunidad, at makabuo ng mga konkretong plano at programa na makatutulong sa paglago at pagpapatatag ng samahan.

Patuloy ang pagsisikap ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan sa pagpapalakas ng samahan sa pamamagitan ng mga gawaing magpapataas ng kakayahan ng mga miyembro at magtataguyod ng pagkakaisa, maayos na pamamahala, at pangmatagalang kaunlaran.

๐‘บ๐‘ฐ๐‘ฉ๐’” ๐‘ป๐’“๐’‚๐’Š๐’๐’Š๐’๐’ˆ: ๐‘บ๐’•๐’“๐’‚๐’•๐’†๐’ˆ๐’Š๐’„ ๐‘ซ๐’†๐’—๐’†๐’๐’๐’‘๐’Ž๐’†๐’๐’• ๐‘ท๐’๐’‚๐’๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘พ๐’๐’“๐’Œ๐’”๐’‰๐’๐’‘ (๐‘บ๐‘ซ๐‘ท๐‘พ)Nagsagawa ng Strategic Development Planning Workshop (SDPW)...
23/05/2026

๐‘บ๐‘ฐ๐‘ฉ๐’” ๐‘ป๐’“๐’‚๐’Š๐’๐’Š๐’๐’ˆ: ๐‘บ๐’•๐’“๐’‚๐’•๐’†๐’ˆ๐’Š๐’„ ๐‘ซ๐’†๐’—๐’†๐’๐’๐’‘๐’Ž๐’†๐’๐’• ๐‘ท๐’๐’‚๐’๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘พ๐’๐’“๐’Œ๐’”๐’‰๐’๐’‘ (๐‘บ๐‘ซ๐‘ท๐‘พ)

Nagsagawa ng Strategic Development Planning Workshop (SDPW) ang Buklurang Itinatag ng Mamamayan ng Daykitin (BIDA) Tungo sa Pag-unlad Agriculture Cooperative noong Mayo 7โ€“8, 2026 sa Daykitin, Buenavista, Marinduque.

Layunin ng nasabing pagsasanay na matulungan ang samahan sa pagbuo ng malinaw na direksyon, mga layunin, at mga estratehiya para sa patuloy na paglago at pag-unlad ng kanilang ARBO. Mahalaga ang Strategic Development Planning sapagkat nagsisilbi itong gabay ng samahan sa pagtukoy ng kanilang mga prayoridad, wastong paggamit ng mga yaman, at pagbuo ng mga plano at programang makatutugon sa pangangailangan ng kanilang mga miyembro.

Sa pamamagitan nito, higit na napapalakas ang kapasidad ng samahan sa paggawa ng mga desisyong pang-organisasyon at napapanatili ang maayos, epektibo, at pangmatagalang pagpapatakbo ng kanilang kooperatiba.

๐Ÿ“๐Ž๐œ๐ฎ๐ฅ๐š๐ซ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง & ๐’๐๐‹๐ˆ๐“ ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐‘๐ž๐ฏ๐š๐ฅ๐ข๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐Ÿ—“๏ธ Ika-29 ng Abril 2026Isinagawa ng DARMO Gasanโ€“Buenavista Cluster ang Oc...
23/05/2026

๐Ÿ“๐Ž๐œ๐ฎ๐ฅ๐š๐ซ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง & ๐’๐๐‹๐ˆ๐“ ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐‘๐ž๐ฏ๐š๐ฅ๐ข๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง
๐Ÿ—“๏ธ Ika-29 ng Abril 2026

Isinagawa ng DARMO Gasanโ€“Buenavista Cluster ang Ocular Inspection para sa DAR Clearance alinsunod sa Administrative Order No. 8 sa Bangbang, Gasan.

Kasabay nito, isinagawa rin ang Revalidation para sa SPLIT Project sa mga barangay Yook at Bicas-bicas, Buenavista, Marinduque.

โœ… Layunin ng mga aktibidad na ito na masiguro ang tamang implementasyon ng mga programa ng DAR, partikular sa land tenure improvement at sa patuloy na pagpapalakas ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs).

๐Ÿค Ang mga gawain ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan at mga benepisyaryo upang matiyak ang transparency, legalidad, at kaayusan ng proseso.

โœจ Patuloy ang DARMO Gasanโ€“Buenavista Cluster sa pagbibigay ng serbisyo tungo sa mas makatarungan at mas maunlad na pamayanan.

