Department of Environment and Public Services - Manila

Directions Website Contact the organization

Department of Environment and Public Services - Manila This is the official page of the Department of Environment and Public Services - Manila (DEPS)
(2)

VISION: The Cityโ€™s vision is to have an environment friendly and resilient community with its citizen aware and conscious of their social responsibility to sustain a clear and efficient solid waste management practices worth emulating by the future generation of Manila. BISYON: Bisyon ng Lungsod na magkaroon ng isang makakalikasang komunidad na ang mga mamamayan ay may kaalaman at kamalayan sa kanilang pananagutan tungo sa isang malinaw at mahusay na pangangasiwa sa basura na maaaring maging magandang halimbawa sa susunod na henerasyon sa Maynila. MISSION: To attain the Cityโ€™s vision, it is the paramount mission of the City Government Administration through the Department of Public Services (DPS), to steward its constituents on the following activities:

* The practice of waste segregation at source to establish the manner in which factory returnable waste be economically feasible;
*Waste diversion practice by way of backyard composting and massive campaign in barangays to have backyard or frontyard garden in the household;
*Waste reduction through waste generation avoidance;
*Establish collection and disposal system for household hazardous waste
*Discourage illegal and late dumping of solid waste through efficient garbage collection services;
*Implement and enforce all environment and solid waste management laws and ordinances. MISYON: Upang ganap na maisakatuparan ang pananaw ng Lungsod, ang pinakamahalagang misyon ng Pamahalaan ng Lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng Kagawaran ng Serbisyong Pampubliko ay tiyakin na ang mga nasasakupan nito ay gagawin ang mga sumusunod:

*Ang pagsasagawa ng pagbubukod ng basura mula sa pinagkukunan nito ay sinasakatuparan upang mapakinabangan ang mga maaari pang magamit sa ibang paraan;
*Paglikha ng pataba mula sa basura upang magamit bilang abono sa mga halamanan at gulayan;
*Pagbabawas ng basura sa pamamagitan ng pag-iwas sa paglikha nito;
*Ang mga mapanganib na basura ay hindi isinasabay sa regular na pangongolegta ng basura;
*Magkaroon ng maayos na pamamaraan sa pagkolekta at pagtatapon ng mga mapanganib na basura sa mga kabahayan;
*Pagkakaroon ng mahusay na pagkolekta ng basura upang iwasan ang di wasto at wala sa oras na pagtatapon na nagiging sanhi ng pagtambak nito;
*Mahigpit na ipatupad ang lahat ng batas at ordinansa patungkol sa pangangalaga ng kapaligiran at tamang pangangasiwa sa basura.

BARANGAY 649 BASECO MRF โ™ป๏ธTampok sa seryeng ito ang Materials Recovery Facility (MRF) sa Barangay 649, Baseco, na bagong...
09/10/2026

BARANGAY 649 BASECO MRF โ™ป๏ธ

Tampok sa seryeng ito ang Materials Recovery Facility (MRF) sa Barangay 649, Baseco, na bagong rehabilitasyon sa ilalim ng Circular Economy Project ng Philippine Red Cross, katuwang ang Spanish Red Cross at sa suporta ng European Union at Eibarko Udala.

Bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng wastong pamamahala ng basura at mas sustenableng komunidad.

#๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ž๐—ผ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ
#๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—š๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐—”๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—ป


๐’๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐ | Malinis na kalsada, maayos na Lungsodโ€”disiplina nagsisimula sa bawat isa! Masigasig na isinagawa ngayong araw ...
09/10/2026

๐’๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐ | Malinis na kalsada, maayos na Lungsodโ€”disiplina nagsisimula sa bawat isa!

Masigasig na isinagawa ngayong araw ng ating ๐——๐—˜๐—ฃ๐—ฆ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜ ๐—ฉ๐—œ ๐—ฆ๐˜„๐—ฒ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ang sweeping operations sa mga pangunahing kalsada, kabilang ang Quirino Avenue, Otis, P. Guanzon, V. Mapa, P. Sanchez hanggang Sevilla, R. Magsaysay Boulevard, at Old Sta. Mesa.

Ang mga gawaing ito ay bahagi ng pagsusulong ng kalinisan at kaayusan sa ating lungsod. Gayunpaman, ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng ating mga street sweeperโ€”ito ay responsibilidad nating lahat.

#๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ž๐—ผ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ
#๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—š๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐—”๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—ป


08/10/2026

DEPS joins PackPrintPlas 2026 Exhibition โ™ป๏ธ

In line with the 32nd International Packaging, Printing, Plastics Machinery, Technology, Products, and Services Exhibition, the Department of Environment and Public Services (DEPS) of the City Government of Manila joined fellow LGUs from across the NCR in showcasing initiatives and products that promote recycling, upcycling, and sustainable waste management.

DEPS proudly showcased its upcycled plastic products on the opening day of the expo, held on October 8, 2026, at the SMX Convention Center, Pasay City.




Huwag itapon kung saan-saan ang used cooking oil! ๐Ÿ›ข๏ธโ™ป๏ธAng mantikang nagamit na ay maaaring magdulot ng pagbabara at polu...
08/10/2026

Huwag itapon kung saan-saan ang used cooking oil! ๐Ÿ›ข๏ธโ™ป๏ธ

Ang mantikang nagamit na ay maaaring magdulot ng pagbabara at polusyon kapag ibinuhos sa lababo, kanal, estero, o lupa.

