22/07/2024
Kilala ang bagyo sa pagiging mapanganib dahil sa kakayahan nitong makasira, at makapagdulot ng malawakang pinsala, at pagkawala ng buhay. Kung saan madalas na inilalarawan ang mga bagyo sa anyo ng malalakas na hangin, ulan, storm surge, at pagbaha, na pwedeng magresulta sa pagguho ng lupa, pagkawala ng kuryente, at pinsala sa imprastraktura at mga gusali. Dagdag pa rito, ang mga bagyo rin ay maaaring makabuo ng malalaking alon, magdulot ng coastal at maging sanhi ng mga buhawi o waterspout, na pwedeng makadagdag sa pinsala at panganib sa lahat.
Kaya po paalala po sa ating mga minamahal na kabarangay na manatiling ligtas at alerto sa anumang masamang banta ni Bagyong Carina!
Ang paghahanda sa bagyo ay mahalaga para matiyak ang inyong kaligtasan, at mabawasan ang pinsala sa iyong ari-arian. Kaya naman narito ang ilang bagay na maaari mong gawin sa paghahanap sa bagyo
1. Manatiling informed
Makinig sa mga balita at mga update mula sa mga lokal na awtoridad at sundin ang kanilang mga instruction. Maaari ka ring mag-download ng typhoon tracking apps o i-access ang mga weather website upang makatanggap ng mga real-time na update.
2. I-secure ang iyong ari-arian at kagamitan
Tiyaking secure ang iyong mga bintana, pinto, at bubong. Putulin ang anumang mga puno o sanga na maaaring mahulog at magdulot ng pinsala. Kung nakatira ka sa isang lugar na madaling bahain, ilipat ang iyong mga mahahalagang bagay at mahahalagang dokumento sa mas mataas na palapag o lugar.
3. Mag-imbak ng mga suplay
Magkaroon ng sapat na pagkain, tubig, at iba pang mga panustos upang tumagal nang hindi bababa sa tatlong araw. Kabilang dito ang mga pagkain na hindi nabubulok, bottle water, mga flashlight, mga baterya, first aid kit, at battery-operated radio.
4. Lumikas o mag-evacuate kung kinakailangan
Kung pinapayuhan ka ng mga awtoridad na lumikas, gawin ito kaagad. Sundin ang mga itinalagang ruta ng paglikas at dalhin ang iyong emergency kit.
5. Magkaroon ng communication plan
Siguraduhing mayroon kang paraan para makipag-usap sa iyong pamilya at mga kaibigan. Panatilihing naka-charge ang iyong mga mobile phone at magkaroon ng backup kung maaari.
6. Manatili sa loob ng bahay
Kung sa lokasyon o lugar ninyo tumama ang bagyo, manatili lamang sa loob ng bahay at iwasang lumabas. Lumayo sa mga bintana at pintuan, at panatilihin ang iyong emergency kit at mahahalagang dokumento sa iyo. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito, mas makakapaghanda ka para sa isang bagyo at masisiguro ang iyong kaligtasan at kaligtasan ng iyong mga mahal sa buhay.
Huwag mong kakalimutan na sa paghahanda sa bagyo, kasama dito ang paggawa ng mga bagay tulad ng paghahanda ng emergency kit na may pagkain, tubig, at mga medikal na suplay, pag-secure ng mga mahahalagang bagay at outdoor furniture, paglikas sa mga mabababang lugar, at pagsunod sa mga instruction mula sa mga lokal na awtoridad.
Inaasahang lalakas pa at maaaring umabot sa typhoon category ang bagyong mamayang gabi, ayon sa PAGASA.