20/02/2026
๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ฑ๐๐พ๐๐ฒ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ต, ๐ ๐๐๐ถ๐ธ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฒ๐ป๐ผ
๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ถ ๐ป๐ด ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ญ๐ฌ๐ฒ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ฑ๐๐พ๐๐ฒ! ๐ ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ฑ๐๐พ๐๐ฒ!
ALAM NYO BA? | February 21, 2024
May isang Aglipayanong Marinduqueลo na may kontribusyon sa Musika ng Lalawigan ng Marinduque
Siya si Gng.Norma Rodriguez-Soldevilla na isinilang noong March 11, 1930. Ang kanyang mga magulang ay sina G.at Gng.Pedro Rodriguez na mula sa Bayan ng Gasan,Marinduque.
Isang aktibong kasapi ng Iglesia Filipina Independiente sa Parokya ng San Jose sa Bayan ng Gasan. Naging aktibo mula sa kanyang kabataan at naging miyembro ng Konsehong Pamparokya sa matagal na panahon na paglilingkod sa Simbahan.
Ang Martsa Marinduque ay mula sa mga titik at isinaayos sa Musika ni Gng. Norma Rodriguez-Soldevilla na nagtapos ng kanyang Elementarya sa Gasan Central School, nagtapos ng Sekondarya sa Immaculate Concepcion sa Bayan ng Boac at Kolehiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Sa bisa ng Panlalawigang Kautusan Blg.23 serye ng 2000 o Kautusang Nagtatakda sa lahat ng Paaralang Pampubliko man o Pribado gayundin sa mga Tanggapang Nasyonal, Mga Lokal na Pamahalaan sa buong Lalawigan ng Marinduque na maisama sa kanilang pagtataas ng watawat (Flag Raising Ceremony) ang pag-awit ng Martsang Marinduque (Marinduque March).
Isang retiradong G**o, Isang mabuting huwarang Gaseลo at tunay na ipagmamalaki bilang isang Marinduqueลo. Hanggang sa kasalukuyan, siya ay isang matatag na Aglipayano.
Maligayang Pagbati ng ika-104 Pagkakatatag ng Marinduque! Mabuhay ang Lalawigan ng Marinduque!