19/09/2026
MUSO | 41st INTERNATIONAL COASTAL CLEANUP ACTIVITY
Nakilahok ngayong Setyembre 19, 2026 ang Manila Urban Settlements Office (MUSO) sa pagdiriwang ng International Coastal Clean-up Day sa Baseco Beach.
Sa pangunguna ni OIC-Ar. Ernesto Oliveros, kasama ang mga kawani ng MUSO, isinagawa ang sama-samang paglilinis bilang ambag sa pangangalaga ng kapaligiran at pagpapanatili ng kalinisan sa lungsod. Patuloy ang pagkakaisa ng mga kawani ng pamahalaang lungsod para sa mas malinis na kapaligiran at luntiang Maynila.