๐๐๐๐Œ๐๐‚ ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐’๐ฉ๐ž๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  ๐š๐ญ ๐‘๐ž๐จ๐ซ๐ ๐š๐ง๐ข๐ณ๐š๐ญ๐ข๐จ๐งMatagumpay na naisagawa noong Mayo 6, 2026 ang โ€œ๐™Ž๐™ฅ๐™š๐™˜๐™ž๐™–๐™ก ๐™ˆ๐™š๐™š๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œโ€ ng...
23/05/2026

๐๐๐๐Œ๐๐‚ ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐’๐ฉ๐ž๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  ๐š๐ญ ๐‘๐ž๐จ๐ซ๐ ๐š๐ง๐ข๐ณ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง

Matagumpay na naisagawa noong Mayo 6, 2026 ang โ€œ๐™Ž๐™ฅ๐™š๐™˜๐™ž๐™–๐™ก ๐™ˆ๐™š๐™š๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œโ€ ng ๐˜ฝ๐™ช๐™š๐™ฃ๐™–๐™ซ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™– ๐˜ฝ๐™–๐™œ๐™ค๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ง๐™ค๐™™๐™ช๐™˜๐™š๐™ง๐™จ ๐™ˆ๐™ช๐™ก๐™ฉ๐™ž-๐™‹๐™ช๐™ง๐™ฅ๐™ค๐™จ๐™š ๐˜พ๐™ค๐™ค๐™ฅ๐™š๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ซ๐™š (๐˜ฝ๐˜ฝ๐™‹๐™ˆ๐™‹๐˜พ) sa kanilang Shared Service Facility sa Sitio Escolta, Brgy. Libas, Buenavista.

Layunin ng pagpupulong na maibahagi sa bawat miyembro ang mga updates hinggil sa kasalukuyang kalagayan at mga aktibidad ng samahan. Nagsagawa rin ng halalan para sa mga bagong mamumuno ng samahan bilang bahagi ng reorganisasyon. Isang mahalagang hakbang ito upang higit na mapalakas ang pamamahala at mapanatili ang pagkakaisa ng samahan.

Patuloy ang Pambayang Tanggapan ng Repormang Pansakahan ng Gasan/Buenavista Cluster sa pagbibigay ng suporta at pagpapatibay sa bawat Agrarian Reform Beneficiaries Organization (ARBO) tungo sa mas matatag at maunlad na samahan.

๐๐€๐Š๐ˆ๐Š๐ˆ๐ˆ๐’๐€ ๐€๐“ ๐๐€๐†๐๐”๐๐”๐†๐€๐˜ ๐š๐ง๐  ๐ƒ๐€๐‘๐Œ๐Ž ๐†๐š๐ฌ๐š๐ง-๐๐ฎ๐ž๐ง๐š๐ฏ๐ข๐ฌ๐ญ๐š ๐‚๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€ ๐€๐“ ๐Œ๐€๐๐†๐ˆ๐๐†๐ˆ๐’๐ƒ๐€ 2026Sa bi...
18/05/2026

๐๐€๐Š๐ˆ๐Š๐ˆ๐ˆ๐’๐€ ๐€๐“ ๐๐€๐†๐๐”๐๐”๐†๐€๐˜ ๐š๐ง๐  ๐ƒ๐€๐‘๐Œ๐Ž ๐†๐š๐ฌ๐š๐ง-๐๐ฎ๐ž๐ง๐š๐ฏ๐ข๐ฌ๐ญ๐š ๐‚๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€ ๐€๐“ ๐Œ๐€๐๐†๐ˆ๐๐†๐ˆ๐’๐ƒ๐€ 2026

Sa bisa ng "๐‘ท๐’“๐’†๐’”๐’Š๐’…๐’†๐’๐’•๐’Š๐’‚๐’ ๐‘ท๐’“๐’๐’„๐’๐’‚๐’Ž๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ ๐‘ต๐’. 33, ๐’”. 1989", ipinagdiriwang tuwing buwan ng Mayo ang Buwan ng Magsasaka at Mangingisda โ€” bilang pagkilala sa kanilang walang sawang pagsisikap, sakripisyo, at pagsisikap na magkaroon ng pagkain sa bawat hapag.

Ang DARMO Gasanโ€“Buenavista Cluster ay taos-pusong nagpupugay sa ating mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs), Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs), at lahat ng mga magsasaka at mangingisda na patuloy na nagsusulong ng pag-unlad sa ating mga komunidad.

Ang inyong pawis ay binhi ng pag-asa, ang inyong mga kamay ay sandigan ng kabuhayan, at ang inyong dedikasyon ay inspirasyon sa bawat Pilipino.

Sama-sama nating ipagdiwang ang buwang ito bilang patunay na ang tunay na pag-unlad ay nagsisimula sa lupa at dagat โ€” sa mga taong walang sawang nagbubungkal, nangingisda, at nagmamahal sa kapwa Pilipino.

๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ ๐ฉ๐จ ๐ฌ๐š ๐ข๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ, ๐ฌ๐š๐ค๐ซ๐ข๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ, ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฒ๐š๐ง!