Sa halip, palamigin, ipunin sa malinis at may takip na lalagyan, at dalhin sa awtorisadong collection point para sa tamang pangangasiwa nito.

Sa simpleng pag-iingat at tamang pagtatapon, makatutulong tayo sa pagpapanatili ng malinis na mga daluyan ng tubig at mas ligtas na kapaligiran.

#๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ž๐—ผ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ
#๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—š๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐—”๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—ป


08/10/2026

LIVE: Pagsisimula ng pagsasaayos ng Tondo Health Center sa Juan Luna St., Gagalangin, Tondo, para sa mas de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga Manileรฑo.


๐€๐‹๐€๐Œ๐ˆ๐ | Agad po nating tinugunan ang mensaheng ipinadala sa ating DEPS page hinggil sa basura ng National Teac...
08/10/2026

๐€๐‹๐€๐Œ๐ˆ๐ | Agad po nating tinugunan ang mensaheng ipinadala sa ating DEPS page hinggil sa basura ng National Teacher College.

Patuloy po tayong nakikinig at kumikilos upang matugunan ang bawat hinaing, mungkahi, at concern na ipinapaabot ng ating mga kababayan.

Ang aktibong pakikipagtulungan ng bawat Manileรฑo ay mahalaga sa pagpapanatili ng isang malinis, maaliwalas, ligtas, at maayos na Lungsod ng Maynila.

#๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ž๐—ผ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ
#๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—š๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐—”๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—ป


๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Isa sa ating mga pangunahing adhikain ang patuloy na pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at kagandahan ng at...
08/10/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Isa sa ating mga pangunahing adhikain ang patuloy na pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at kagandahan ng ating kapaligiran, lalo na sa ating minamahal na Lungsod ng Maynila.

Kaugnay nito, nagsagawa ngayong araw ang ๐——๐—˜๐—ฃ๐—ฆ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜ ๐—œ ๐—ง๐—ฎ๐˜€๐—ธ ๐—™๐—ผ๐—ฟ๐—ฐ๐—ฒ ng mopping operations sa ibaโ€™t ibang lugar, kabilang ang Mel Lopez Blvd., Jacinto Street, Delpan, Zaragosa Street, Moriones, Katuparan Bridge, Aroma, Pacheco Street, Capulong Street, Dagupan Street, Elena Street, Kagitingan Street, Salvacion Street, at Sto. Niรฑo Street.

Mga kababayan, hinihiling po namin ang inyong pakikiisa at kooperasyon. Sa simpleng pagtatapon ng basura sa tamang lugar, pag-iwas sa pagtatapon kung saan-saan, at pagsunod sa mga alituntunin sa kalinisan, malaki ang ating maitutulong upang mapanatili ang isang malinis, maayos, ligtas, at magandang Maynila.

#๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ž๐—ผ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ
#๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—š๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐—”๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—ป


07/10/2026
BASURANG PAPEL HUWAG ITAPON BASTA-BASTA! โ™ป๏ธAng bawat piraso ng papel na ating binabawasan, ginagamit muli, at nire-recyc...
07/10/2026

BASURANG PAPEL HUWAG ITAPON BASTA-BASTA! โ™ป๏ธ

Ang bawat piraso ng papel na ating binabawasan, ginagamit muli, at nire-recycle ay malaking ambag sa pangangalaga ng ating kalikasan.

Magtapon nang tama. Mag-reuse. Mag-recycle.
Sama-sama nating gawing mas malinis ang ating kapaligiran!

Maliit na hakbang ngayon, malaking pagbabago para sa kinabukasan! ๐ŸŒฑโ™ป๏ธ

#๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ž๐—ผ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ
#๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—š๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐—”๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—ป

๐€๐‹๐€๐Œ๐ˆ๐ | Ang ating mga kawani ng ๐——๐—˜๐—ฃ๐—ฆ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜ ๐—œ ๐—ง๐—ฎ๐˜€๐—ธ ๐—™๐—ผ๐—ฟ๐—ฐ๐—ฒ ay nagsagawa ng paghahakot ng mga nakatambak na basura sa ka...
07/10/2026

๐€๐‹๐€๐Œ๐ˆ๐ | Ang ating mga kawani ng ๐——๐—˜๐—ฃ๐—ฆ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜ ๐—œ ๐—ง๐—ฎ๐˜€๐—ธ ๐—™๐—ผ๐—ฟ๐—ฐ๐—ฒ ay nagsagawa ng paghahakot ng mga nakatambak na basura sa kalye ng Juan Luna Street, Barangay 9, Zone 1, P/B Cambri, bilang bahagi ng tungkulin sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng ating kapaligiran.

Ang bawat hakbang sa paglilinis ay pagpapakita ng serbisyo, malasakit, at pananagutan sa komunidad. Maging responsable po tayo sa pagtatapon ng basura at makiisa sa pagpapanatili ng malinis, maayos, at ligtas na pamayanan.

#๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ž๐—ผ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ
#๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—š๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐—”๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—ป


Address

Ground Floor, Old Comelec Bldg. , Lion's Road , Arroceros Street
Ermita
1000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Department of Environment and Public Services - Manila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Department of Environment and Public Services - Manila:

Shortcuts

Share