Coun. Dennis B. Sumo

Coun. Dennis B. Sumo Programa at Aksyon Para sa Pagbabago

Ang matagal ko ng  kaibigan at kasama sa organisasyon (sa NREA Phils.) na si Ms.Marissa del Mar ng OFW Partylist na ikin...
17/05/2022

Ang matagal ko ng kaibigan at kasama sa organisasyon (sa NREA Phils.) na si Ms.Marissa del Mar ng OFW Partylist na ikinampanya ko sa Bayan ng Gasan ng nakaraang eleksyon ay ganap ng isang kongresista sa darating na sesyon ng Kongreso.

Ang kanyang pagwawagi ay hudyat lamang ng pagsisimula ng serbisyong pang OFW lalo na ang adbokasiya niya sa pag sasanay, paghahanap ng trabaho at pagpapa-alis ng manggagawa sa ibayong dagat para sa ikababago ng antas ng kanilang buhay.

Sa ganitong layunin, ang inyong lingkod ay makikipag-ugnayan sa kanyang tanggapan sa hinaharap upang makabalangkas tayo ng programang aangkop sa lokal nating sitwasyon upang makapagsanay tayo at matulungan nating makaalis ang mga OFW natin sa hinaharap lalo na sa hanay ng mga kabataan.

Ituloy natin ang serbisyo para sa pag-asenso.

https://www.facebook.com/100075494157207/posts/155908056935665/

Iskolar Ng Bayan para sa mga Abogado  at Doktor! Aksyon Agad!Ang kakulangan ng pampublikong manggagamot o doktor na nags...
08/05/2022

Iskolar Ng Bayan para sa mga Abogado at Doktor!
Aksyon Agad!

Ang kakulangan ng pampublikong manggagamot o doktor na nagsisilbi ng libre para sa ating mga kababayang mahihirap ang pangunahing suliranin natin upang magamot ang may sakit para hindi lumala ang karamdaman nila.

Sa kabilang banda, wala rin tayong abogado ng nagsisilbi ng libreng serbisyong legal para magiging magaan ang gastusin sa usaping legal ng mga mahihirap lalo sa paggawa ng mga legal na dokumento.

Sasagutin natin ito ng pagsasabatas ng pag amyenda sa batas na “Iskolar ng Bayan” para ibilang ang pabibigay ng scholarship sa mapipiling iskolar para sa abogasya at medisina gamit ang pampublikong pondo upang ng sa gayon ay makapaglingkod sila ng libre 3-5 taon sa taumbayan pagtapos nilang magtapos at maging ganap na doktor at abogado.

Programang Pang-Kabuhayan at Pang-Agrikultura!Aksyon Agad! Isa sa mga prioridad ko kung sakali mang ako ay maupo bilang ...
07/05/2022

Programang Pang-Kabuhayan at Pang-Agrikultura!
Aksyon Agad!

Isa sa mga prioridad ko kung sakali mang ako ay maupo bilang isa sa miyembro ng konseho ay ang magtatag ng Kooperatibang Pang-Agrikultura na makikipag ugnayan sa nararapat na ahensiya ng pamahalaan katulad ng Deparment of Agriculture at iba pa para magbalangkas ng programang pang agrikultura pagmula sa pagtatatanim hanggang sa anihan.

Upang maging ligtas sa pagkalugi ang mga magsasaka at farm owners , kailangang magkaroon ng mga processing plants para mag produce ng by products ng mga produktong inani ng mga magsasaka.

Ang pagtatayo ng pribadong Agricultural Training Center ay isa sa magiging susi upang magkaroon tayo ng sustainable development sa sector ng agrikultura at makamit self-sufficiency sa pagkain.

Ang mga cottage industries ay itatatag at ibayong palalakasin upang makapagbigay ng tunay na makakapitang hanapbuhay at negosyo ang mga masisipag nating kababayan.

Paggamit Ng Enerhiyang Solar sa Kabahayan!Aksyon Agad! Ang mga kababayan nating mahihirap na hirap magbayad o walang pam...
07/05/2022

Paggamit Ng Enerhiyang Solar sa Kabahayan!
Aksyon Agad!

Ang mga kababayan nating mahihirap na hirap magbayad o walang pambayad sa kuryente dahil na rin sa kahirapan ng buhay ay isa sa mga problemang ating tutugunan sa pamamagitan ng pahahain ng panukalang batas tungkol dito upang makapaglaan ng ayuda o pagbibigay ng simpleng solar energy device sa kani- kanilang tahanan ng sa gayon ay. makatipid sila sa kuryente para magamit sa ibang gastusin.

Saklaw din nito ang paghikayat sa mga pribadong investors para magtayo ng solar enegy sites sa mga natatanging lugar upang mag supply ng enerhiyang solar sa maraming kabahayan ng sa gayon ay hindi maging problema tuwing may brown out.

