01/09/2026
โ๏ธAlam niyo, pwede po mag comment, magsabi ng saloobin pero yung pagiging bastos, hindi po pwede yunโ๏ธ
Para po sa nag upload na si Danilo Dela Cruz Lemsic Jr. na taga San Leonardo, una sa lahat salamat po sa concern niyo sa daan namin sa Gapan kahit na taga San Leonardo ka ay dito ang iyong atensyon mo sa Lungsod namin. Palagay ko napakaganda at napakaayos ng lahat ng kalsada sa Bayan mo kaya kami sa Gapan napapansin mo. ๐๐ Ang daan na yan ay dinaanan din ng over load na mga truck nag dedeliver sa Gapan at iba bayan katabi nito kaya talaga madali masira kahit maayos pinagawa. Sa totoo ito ay part ng National Highway, ibig sabihin DPWH ang may sakop nito at gusto ko malaman niyo hindi nag kukulang ang LGU para sabihin na may sirang daan sa National. Pero sige, kami na lang din may kasalanan para happy ibang nag comment.
Sayo Humprey Santiago, taga San Leonardo ka din pero bat ang bastos naman ng comment mo, puro yabang lang kami sa Gapan? bat galit na galit ka samin sa Gapan eh ayan sa picture mo 2022 palang libot ka dito at sigurado nasiyahan pamilya mo sa mga display sa plaza namin. Tsaka wag mo kami tulad sa mga nakasanayan mo politiko nagpapakita lang kapag panahon ng eleksyon ha. Dami sirang daan sa Gapan, o sige sa bayan mo kasi walang sirang daan, Gapan lang meron para masaya ka. Pwede mag comment pero wag ka bastos.
Sayo Kelsen Lotuaco Tuason, gusto ko sabihin sayo bilang kapwa mo babae, alam mo sana na hindi kailangan mag ingay para pakinggan. Alam mo nakikinig kami kahit sinong tao sa Gapan. Hindi naman kami walang isip na gusto may makadisgrasya. Lahat nga ng dapat gawin gusto namin gawin para wala kayo masabi samin.
Sayo Biyaherong Tamad, na hindi din taga Gapan. May maicomment ka kala mo naman taga Gapan ka, ang bastos mo din. Si Mayor Sherry masipag yun parehas kami. Kaya wag mo sasabihin wala malakasakit, ikaw nga dika namin inaano kahit na byahe kana nga tamad kapa. Hirap niyan.
Sayo Joshua Pascua Pradez, pwede ka magcommemt pero hindi tama mang bastos, bakit nun lang din ba kita pinansin panahon ng eleksyon? Alam mo hindi ganyan sa Gapan. Para naman di ka nakakuha ng libreng prangkisa para sa toda. Para naman hindi ka isa sa nakinabang sa mga ayuda sa Gapan.
Sayo Adrian Liwag, sigurado ka di gagawin yan? Naglalaan kapag eleksyon? Taga Mangino ka, di mo ba nakita pinagawa daan diyan. Elekyon ba nun? bakit yun di mo nakita? Lumalabo na yata mata mo dahil sa pag tattoo. Alam mo naman mag comment okay yun, pero wag bastos para naman wala nagawa maganda sayo o sa pamilya mo gobyerno.
Sayo Sam Nalagon, hindi ka din taga Gapan kaya hindi mo din alam noh? wala kami sa bakasyon. Hindi bakasyon tawag dito o vacation leave dahil naka maternity leave ako. Anytime pwede ng manganak at kung babasahin mo ang batas ng maternity leave hindi pwede hindi ko ito gawin, dahil yun sinasabi ng batas. At kahit naka maternity leave ako, alam ko sa sarili ko naka monitor ako sa Gapan para masigurado na nagagawa ng tama serbisyo. O sasabihin mo bakit sira daan? basahin mo sinabi ko sa taas.
Sayo mga troll na nakikisabay, pasalamat naman sana kayo samin kasi kahit di pa eleksyon may work na kayo. Sana maayos pagpapasahod sa inyo tsaka pagbutihin niyo pa. Balang araw magkakakilala din tayo bilang kayo sa totoong pagkatao niyo di nag tatago sa pekeng account. Libre niyo naman kami minsan lalo na si Cong. Emeng dahil kung wala kami, wala kayo trabaho sa pag troll niyo๐
Para sa lahat ng mga Batang Gapan, opo dami panget na daan alam niyo ba hindi lang sa National Highway na under sa DPWH pero meron sa iba lugar sa bukid kung saan daanan ng mga truck papunta solar? pero nauunawaan ng mga tao wala magagawa kundi hintayin matapos dahil masisira lang ulit ang daan. Ano sasabihin ko sa National Project bawal kayo dumaan? Gumamit ng eroplano sa pagdeliver ng kailangan. Alam niyo mga tao dun, umuunawa at umiintindi. Yan naman post na yan sa National Highway, uulitin ko. Lagi nagsasabi ang LGU sa DPWH upang maayos ang daan dahil alam namin ang nangyayari sa Lungsod namin. Hindi pa tag ulan reported na yan. Ngayon, kung mabagal sila kapag huminto ang tag ulan kami na gagawa sa LGU kahit hindi ito sakop basta lang siguraduhin niyo din na walang over loading na truck na nagpapasira ng malala sa daan dahil kami nanaman sisihin niyo. O wag din kayo magrereklamo sa traffic na mangyayare kapag ginawa. Sana sa ganitong panahon na mas madami kawawa taga ibang bayan ipag pasalamat pa din natin na hindi natin dinadanas ang pinagdadaanan nila, nameron pa din tayong dapat ipagpasalamat sa buhay.Yun lang mga Batang Gapan tsaka sa mga taga iba bayan lakas maka react na parang kasalanan ko lahat๐๐๐
P.S.
Dahil naka public post at comment niyo, public ko din kayo sasagutin ๐๐