16/05/2026
Nakikiisa ang POO III-Sultan Kudarat sa PROJECT PEPA: Patuloy na Edukasyon, Patuloy na Pag-ahon
Matagumpay na naisagawa ang PBBM Gabay ng Bayan Programs Information Caravan – Mindanao Cluster ng Commission on Higher Education (CHED) at UniFAST Region XII noong Mayo 14, 2026 sa Lagao Gymnasium, General Santos City, bilang suporta sa PROJECT PEPA (Patuloy na Edukasyon, Patuloy na Pag-ahon).
Ang aktibidad ay inilaan para sa mga Senior High School students na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at mga incoming first-year college students na nangangarap makapagpatuloy ng pag-aaral.
Dumalo sa nasabing programa ang Provincial Operations Office III – Sultan Kudarat sa pangunguna ni Provincial Link Ms. Norzahra G. Dimatingkal, kasama ang ibang Technical Staff, Municipal Links, at mga benepisyaryo mula sa mga bayan ng Esperanza, Lambayong, President Quirino, at Bagumbayan, Sultan Kudarat.
Layunin ng Project PEPA na maitaguyod ang dekalidad at abot-kayang edukasyon para sa bawat Pilipino, lalo na sa mga kabataang kabilang sa mga vulnerable sectors ng lipunan.
Ang nasabing caravan ay bunga ng malawakang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), LANDBANK, Department of Education (DepEd), mga pribadong kolehiyo, at State Universities and Colleges (SUCs).
Sa mensahe ni CHED Commissioner Hon. Myrna Q. Mallari, binigyang-diin nito ang matibay na paninindigan ng administrasyon na tiyaking walang Pilipinong estudyante ang maiiwan dahil lamang sa kakulangan sa pinansyal na kakayahan.
Ang PBBM Gabay ng Bayan Program ay isang estratehikong inisyatiba na naglalayong mapalapit at mapadali ang pag-access ng mamamayan sa mga serbisyo at educational assistance ng pamahalaan, lalo na para sa mga higit na nangangailangan.