Magsasanay tayo ng mga lokal na solar panel installers sa pamamagitan ng epektibong pagsasanay hinggil dito upang makatipid sa gastusin sa installation ang mga magpapakabit na mga may- ari ng bahay.

Libreng Gamot at Serbisyong Pangkalusugan!Aksyon Agad!Pangkaraniwan na problema ng marami sa mga taga-Gasan ay ang kakul...
04/05/2022

Libreng Gamot at Serbisyong Pangkalusugan!
Aksyon Agad!

Pangkaraniwan na problema ng marami sa mga taga-Gasan ay ang kakulangan ng atensyong pangkalusugan lalo na sa mga kababayan nating mahihirap.

Marami sa mga mamamayan ng ating mahal na munisipalidad ay hindi nabibigyang pansin ang pangkalusugan
dulot ng kakulangan sa pondo.

Nang dumating ang pandemiya sa ating bansa, lalong dumami ang mga bilang ng nagkakasakit dulot ng mahinang resistensya at kakulangan ng bitamina o supplements sa katawan.

Kailangang mabigyan ito ng solusyon at mahanapan ng karampatang pondo para sa ikalulutas nito.

Isa sa mga solusyon dito ay ang paglulunsad ng taunang Medical and Dental Mission sa ating munisipalidad
na magbibigay ng libreng konsulta at gamot gayundin ang libreng bunot ng ngipin.

Kaakibat din nito ay paglalaan ng pondo para sa ayudang pang serbisyong medikal para sa X-ray at Laboratory Tests para sa mga may-sakit nating mga kababayan.

Suportang Pang-Edukasyon para sa Kabataan!Aksyon Agad Karamihan sa ating mga kabataan na mag-aaral lalo na sa elemetarya...
02/05/2022

Suportang Pang-Edukasyon para sa Kabataan!
Aksyon Agad

Karamihan sa ating mga kabataan na mag-aaral lalo na sa elemetarya ay nakakaranas ng kakulangan sa gamit pang eskwela lalo na sa panahon ng pasukan dahil sa kahirapan ng buhay.

Ang naturang sitwasyon ay kailangan ng solusyon upang makapag- aral ng mabuti.

At ang isang solusyon dyan ay pamamahagi ng libreng gamit pang eskwela tuwing darating ang padukan pamamagitan ng programang " Ayudang Pang Eskwela Program" ng isasabatas ng inyong lingkod.

Ayudang Pang-Senior Citizen Isasabatas!Aksyon Agad!Ang programang Ayuda Pang-Senior Citizen ay isa sa aking mga programa...
28/04/2022

Ayudang Pang-Senior Citizen Isasabatas!
Aksyon Agad!

Ang programang Ayuda Pang-Senior Citizen ay isa sa aking mga programa na aking isasabatas at aaksyonan kung sakaling mabigyan ako ng pagkakataon na maupo bilang isa sa mga miyembro ng konseho ng bayan ng Gasan.

Katuwang ng Kalasag Movement Inc. isang Non-Governmental Organization ihahatid namin ang mga serbisyo at mga pangagailangan ng mga senior citizen sa munisipalidad ng Gasan. At ito ang mga sumusunod.

*Libreng Gamot at Pang-maintenance
* Mga Munting Regalo para sa Senior Citizens sa kanilang kaarawan
* Mga Vitamins at Food Supplements

Iilan pa lamang ito sa mga bagay na aking tutugunan kasama ng Kalasag Movement Inc. upang mabigyan ng kaginhawaan ang buhay ng iilang mamamayan nating mga senior citizen sa ating munisipalidad kung sakaling mabigyan ako ng pagkakataon na maupo bilang isa sa mga miyembro ng konseho ng bayan ng Gasan.

Umaasa ako na ako ay inyong mapagbibigyan ng tamang pagkakataon at panahon upang mapatunayan ko at maisagawa ang mga ganitong adhikain.

Ito ang mga Programang aking Isasabatas at Aaksyonan Agadkung sakaling mabigyan ako ng pagkakataon na maupo bilang isa s...
27/04/2022

Ito ang mga Programang aking Isasabatas at Aaksyonan Agad
kung sakaling mabigyan ako ng pagkakataon na maupo bilang isa sa mga miyembro ng konseho ng bayan ng Gasan.

Ang mga programang ito ay tiyak na makakatulong at makapagbabago sa pamumuhay ng mga mamamayan ng munisipalidad ng Gasan.

At ito ang magbibigay ng bagong anyo ng pagsisilbi ng isang public servant sa kanyang nasasakupan.

Umaasa ako na ako ay inyong mapagbibigyan ng tamang pagkakataon at panahon upang mapatunayan ko at maisagawa ang mga ganitong adhikain.

22/04/2022
10/04/2022

Address

Gasan Marinduque
Gasan
4905

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Coun. Dennis B. Sumo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Coun. Dennis B. Sumo:

Share