Kap Jessie "Pogi" Ison - San Vicente, Gapan City

Kap Jessie "Pogi" Ison - San Vicente, Gapan City Official Page of Kap. Jessie “Pogi” Ison
Punong Barangay ng San Vicente, Gapan City
Tamang Serbisyo para sa Ka-Barangay

🔥 FIRE INCIDENT UPDATE 🔥Habang patuloy na ipinagagawa ang mga bahay ng ating mga kababayang nasunugan sa tulong nina May...
13/06/2026

🔥 FIRE INCIDENT UPDATE 🔥

Habang patuloy na ipinagagawa ang mga bahay ng ating mga kababayang nasunugan sa tulong nina Mayor Joy Pascual - Gapan City , Vice Mayor Max Pascual - Gapan City , at Congressman Emeng Pascual - Serbisyo Publiko , tayo naman ay sama-samang tumutulong sa paglilinis ng lugar.

Patuloy ang paghakot at pagtatanggal ng mga nasunog na kagamitan at iba pang kalat upang maging maayos at ligtas muli ang paligid. Maraming salamat sa lahat ng mga tumutulong at nakikiisa sa ating mga nasunugang kabarangay.

Patuloy po ang paghahakot ng basura ng ating garbage truck ayon sa nakatakdang schedule sa bawat lugar ng Barangay San V...
12/06/2026

Patuloy po ang paghahakot ng basura ng ating garbage truck ayon sa nakatakdang schedule sa bawat lugar ng Barangay San Vicente.

Nakikiusap po kami sa lahat na itali at isako nang maayos ang inyong basura upang maiwasan itong kalkalin ng mga a*o at magkalat sa ating mga kalsada.

Sa pamamagitan ng disiplina, pakikiisa, at pagtutulungan ng bawat isa, mas mapapanatili nating malinis at maayos ang ating komunidad. Maraming salamat po sa inyong kooperasyon! 💚

📸 Mga larawan mula sa Barangay Administrators at Barangay Justice Meeting na ginanap kahapon, kasabay ng pagdiriwang ng ...
12/06/2026

📸 Mga larawan mula sa Barangay Administrators at Barangay Justice Meeting na ginanap kahapon, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Sa pangunguna ni Kap Jessie "Pogi" Ison - San Vicente, Gapan City , patuloy ang koordinasyon at pagpaplano upang mapalakas ang maayos na pamamahala at mas mapabuti pa ang serbisyo para sa ating mga kabarangay.

Lubos din po nating pinasasalamatan ang ating mga Barangay Administrators at Barangay Justice Officers sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman, karanasan, at mahahalagang pananaw na makatutulong upang lalo pang mapaunlad at mapaganda ang ating barangay.

📸 Photo Credit: Pinky Policarpio para sa ginamit na Independence Day image.

Patuloy ang paglilinis ng mga kanal at pagdadamo sa Freedom Park. Ginagawa po natin ang lahat ng makakaya upang agad ito...
11/06/2026

Patuloy ang paglilinis ng mga kanal at pagdadamo sa Freedom Park. Ginagawa po natin ang lahat ng makakaya upang agad itong matapos at makarating naman sa iba pang lugar na nangangailangan ng ating serbisyo.

🚑✨ DUMATING NA ANG BAGONG TOYOTA TAMARAW RESCUE/AMBULANCE NG BARANGAY SAN VICENTE! ✨🚑Isa na namang malaking hakbang tung...
10/06/2026

🚑✨ DUMATING NA ANG BAGONG TOYOTA TAMARAW RESCUE/AMBULANCE NG BARANGAY SAN VICENTE! ✨🚑

Isa na namang malaking hakbang tungo sa mas mabilis at mas maayos na serbisyo para sa ating mga kabarangay. Sa pangunguna ni Kap Jessie "Pogi" Ison - San Vicente, Gapan City at ng buong Pamahalaang Barangay, opisyal nang dumating ang bagong Toyota Tamaraw Rescue/Ambulance na magsisilbing karagdagang katuwang sa pagtugon sa mga emergency at pangangailangan ng ating komunidad.

Lubos po ang aming pasasalamat sa Ating Pangulo na si Pangulong Bongbong Marcos dahil sa kanyang programa tulong sa barangay at Sa Lahat ng bumubuo ng DBM at syempre sa mga taong tumulong kung bakit kami napasama na nagkaroon ng bagong rescue van ayaw pabanggit ang kanyang pangalan salamat nalang po sa inyo At pasalamat din kina Mayor Joy Pascual - Gapan City , Vice Mayor Max Pascual - Gapan City , at Congressman Emeng Pascual - Serbisyo Publiko sa kanilang suporta at malasakit sa mga programang makatutulong sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga kabarangay.

