10/05/2026
Saan si Mama?
Si Mama ay nasa loob ng kulungan.
Pagod na siya.
Matanda na siya.
May iniinda nang karamdaman.
Pero kahit sya ay nasa loob ng piitan, sisiguraduhin pa rin niyang maayos ka.
"nak, kumain ka na ba?"
"nak, nakauwi ka na?"
"nak mag vitamins ka"
"nalabhan mo na ba uniform mo?"
"baka pagod ka na d’yan sa trabaho mo…"
Ganyan magmahal ang isang ina.
Simula pagkabata, siya ang unang nag-alaga sa atin. Siya ang nagpuyat kapag tayo ay may sakit, nagsakripisyo para may makain tayo, at tiniis ang sariling pagod at hirap para lamang mabigyan tayo ng mas magandang buhay. At ngayong may sarili na tayong buhay, kahit nasa loob na siya ng kulungan, ang puso niya ay nasa atin pa rin patuloy na nag-aalala, nagdarasal, at nagmamahal.
Siguro ito ang magic ng “Saan si Mama?”
Kahit wala namang kailangan pag-uwi sa bahay, siya agad ang hinahanap.
Kapag narinig mo ang boses niya, parang gumagaan ang lahat.
Pero paano kung si Mama naman ngayon ang may kailangan?
Ito na ang panahon para tayo naman ang mag-alaga sa kanya. Dalawin siya. Kumustahin siya. Pakinggan siya. Iparamdam na kahit ano pa ang nangyari, mahal pa rin siya at hindi nakakalimutan.
Ngayong Mother’s Day, alalahanin din natin ang mga inang nasa loob ng kulungan.
Mga babaeng maaaring nawalan ng kalayaan, ngunit hindi kailanman nawalan ng pagmamahal para sa kanilang mga anak.
Mga inang tahimik na nagsasakripisyo kahit sa gitna ng lungkot, sakit, at pangungulila.
Mga pusong umaasang balang araw ay muli nilang mayayakap ang kanilang pamilya.
Dahil walang rehas ang kayang kumulong sa pagmamahal ng isang ina.
Maligayang Araw ng mga Ina sa lahat ng nanay, lalo na sa mga inang patuloy na lumalaban, umaasa, at nagmamahal sa kabila ng pinakamabibigat na pagsubok ng buhay. 🌸
For more updates from San Jose District Jail please like and follow our page:
📎https://www.facebook.com/share/1YzTZ5kQ2a/, San Jose District Jail
For more information, kindly visit BJMP Regional Office Mimaropa page:
📎BJMP Regional Office Mimaropa