08/06/2026
Kasunod ng ating naunang pagpupulong, tayo ay nakiisa naman sa Joint-Committee Hearing para sa pagsusuri ng Annual Budget ng SK Council ng mga sumusunod na barangay:
📍 Bodega, Ascomo, Basa (BAB)
📍 Cabangcalan
📍 Consuelo
📍 Gutad
Layunin nito na masiguro na ang pondo ng ating Sangguniang Kabataan ay nakalaan sa mga tamang programa, proyekto, at aktibidad na tunay na makatutulong sa pag-unlad ng mga kabataan sa ating bayan.
Patuloy ang ating pakikipagtulungan para sa isang tapat, transparent, at maayos na pamamahala!