28/05/2026
Sa diwa ng nasyonalismo at pagkakaisa, buong pusong nakilahok ang mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan ng Famy sa paggunita ng Philippine National Flag Day ngayong Mayo 28, 2026 sa Liwasang Constancio Valsadera.
Ang ating pambansang watawat ay sumisimbolo sa katapangan, kalayaan, at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino. Patuloy natin itong igagalang at ipagmamalaki bilang sagisag ng ating pagkatao at pagmamahal sa bayan.
Sama-sama para sa isang makabayan at nagkakaisang Famy!