13/05/2026
๐ŸŒฑโœจ ๐๐š๐ ๐›๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐•๐ž๐ ๐ž๐ญ๐š๐›๐ฅ๐ž ๐๐ซ๐จ๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง Site ๐ง๐  ๐๐ˆ๐…๐€๐‚๐Žโœจ๐ŸŒฑ  Noong Mayo 5, 2026, isinagawa ng mga Development Facilitators (DF...
12/05/2026

๐ŸŒฑโœจ ๐๐š๐ ๐›๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐•๐ž๐ ๐ž๐ญ๐š๐›๐ฅ๐ž ๐๐ซ๐จ๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง Site ๐ง๐  ๐๐ˆ๐…๐€๐‚๐Žโœจ๐ŸŒฑ

Noong Mayo 5, 2026, isinagawa ng mga Development Facilitators (DF) mula sa DARMO Gasan-Buenavista Cluster ang pagbisita sa vegetable production site ng ๐˜ฝ๐™–๐™˜๐™๐™–๐™ค-๐™„๐™ก๐™–๐™ฎ๐™– ๐™๐™–๐™ง๐™ข๐™š๐™ง๐™จ ๐˜พ๐™ค๐™ค๐™ฅ๐™š๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ซ๐™š (๐˜ฝ๐™„๐™๐˜ผ๐˜พ๐™Š) sa Bachao-Ilaya, Gasan, Marinduque.

Ang BIFACO ay isa sa mga Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) na patuloy na inaasistihan ng DAR. Kabilang din sila sa mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Support (SLS) Project, kung saan nakapaloob ang pagtatayo ng SLS site na humigit-kumulang 1,000 metro kwadrado bilang suporta sa kanilang produktibong kabuhayan. Ang programa ay pinapamahalaan ni Joel Quinto, Agrarian Reform Program Officer I (ARPO I) ng DAR Marinduque at SLS Focal Point Person.

๐Ÿ‘ฉโ€๐ŸŒพ๐Ÿ‘จโ€๐ŸŒพ Sa isinagawang pagbisita, nagdala ang mga DF ng karagdagang gamit para sa gulayan tulad ng seeds, seedling trays, at drum, at nagbigay din ng ilang teknikal na paalala at rekomendasyon upang higit pang mapalakas ang kanilang produksyon.

๐Ÿค Sa pamamagitan ng proyektong ito, mas napapalakas ang kakayahan ng mga magsasaka ng BIFACO na magpatuloy sa sustainable vegetable farming, na nag-aambag hindi lamang sa kita ng kanilang kooperatiba kundi pati na rin sa seguridad sa pagkain ng komunidad.

๐‘บ๐’–๐’‘๐’๐’“๐’•๐’‚ ๐’‚๐’• ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’•๐’–๐’•๐’–๐’๐’–๐’๐’ˆ๐’‚๐’ ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘จ๐‘น๐‘ฉ๐‘ถ๐’” ๐’๐’ˆ ๐‘ฎ๐’‚๐’”๐’‚๐’!๐Ÿ’ช๐Ÿง‘โ€๐ŸŒพAng DARMO Gasan-Buenavista Cluster ay buong pusong nakibahagi at sum...
12/05/2026

๐‘บ๐’–๐’‘๐’๐’“๐’•๐’‚ ๐’‚๐’• ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’•๐’–๐’•๐’–๐’๐’–๐’๐’ˆ๐’‚๐’ ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘จ๐‘น๐‘ฉ๐‘ถ๐’” ๐’๐’ˆ ๐‘ฎ๐’‚๐’”๐’‚๐’!๐Ÿ’ช๐Ÿง‘โ€๐ŸŒพ

Ang DARMO Gasan-Buenavista Cluster ay buong pusong nakibahagi at sumubaybay sa pagsasagawa ng General Assembly ng Dawis Coconut Farmers Cooperative (DCFACO) โ€” isa sa mga Agrarian Reform Beneficiaries Organization (ARBO) mula sa bayan ng Gasan.

Ang pagtitipong ito ay mahalagang hakbang upang mapagtibay ang demokrasya, transparency, at kooperasyon sa loob ng kooperatiba.

Sa pamamagitan ng General Assembly, naipapahayag ng mga kasapi ang kanilang mga pananaw, mungkahi, at desisyon para sa ikauunlad ng kanilang samahan.

Ang DARMO Gasan-Buenavista Cluster ay patuloy na nakahandang magbigay-gabay, suporta, at tulong teknikal upang masiguro ang matagumpay na pagpapatupad ng mga programa ng ARBOs.

Mabuhay ang Dawis Coconut Farmers Cooperative at lahat ng ARBOs na nagsusulong ng pag-asa, pag-unlad, at pagtutulungan sa ating komunidad!

Address

Brgy. Tres
Gasan
4905

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DARMO Gasan-Buenavista Cluster posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share