DepEd Tayo Gapan City

  • Home
  • DepEd Tayo Gapan City

DepEd Tayo Gapan City This is the OFFICIAL page of the Department of Education - SDO Gapan City

Tingnan: SDO Gapan City Pormal na Inilunsad ang Brigada Eskwela 2026MARUHAT, GAPAN CITY – Matagumpay na isinagawa ng Sch...
01/06/2026

Tingnan: SDO Gapan City Pormal na Inilunsad ang Brigada Eskwela 2026

MARUHAT, GAPAN CITY – Matagumpay na isinagawa ng Schools Division Office of Gapan City ang Division Kick-Off Program ng Brigada Eskwela 2026 sa Maruhat National High School nitong Hunyo 1, 2026, bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 8.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Schools Division Superintendent Enrique E. Angeles Jr., PhD, CESO VI ang kahalagahan ng pagkakaisa at pakikiisa ng buong komunidad sa paghahanda ng mga paaralan para sa mga mag-aaral.

Aniya, ang Brigada Eskwela ay hindi lamang tungkol sa paglilinis at pagsasaayos ng mga pasilidad kundi isang pagpapakita ng bayanihan kung saan ang mga magulang, g**o, stakeholders, at iba pang miyembro ng komunidad ay nagsasama-sama para sa kapakanan ng mga batang mag-aaral.

Ipinahayag din niya na ang kaayusan ng paaralan ay sumasalamin sa kahandaan ng buong komunidad na suportahan ang dekalidad na edukasyon. Hinikayat niya ang mga school heads, stakeholders, at mga magulang na patuloy na makibahagi upang matiyak ang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran sa pag-aaral.

Sa temang pagkakaisa, kaayusan, at bayanihan, muling ipinakita ng Maruhat National High School at ng buong SDO Gapan City ang kanilang dedikasyon sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon para sa bawat batang Gapan.

Sama-sama para sa mga Batang Gapan, tungo sa mas maliwanag at matagumpay na kinabukasan.

Kaayusan. Pagkakaisa. Bayanihan.

Photo by: Federico Trinidad | MNHS

01/06/2026

"Bayanihan sa paaralan, nagkakaisa para sa kaayusan at kaalaman"

June 1, 2026 at Gabaldon Central School, Nueva Ecija

01/06/2026

Region 3 Brigada Eskwela Kick-off Ceremony 2026

"Bayanihan sa paaralan, nagkakaisa para sa kaayusan at kaalaman"

June 1, 2026 at Gabaldon Central School, Nueva Ecija

📢🏫TARA NA, BRIGADA ESKWELA NA! 🏫📢Ang Schools Division Office of Gapan City ay buong pusong nag-aanyaya sa lahat ng mga a...
31/05/2026

📢🏫TARA NA, BRIGADA ESKWELA NA! 🏫📢

Ang Schools Division Office of Gapan City ay buong pusong nag-aanyaya sa lahat ng mga ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, negosyo, organisasyon, alumni, magulang, at mga mamamayan ng Gapan na makiisa sa ating Brigada Eskwela 2026 Division Kick-off Program.

🗓️ Hunyo 1, 2026
🕗 8:00 ng umaga
📍 Maruhat National High School, Sitio Maruhat, Brgy. Makabaclay, Gapan City

Sa temang “Bayanihan sa Paaralan; Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman,” sama-sama nating ihanda ang ating mga paaralan para sa panibagong taon ng pagkatuto.

Anumang tulong—oras, lakas, materyales, donasyon, o serbisyo—ay malaking ambag sa paglikha ng ligtas, maayos, at makabuluhang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

Makiisa. Makibahagi. Magbigay ng pag-asa.

Dahil sa bawat pagtutulungan, mas napapalapit tayo sa pangarap na de-kalidad na edukasyon para sa bawat Batang Gapan.

💙 Tara na, Brigada Eskwela na!






31/05/2026

🎒📚💙
GAPAN CITY, ALL OUT PARA SA EDUKASYON!

Ang SDO Gapan City ay lubos na nagpapasalamat sa Pamahalaang Lungsod ng Gapan, sa pamumuno ni Hon. Emary Joy D. Pascual, City Mayor, kay Hon. Max Pascual, Vice Mayor, kay Cong. Emerson “Emeng” D. Pascual, mga konsehal at sa buong Gapan City LGU sa solid na suporta at malasakit para sa ating mga Batang Gapan!

🔥 LIBRENG SCHOOL SUPPLIES PARA SA LAHAT!
From Elementary to Senior High School 💯
May pa:

👟 sapatos
🍱 lunch bag + snack
☂️ payong
📁 plastic envelopes & fillers
🥤 tumbler

Hindi lang basta ayuda—ito ay investment sa future ng batang Gapan! 🚀

📣 ABANGAN: iskedyul ng distribusyon per barangay.
Hatid serbisyo diretso sa bawat mag-aaral!

Ganito sa Gapan—bayanihan na may puso, serbisyo na ramdam! 💙✨




28/05/2026

🌟 Narito ang mga balitang pang-edukasyon mula sa ating mga SDO Broadcast Teams — diretsong hatid mula sa kanilang mga paaralan, komunidad, at Dibisyon! 🌟
Ito ang Edukasyon Central Luzon Season 5!


21/05/2026

Bayanihan para sa mga Batang Gapanense!

Bilang pakikiisa sa pambansang panawagan ni Education Secretary Sonny Angara, malugod tayong inaanyayahan ni Schools Division Superintendent Dr. Enrique E. Angeles, Jr., CESO VI na makibahagi sa gaganaping Brigada Eskwela 2026.

Muli nating buhayin ang diwa ng bayanihan dito sa Lungsod ng Gapan. Sama sama nating ihanda, linisin, at pagandahin ang ating mga paaralan upang masig**o ang isang ligtas at maayos na pagbabalik eskwela para sa ating mga mag aaral.

Panoorin ang mensaheng ito at tara na at mag Brigada!

21/05/2026

🌟 Narito ang mga balitang pang-edukasyon mula sa ating mga SDO Broadcast Teams — diretsong hatid mula sa kanilang mga paaralan, komunidad, at Dibisyon! 🌟
Ito ang Edukasyon Central Luzon Season 5!

SDO Gapan City Kicks Off Division Training of Teachers on Revised Grades 6, 9, and 10 CurriculumThe Schools Division Off...
19/05/2026

SDO Gapan City Kicks Off Division Training of Teachers on Revised Grades 6, 9, and 10 Curriculum

The Schools Division Office of Gapan City officially commenced the Division Training of Teachers on the Revised Grades 6, 9, and 10 Curriculum yesterday, May 18, 2026.

The capacity building activity kicked off with Batch 1, focusing on Grade 6 teachers. The session is currently being held at the Gapan South Central School and will run until May 21. This vital initiative aims to support the effective implementation of the revised curriculum by deepening the understanding of educators and strengthening their core competencies in content knowledge, pedagogy, curriculum planning, and assessment.

Following the ongoing session for Grade 6, the division is also set to roll out the succeeding training schedules:

🗓 Batch 2 (Grades 9 and 10, Except TLE): May 25 to 26 and May 28 to 29 at Gapan South CS and JRLMHS JHS Learning Centers

🗓 Batch 3 (Grades 9 and 10 TLE): June 1 to 4 at the JRLMHS TLE Learning Center

Here are some highlights from the Batch 1 training:

Address

Don Simeon Street , San Vicente

3105

Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Telephone

+63444867910

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Gapan City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Tayo Gapan City:

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share