Patuloy po nating palalakasin ang mga serbisyong pangkalusugan at pang-rescue para sa mas ligtas at mas maayos na Barangay San Vicente!



Patuloy po ang paglilinis at pagsasaayos ng mga kanal sa iba't ibang bahagi ng Barangay San Vicente upang mapanatili ang...
10/06/2026

Patuloy po ang paglilinis at pagsasaayos ng mga kanal sa iba't ibang bahagi ng Barangay San Vicente upang mapanatili ang maayos na daloy ng tubig at maiwasan ang pagbaha.

Sa pagkakataong ito, ang ilang bahagi ng Freedom Park, San Vicente ay nalinisan at naalisan ng mga damo at bara sa kanal. Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa habang unti-unti nating naaabot ang iba pang lugar na nangangailangan ng agarang aksyon.

Asahan po ninyo na ginagawa ng Pamahalaang Barangay ng San Vicente ang lahat ng makakaya upang matugunan at ma*olusyunan ang mga suliranin sa kanal at daluyan ng tubig sa ating komunidad.

Patuloy pong ginagawa ni  Kap Jessie "Pogi" Ison - San Vicente, Gapan City  at ng buong pamunuan ng Brgy Sanvicente Kapp...
09/06/2026

Patuloy pong ginagawa ni Kap Jessie "Pogi" Ison - San Vicente, Gapan City at ng buong pamunuan ng Brgy Sanvicente Kappogiison ang lahat ng makakaya upang ma*olusyunan ang mga problema sa kanal at daluyan ng tubig sa iba't ibang bahagi ng barangay.

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa dahil may mga proyektong sabay-sabay na kasalukuyang isinasagawa para sa kapakanan ng ating komunidad. Sa kabila nito, hindi po natin kinakalimutan ang mga suliranin sa kanal at patuloy itong inaaksyunan at binibigyang pansin.

Makakaasa po kayo na unti-unti nating maaabot ang bawat lugar na nangangailangan ng paglilinis at pagsasaayos upang mapanatiling maayos ang daloy ng tubig at maiwasan ang pagbaha.

Maraming salamat po sa inyong tiwala, suporta, at pakikiisa.





💧 DEEP WELL & POSO PROJECT 💧Patuloy po ang pagpapagawa at pagkukumpuni ng mga poso at deep well sa Barangay San Vicente ...
08/06/2026

💧 DEEP WELL & POSO PROJECT 💧

Patuloy po ang pagpapagawa at pagkukumpuni ng mga poso at deep well sa Barangay San Vicente upang masigurong may sapat at malinis na tubig ang ating mga kabarangay.

Unti-unti po nating maaabot ang iba pang mga poso na nangangailangan ng pagkukumpuni. Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa habang isinasagawa ang mga proyekto. Sa sama-samang pagtutulungan, mas marami pa po tayong matutulungan. 💙

📹 CCTV Monitoring Update | Barangay San VicenteIpinipresenta po natin ang mahigit 30+ CCTV cameras na kasalukuyang nakap...
08/06/2026

📹 CCTV Monitoring Update | Barangay San Vicente

Ipinipresenta po natin ang mahigit 30+ CCTV cameras na kasalukuyang nakapuwesto sa iba't ibang bahagi ng Barangay San Vicente upang makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad ng ating komunidad. Nakahanda rin po tayong magdagdag ng 20+ karagdagang CCTV units sa mga susunod na panahon.

Kung may pangangailangan po kayo ng CCTV footage para sa review o kaugnay ng isang insidente, maaari lamang pong magtungo sa Barangay Hall ng San Vicente upang mabigyan ng kaukulang tulong at gabay.

Sama-sama po nating pangalagaan ang kapayapaan at kaligtasan ng ating barangay.

Kap Jessie "Pogi" Ison - San Vicente, Gapan City

🥤 FREE COKE ZERO! 🎒📚Bilang munting handog para sa ating mga kabarangay ng San Vicente, may LIBRENG Coke Zero in a Bottle...
08/06/2026

🥤 FREE COKE ZERO! 🎒📚

Bilang munting handog para sa ating mga kabarangay ng San Vicente, may LIBRENG Coke Zero in a Bottle sa GenZie Café, harap ng Rebulto ni Inang Bayan!

Maraming salamat sa Coca-Cola sa kanilang suporta. Nawa'y maging masaya, ligtas, at puno ng inspirasyon ang pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral.

📍 Available hanggang hapon o hanggang maubos ang stock.

Kap Jessie "Pogi" Ison - San Vicente, Gapan City

Address

San Vicente
Gapan
3105

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kap Jessie "Pogi" Ison - San Vicente, Gapan City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category